Naging busy si Samantha sa trabaho, sunod sunod ang mga booking nila at ang dami din nanghihingi ng quotation para sa mga tour, idagdag pa ang mga referral ng naging client nila. Almost one week na rin hindi nagpaparamdam si Brent as in text or call ay wala.
Kapag nasa bahay naman sya ay ang Online Shop ang inaasikaso nya. Balak na rin kasi nya magtayo ng boutique dahil dumadami na ang client nila, mas okay kapag may physical store na mismo. Kahit ang mga magulang nya ay sinasabihan syang mag relax kahit minsan.
Maganda ang takbo ng parehong negosyo nya kaya sinasamantala na nya. Matagal na nyang hinintay ang pagkakataon na ito, kaya gusto na nya samantalahin.
After lunch nagpaalam si Samantha kay Siony dahil may business meeting sya na pupuntahan. May ni refer ang college friend nya sa kanya na isang company na sa kanila magpapa book kapag may mga out of town or out of the country na business meeting.
Samantha's POV
Need ko ma close ang deal na ito, magiging regular customer ko sila, malaking company ito. Sa isang restaurant sa Crown Plaza ang meeting nya, isa sa mga may ari ng kompanya.
May naka reserve ng table sa kanila, parang nahiya akong lumapit kasi mas nauna pa sya sa akin. Pagkalapit ko sa table, tumayo sya at nakipag shake hands sa akin, inalalayan din nya ako makaupo.
"I'm Samantha Panganiban, owner ng Central Travel and Tours"
"Hi Samantha, by the way I'm Jayson Coronel, isa sa mga owner ng JC and Associates. Ni refer sa akin ng cousin ko, college friend daw kayo"
"Yeah, alam kasi ni Camille na may travel agency ako"
Inexplain ko kay Jayson ang mga Tour Package na pwede ko ioffer sa kanila and ang mga discount na pwede ko ibigay as regular customer. Inexplain nya rin sa akin na minsan puro asap ang business tour nila, na assure ko naman na kaya namin ibook ang mga biglaan out of town or out of the country na business meeting nila. Nag sign na rin sya ng contract with us. Thank God at na close ko ang deal na ito.
Nagkukwentuhan na lang kami ni Jayson ng mag ring ang cellphone ko. Himala at nagparamdam si Brent, hindi ko sinagot ang tawag nya kasi nasa business meeting ako. Ignore ko lang kahit sunod sunod ang tawag nya. Masaya kami nagkukwentuhan ni Jayson ng may lumapit dito, laking gulat ko ng makilala ito.
"Pare, kumusta na? " tumayo si Jayson para kamayan si Brent
"Okay lang pare, ikaw kumusta" sagot naman bi Brent.
Napaka gwapo nya sa suot nyang casual clothes, halatang mayaman ito at in fairness ang ganda ng katawan nya, tambay din ito siguro sa gym, na excite tuloy ako sa abs nya. Hay naku kung ano ano ang naiisip ko.
"Si Samantha nga pala" pakilala sa akin ni Jayson
"Hi Samantha, nice to see you again" hindi maipinta ang mukha ni Brent.
"Magkakilala pala kayo" nakangiting sabi ni Jayson.
"Yeah magkakilala kami, friend sya ng bestfriend ko" sagot ko naman
"Ah I see, Brent may kasama ka? Join ka na dito sa table namin"
"Thank you Jayson pero may kasama ako. Next time na lang"sagot naman ni Brent
Nagpaalam na si Brent kay Jayson at tumingin sa akin na parang nagbabanta na parang galit.
"Samantha, hope to see you again" kinamayan ako ni Brent ng madiin hindi ko na lang pinahalata na medyo nasaktan ako.
Sinundan ko na ng tingin ng lumayo na si Brent, maganda ang kasama nya at mukhang mayaman din, matangkad ito na mestisa pero makapal ang make up. Umupo sila sa dulong la mesa.
Ano bang problema ni Brent? Ang sama nyang makatingin, nagseselos ba ito? Napaka impossible naman dahil may ka date nga ito at mukhang girlfriend nya.
After an hour saka kami umalis ni Jayson. Tumingin ako sa may table nina Brent at nandoon pa sila, ang sweet nga nila. Inalalayan ako ni Jayson hanggang makalabas kami ng restaurant. Ininsist ni Jayson na ihatid na ako sa bahay, pumayag na rin ako dahil rush hour na mahirap na rin makasakay at saka same way din naman.
Pag uwi ko, naghahanda na ng dinner si nanay, tinawagan ko naman si Sonia para kumustahin ang mga bookings namin.
10:00pm na, nakahiga na ako ng mag ring ang cellphone ko, si Brent.
Hindi ko sinasagot kasi pagod na rin ako at inaantok na ako. Walang tigil ang pagtawag nito kaya sinagot ko na rin.
"Hello Brent, napatawag ka"
"Kumusta date mo? Kilala namin ni Paulo si Jayson"pagalit ni sabi nito.
"Ah really, small world pala" nang aasar na sagot ko
"Babaero yan si Jayson, kaya kung ako sa iyo layuan mo na sya hanggang maaga pa. Iiwan ka din nyan kapag nagsawa na sa iyo"
Nainis ako sa sinabi ni Brent, ang bilis nito maghusga, akala ba nya date iyon. Lalo ko sya aasarin.
"Okay lang sa akin, mabait naman sya... " hindi pa ako tapos magsalita ng sumigaw si Brent.
"Bahala ka sa buhay mo, huwag mong sabihin na hindi kita binalaan" biglang naputol ang pag uusap namin.
Ano ba meron at masyadong G na G si Brent, sya naman itong nag assume na date iyon. Sana man lang nagtanong sya di ba!! Siya nga itong may ka date, nagalit ba ako?
A/N
Sorry po naging busy lang sa work, ang tagal ng update ko.
Hope nagustuhan nyo, please vote and leave comments.
Thank you.
BINABASA MO ANG
It Must Have Been Love - ( on going - updated)
RomanceLaki sa hirap si Samantha Panganiban, lahat gagawin nya makatulong lang sa pamilya nya. Lahat ng klase ng trabaho ay pinasok nya masuportahan lang ang kanyang pag aaral. Nakatapos sya sa kolehiyo at ginamit ang perang naipon nya para maitayo ang mal...