Chapter 17

1 0 0
                                    

Maaga ako nagising pero hindi ako nakabangon sobrang sakit kasi ng ulo ko, feeling ko magkaka trangkaso ako. Uminom ako ng gamot at nahiga ulit ako,nilalamig din ako kaya nagkulubong ako. Maya maya ko na lang tatawagan si Siony para sabihin na baka mag half day ako dahil masama ang pakiramdam ko. 

Brent's POV

Kakatapos lang ng meeting ko, tiningnan ko agad ang cphone ko, wala kahit isang text si Samantha, inaamin ko naman na isang gago ako, inaway ko sya dahil sa napakababaw na reason. Nagselos kasi ako una kay Jayson then dumagdag pa itong si Paulo. Alam na alam ko naman na matagal na nya itong manliligaw at iba ang closeness nila. Nag init ang ulo ko lalo na ng sabihin na nya itigil na ang relasyon namin, na para bang nagsisisi na sya. Mahal ko si Samantha at ayoko syang mawala sa akin. Mag aalas singko na wala rin tawag or text si Samantha, nag try ako tawagan ang cphone nya pero cannot be reach na. Kinabahan na ako kaya tumawag na ako sa opisina nila. Si Siony ang nakasagot at sinabi nga sa akin na hindi nag text or nagparamdam man lang si Samantha which is very unusual kasi napaka hands on nya sa business nya. 

Alas syete na ng gabi, hindi pa rin ma contact si Samantha, nag aalala na talaga ako kaya nagpatulong na ako kay Corinne, katok kami ng katok sa unit nya pero walang sumasagot or nagbubukas ng pinto. Ang cphone nya cannot be reached pa rin until now. Nagpa assist na kami sa admin ng building para mabuksan ang unit ni Samantha. 

Pagkabukas namin ng pintuan, naka off lahat ng ilaw. Dali daling pumasok si Corinne sa kwarto, mabuti na lang at hindi ito naka lock. Nakita namin si Samantha na balot na balot ng kumot, pawisan na ito at mataas ang lagnat.  Kumuha agad ako ng towel para ma cold compress sya, kumuha naman ng gamot si Corinne sa bahay nya. Pagkatapos ko sya mag cold compress, nagluto naman ako ng noodles para makakain si Samantha, never pa ako nakapag alaga ng may sakit, lahat kakayanin ko for Samantha. Sinamahan din ako ni Corinne para may makatulong ako sa pag aalaga kay Samantha. Around 11:00pm, bumangon na sya, okay na daw sya at pilit na akong pinapauwi, kaya naman daw nya. Sinabi ko sa kanya na aalagaan ko sya at sasamahan pero pilit pa rin nya ako pinapauwi. 

Hindi ako umuwi kahit iniinsist nya, sinamahan ko sya magdamag, sa sofa na lang ako natulog, from time to time chine check ko ang temperature nya. Bumaba na ang lagnat nya. Sa sobrang pagod ko siguro mas nauna pa magising sa akin si Samantha. Nagulat ako ng halikan nya ako sa labi, pagmulat ko ng mata, nakita ko syang nakangiti at nakatitig sa akin.

" Good morning. Thank you sa pag aalaga mo sa akin, pwede ka na umuwi, may pasok ka pa. Pasensya na hindi kita maipagluluto ng breakfast" 

" Good morning" sabay kabig ko sa kanya, na out of balance nya kaya napasubsob sya sa dibdib ko. Pag angat nya ng mukha nya, nagulat sya ng siniil ko sya ng halik, tinugon naman nya ang halik ko, mapusok ang halikan namin then bigla sya nag slowdown. Naghiwalay lang kami ng pareho na kami kapusin ng hangin. 

Nang medyo makabawi na kami, hinapit ko sya sa beywang at hinalikan ko ang leeg nya, nagpaubaya naman sya. hanggang sa halikan ko sya sa balikat, humigpit ang yakap nya sa akin at ramdam ko na nagugustuhan nya ang ginagawa ko.  Nagpalit kami ng pwesto, sya na ang nasa ilalim, hindi ko pa rin tinitigilan ang paghalik sa kanya. Sana palagi na lang kaming ganito, walang away, puro happy memories.

Samantha POV

Kakaibang sensasyon ang nararamdaman ko ngayon. Nagka boyfriend na ako before pero hindi ko naramdaman yung ganitong kilig at happiness. Ang tagal namin nag kiss, naramdaman ko na rin ang kamay nya sa ibabaw ng dibdib ko, napapaigtad ako sa bawat haplos. Napapatigil ako sa paghalik sa kanya, ramdam ko ang init ng kamay nya na humahaplos sa dibdib ko. Hinalikan nya ako sa may tenga at bumulong sa akin. 

" Samantha, gustong gusto kong tapusin itong ginagawa natin but I'm afraid baka mabinat ka"  hinalikan nya ulit ako sa pisngi. Tumayo na sya at pumunta sa kitchen. Ipaghahanda pa nya sana ako ng dinner pero pinigilan ko na sya.

" Ako na ang bahala, sige umuwi ka na, kaya ko naman eh. Baka ma late ka pa sa trabaho mo"

" Samantha, pwede ako pumasok anytime, I'm the boss remember? Ipagluluto kita ng breakfast at huwag ka ng kumontra. Umupo ka na dyan habang nagpe prepare ako ng breakfast natin"

Tumango na lang ako at hinintay syang matapos magluto. Nag prito si Brent ng Bacon and Egg, nag toast din sya ng bread and gumawa sya ng coffee. Nakakatuwa syang tingnan habang nagluluto, parang sanay na sanay na syang magluto. Sabay na kami nag breakfast at sya na rin ang nagligpit ng kinainan namin.  Umuwi na rin sya kaagad dahil maliligo at magbibihis pa sya. 

Tinawagan ko si Siony , sinabi ko na hindi ako makakapasok dahil masama pa ang pakiramdam ko, maghapon ako natulog at ng bumuti na ang pakiramdam ko, nagluto ako ng dinner. Nag text ako kay Brent na dito na sya mag dinner, mag 8pm na wala pa sya reply kaya nag decide ako na kumain na, tinago ko na lang ang ibang food sa ref.  

Nagising ako sa walang tigil na pag ring ng cphone ko, pag check ko si Brent, ayoko na sana sagutin pero hindi naman ito titigil sa kakatawag. 

" Samantha, sorry nagising ka sa tawag mo, may meeting ako, ngayon ko lang nabasa ang message mo. Pwede pa ba ako mag dinner dyan?"

" Gabi na  Brent, tomorrow ka na lang pumunta, I know you are tired na rin"

" ayaw mo ba ako makita?" may pagtatampong sabi ni Brent

" hindi naman sa ganoon, kaya lang gabi na then may work ka pa tomorrow"

" basta pupunta ako dyan, hintayin mo ako, within 30 minutes nandyan na ako."

Bumangon na ako at ininit ko ang ulam, wala pang 30 minutes dumating na si Brent, sya na lang ang nag dinner kasi busog pa ako. Nagpa timpla pa sya ng kape, he even asked me kung pwede dito sya matulog ngayon. Nasasanay na ang lalaking ito na laging nakikitulog sa bahay ko, sa ibang banda gusto ko rin na palagi sya kasama. 




It Must Have Been Love - ( on going -  updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon