Ang bilis ng panahon, mag 3 years old na ang anak ko. Sobrang smart nito, syempre mana sa akin. Ito yata ang age na marami ng tanong ang bata. Busy sya sa paglalaro kasama ng yaya nya kaya hindi nya napansin na dumating na ako.
" Aaron, mommy is here na"
" Mommy, I'm sorry hindi kita napansin, naglalaro kasi kami ni Ate Marie " niyakap ako at kiss ng anak ko
" How's your day baby? Good boy ka ba? hindi mo ba pinahirapan si Ate Marie"
" No po, good boy po ako. I miss you Mommy"
" I miss you too Baby. Let's eat na, maaga tayo matutulog. Tatawag si Mamita bukas di ba"
" Yes po Mommy, I miss Mamita na rin po and of course, I miss Daddy Paulo"
Ang tagal ko ng hindi umuuwi ng Pilipinas, almost 4 years na rin. Nagta trabaho ako ngayon sa isang opisina dito sa California. Sa New York ko pinanganak si Aaron, nag mag two years old na sya, nagkaroon ako ng Job Offer dito sa California kaya nag decide ako na lumipat dito. Ang alam ng parents ko nasa Australia ako, hindi ko sinabi ang totoo sa kanila kasi baka may maghanap sa akin at ayokong malaman nila kung nasaan ako. Ewan ko ba until now, niloloko ko pa rin ang sarili ko na baka sakaling hinanap ako ni Brent noong umalis ako ng bahay. Baka kasal na sila ni Celine ngayon at may sarili na rin pamilya. Nasa New York pa rin si Paulo until now, okay kasi ang business nila doon. Umuuwi sya ng Pilipinas twice a year para dalawin ang parents nya. Pumunta ng New York si Tita Melinda noong nanganak ako. Sya ang nakatuwang ko at tumayong pangalawang ina ko. Si Paulo naman naging close kami lalo, nabanggit din sa akin ni Tita Melinda na may girlfriend na ito, happy ako for him.
Wala na ako kay balita kay Brent, hindi na rin namin sya napapag usapan ni Corinne. Ikakasal na si Corinne this year, she is inviting me. Pinipilit nya talaga ako na pumunta, sabi ko wala pa ako ipon, sasagutin daw nila ni Nico ang pamasahe ko pauwi ng Pilipinas. Si Corinne alam na may anak na ako pero si Nico wala syang idea at hindi din nya alam na may communication pa kami ni Corinne.
Maaga tumawag si Tita Melinda, nangungumusta lang, once a week sya tumatawag para kumustahin kami ni Aaron.
" Samantha, kumusta na kayo ng apo ko"
" okay naman po kami ni Tita Melinda, ang laki na ni Aaron at makulit na rin po. Ikaw po kumusta na?
" okay naman ako, Samantha, may request sana ako, next month 60th Birthday ko na, uuwi si Paulo dito sa Pilipinas, okay lang ba kung umuwi din kayo ng apo ko? then sabay na kayo bumalik ni Paulo ng America.
" Naku Tita Melinda, hindi pa po ako sure eh, may work po kasi ako"
" please Samantha, miss na miss ko na kayo ng apo ko, sana mapagbigyan mo ako"
" okay sige po, kausapin ko na lang po si Paulo para sa pag booked namin ng flight"
" Salamat Samantha, it's about time na dumalaw ka dito sa Pilipinas. Dalawin mo rin ang parents mo for sure miss na miss ka na nila at gusto din nila makita ang apo nila"
Nagkausap na kami ni Paulo regarding sa pag uwi ko ng Pilipinas. Ilang beses nya ako tinanong kung ready na ba ako, sabi ko ready na ako saka miss ko na rin ang pamilya ko. Hindi ako makakasabay sa kanya kasi kailangan ko pa magpaalam sa office, nag resign na kasi ako at kailangan ko pa mag render ng ilang araw. Mauuna ng two weeks sa akin si Paulo, gusto ni Tita Melinda, isabay na ni Paulo si Aaron, sabi ko kami na lang ni Aaron ang sabay, hindi kasi ako sanay na hindi kasama ang anak ko.
Brent's POV
May get together ang mga tropa dahil dumating daw si Paulo. Ayoko sana pumunta dahil sa totoo lang ayoko makita si Paulo. Matagal na ako naghihinala na sya ang kasama ni Samantha papuntang Singapore, pinahanap ko si Samantha after nya umalis ng bahay. Na trace sya na pumunta ng Singapore pero ang nakakapagtaka walang record na pumunta sya ng Australia, natunton ko kung saan nakatira sa Cagayan de Oro ang parents ni Samantha, ang alam lang nila nasa Australia ito pero sa Australia, hindi rin mahanap ang address nya at walang record na pumasok sya ng Australia. Si Paulo naman nasa New York busy ito sa family business nila. Wala rin nahanap na record ni Samantha sa New York or kahit saang parte ng America.
Every year umuuwi si Paulo, wala pa rin lead kung nasaan ang mag ina ko. May nakapag kwento sa amin ni Nico na may anak na si Paulo pero naghiwalay din sila at ngayon may bago na itong girlfriend. Naisip ko na baka si Samantha ang sinasabi nilang ex ni Paulo at ang sinasabing anak ni Paulo ay ang anak ko. Pinahanap ko ang sinasabi nilang anak ni Paulo pero wala rin makuhang information ang lead ko na sobrang kina frustrate ko.
Malaki na ang anak ko, mag 3 years old na sya kung tama ang bilang ko. Wala ako idea kung babae or lalaki ang naging anak ko. More than 3 years ago, lasing na lasing si Corinne, kung ano ano ang pinagsasabi nya, galit na galit sya sa akin at nabanggit nya na mabuti na lang daw, pinaalis ni Samantha ang anak ko, dahil hindi ko daw deserve maging daddy. Naging palaisipan sa akin iyon, paano nga kung pinalaglag ni Samantha ang anak ko, pero hindi iyon magagawa ni Samantha, hindi sya ganoong klase ng tao. Alam kong wala pa rin idea ang parents ni Samantha sa nangyari sa kanya, hindi na rin ito kumokontak basta ang sabi daw nasa Australia. Naniniwala ako na walang ginawang masama si Samantha sa anak namin.
Late na ako dumating sa Party, kumpleto na silang lahat pati si Paulo nandoon na. Mainit ang dugo ko kay Paulo dahil sa nangyari, kailangan ko magpakahinahon dahil may gusto ako malaman, malakas ang kutob ko sya ang nagtatago kay Samantha, wala man ako makuhang ebidensya sa ngayon, gagawin ko lahat makakuha ng info about sa mag ina ko.
" Brent, late ka na naman, kanina pa nag uumpisa ang party" si Nico, lasing na ito at kasama si Corinne
" late na ako nakaalis ng bahay" kinamayan ko lahat pati na si Paulo, napansin kong masama ang tingin nya sa akin hindi ko mabasa kung ano ang iniisip niya.
" Brod,kumusta na? kailan ka pa dumating?"
" last week lang Brod, mag birthday si Mommy kaya napauwi ako pero babalik din ako agad sa New York"
" Paulo, kailan ang kasal mo, balita namin may girlfriend ka na sa New York, kasama mo ba sya ngayon"
" Hindi eh, may work sya at hindi sya nakapag file ng vacation"
Ang dami na namin napag usapan ng biglang mag ring ang cphone ni Paulo, nakalapag lang ito sa mesa kaya nakita namin lahat ang pag appear ng batang lalaki, biglang bumilis ang tibok ng puso ko, napansin siguro ni Paulo na nakatitig ako sa cphone nya kaya dinampot nya ang cphone at tumayo, nagpaalam sya na kakausapin lang daw ang anak nya. Kakaibang kaba ang naramdaman ko ng makita ko sa video call ang batang lalaki, hindi ko alam pero malakas ang kutob ko, anak ko ang batang iyon.
Nagkakantyawan ang tropa na ipakausap naman sa amin ang anak nya, panay naman ang sabi ni Paulo na next time na lang. Makulit si Nico kahit iparinig lang daw sa amin ang boses ni Paulo Jr. Napatiim bagang ako sa narinig, Paulo Jr, kung tama ang kutob ko na anak namin ni Samanta ang batang iyon, hindi ako papayag na isunod kay Paulo ang pangalan ng anak ko. Wala na rin nagawa si Paulo, pinakita sa amin ang anak nya, parang may humaplos sa puso ko ng makita ko ang mukha ng bata, sobrang gwapo nito, namalikmata lang ba ako kasi ganoon ang itsura ko noong maliit pa ako. Imagination ko lang ba ito dahil gustong gusto ko makakuha ng information kay Paulo. Nagulat ako ng magsalita ang bata, tinawag nito si Corinne, parang nataranta naman si Paulo at nagpaalam na sa anak nya, huling salita ng bata na narinig namin na sinabi ng anak ni Paulo, See you next week. Bakit nya kilala si Corinne, may tinatago ba si Corinne na dapat kong malaman.
Uuwi kaya si Samantha next week? I will do my best para mag krus ang landas namin.
BINABASA MO ANG
It Must Have Been Love - ( on going - updated)
RomanceLaki sa hirap si Samantha Panganiban, lahat gagawin nya makatulong lang sa pamilya nya. Lahat ng klase ng trabaho ay pinasok nya masuportahan lang ang kanyang pag aaral. Nakatapos sya sa kolehiyo at ginamit ang perang naipon nya para maitayo ang mal...