Chapter 13

1 0 0
                                    


Tahimik lang ako habang inaabot ni Corinne sa akin ang baso ng alak, ayoko na magsalita kasi baka mapikon na naman si Brent.  Naramdaman yata ng dalawa ang tension kaya tahimik din sila. Naghanap ulit ng movie si Corinne at tahimik kaming apat, pakiramdaman lang parang ganun. 

Umandar na naman ang pagiging taklesa ni Corinne, tatawa tawa sya at biglang sumigaw na kinagulat namin.

" Guys, ano ba!! bakit ang seseryoso nyo, common loosen up. Let's enjoy!! " sigaw ni Corinne.

" Brent, Samantha, anong problema nyo, bakit ang tahimik nyo. Napipi na ba kayo? Sige pag usapan na lang natin ang nangyari kagabi " natatawang sambit ni Nico.

Abot abot ang kaba ko, sana huwag na ikwento ni Nico ang nangyari kagabi, lulubog talaga ako sa kinakaupuan ko pag nagkataon. 

" si Samantha kasi ang nag umpisa eh, nang iinis. Sabihan ko na daw ang driver ko kasi baka mamaya malasing na naman ako at hindi makauwi" Inis na sabi ni Brent.

" Bakit ako, joke lang naman iyon, bakit pikon ka" inirapan ko talaga sya at nakita kong palit palit ang tingin sa amin ni Corinne at Nico. Nakita kong naningkit ang mata ni Brent sa sobrang inis sa akin.

" Hep, hep. Sam and Brent, ano ba yan? Tama na ang bangayan, mag enjoy na lang tayo " awat ni Nico

Hindi ko kasi maintindihan ano ang big deal sa sinabi ko, gusto ko lang naman mawala ang awkward na nararamdaman ko kaya ko nasabi iyon. Malay ko ba na mapipikon sya. Tumahimik na lang ako at nanood ng TV, si Nico, Brent at Corinne na lang ang nag usap. Nag concentrate na lang ako sa Movie, naiinis na rin ako, nakikita ko na tumitingin sya sa akin pero hindi sya pinapansin. Minsan nagtama ang mata namin, inirapan ko talaga sya at napailing na lang sya.

Kinalabit ako ni Corinne at tinuro sa akin si Brent, inaabot pala nya sa akin ang shot glass, ayoko sana kunin pero siniko ako ni Corinne kaya napilitan ako kunin. Nakangiti na si Brent, wala na sigurong topak. Off na ni Corinne ang TV at naupo na lang kami sa sahig, si Brent ang nagtatagay at napapansin ko na panay ang abot nya sa akin ng shot glass. Nakailang shot na ako at aaminin ko nahihilo na talaga ako. 

Itong si Corinne sa dami ng nainom, umandar na naman ang pagiging bida bida. Tinawag ba naman si Brent at tinanong kung naalala pa nya ang ginawa kagabi. 

" Oo na, nalasing na ako at wasted ako. Hindi ko na alam na hinatid nyo ako sa bahay, okay na ba iyon? " natawa na lang si Brent. 

" Brent, hindi naman iyon ang sinasabi ko eh. Iba pa, yung ginawa mo kay Samantha"

Tumayo ako at nilapitan ko si Corinne, agad ko tinakpan ang bibig nya. Pilit na umiiwas si Corinne at tawa ng tawa.

"ayaw marinig ni Samantha hahaha. Ano Brent, hindi mo naaalala? " pangungulit ni Corinne.

" ano ba ginawa ko bukod sa wasted ako" nakatingin sa akin si Brent

" Wala naman ako maalala, ewan ko ba dito kay Corinne" sinamaan ko ng tingin si Corinne

Hindi pa rin nagpapigil si Corinne at natatawa na lang si Nico na halatang ayaw makialam pero ayaw din pigilan ang kaibigan ko.

" Lasing ka kasi kagabi at feeling mo Girlfriend mo itong kaibigan ko, may pahalik halik ka pang nalalaman dyan? Wait, baka naman naglilihim na itong kaibigan ko, yung kanina LQ ba iyon" 

Hiyang hiya ako at hindi ako makatingin kay Brent, napaisip si Brent siguro nire recall nya ang nangyari kagabi. Hindi na lang ako kumibo at tinitigan ko talaga si Corinne na parang nagpapahiwatig ng Tumigil ka na at sasabunutan kita look. 

Sabi ni Brent, naalala daw nya yun pero feeling ko sinabi lang nya iyon para hindi ako mapahiya. Lasing na lasing kaya sya paano nya maaalala iyon. 

Tinamaan na talaga ako sa taong ito, sobrang kilig ang nararamdaman ko everytime na nahuhuli ko syang nakatingin sa akin. Sinasaway ko ang sarili ko kasi baka assuming lang ako, wala pa naman sinasabi si Brent na gusto nya ako baka ma hopia lang ako.

Paubos na ang pangalawang bote ng alak, nag abot na naman si Corinne sa akin ng isa pang shot, tumanggi na ako dahil hindi ko na talaga kaya, any moment babagsak na ako. Umupo na ako sa sofa, naparami na ang inom ko. Sumandal ako at pumikit, naramdaman ko na tumabi sa akin si Brent. Kinakausap nya ako pero hindi ko na maintindihan, narinig kong nagkakasayahan pa sila, hindi ko na maintindihan ang pinag uusapan nila at tuluyan na akong nakatulog. 

Pag gising ko sobrang sakit ng ulo ko, parang binibiyak. Tatayo na sana ako ng maramdaman kong may nakayakap sa akin. Ramdam ko ang init ng hininga nya sa leeg ko, pilit kong inaalis ang pagkakayakap pero lalo nyang hinihigpitan. 

Ah grabe, kumikirot talaga ang ulo ko. Ngayon ko lang naranasan itong hang over. Wala na ako sa wisyo kaya hindi ko namalayan na magkatabi pala kami natulog ni Brent.

Tinapik ko ang kamay ni Brent para magising na sya at makatayo na ako.

"Brent, wake up. It's late na. Hey Brent "

" hmm, inaantok pa ako, mamaya na tayo bumangon, tulog pa rin naman sina Nico"

What's happening to me, nahihiya akong alisin ang kamay ni Brent,aminin ko man or hindi, gusto ko ang yakap nya, parang secure na secure ang feeling ko. Brent hug me tight and I don't have a choice naman kaya umidlip ulit ako. 

Around 2pm na kami nagising, sa labas na lang kami nag lunch and hinatid na ako ni Brent sa house. Hindi ko na sya na invite sa bahay, wala kasi ang parents ko, nagsimba sila. Pagkaalis ng kotse nya saka na ako pumasok. I'm confused, kung ano ba talaga ang status namin ni Brent, wala naman kasi sya sinasabi at ayoko rin naman mag assume. Inaamin ko naman na nagustuhan ko mga pagkayap at paghalik nya sa akin, I'm starting to like him though may takot akong nararamdaman, pero bahala na. 

Buong linggo ako busy, business meetings, bookings kabi kabila. Buong linggo din walang paramdam si Brent, hindi sya nangungulit baka busy din sa business nya.  Gabi na ako nakauwi ngayon dahil tinapos namin ni Siony ang mga pending bookings namin. Gising pa si Nanay at Tatay, usually ganitong oras tulog na sila.  Pinaghain muna ako ni Nanay, pagkatapos kong kumain, sabi ni Nanay gusto daw nila ako makausap. I'm nervous kasi sa itsura ng parents ko parang may pangit na nangyari or baka may problem.

"Samantha, napag usapan namin ni Tatay mo na umuwi na ng Cagayan De Oro, sayang naman ang lupain natin doon, hindi naasikaso. Pumayag na rin ang kapatid mo na doon na mag aral. Sasama ka ba? "

"Nay, okay na po ang business natin dito. Bakit kailangan pa natin umuwi doon. Pwede naman natin iyon ibenta then magsimula tayo dito. " naiiyak na sabi ko.

Okay na lahat eh, established na ang business ko bakit ngayon pa naisipan nina Nanay na umuwi ng probinsya. Hindi ko naman kaya mapalayo sa kanila. Paano naman ang business ko? Naiyak na talaga ako ng tuluyan, hindi ko alam ang gagawin ko.

" Anak, kahit kami na lang muna ang umuwi sa probinsya, naiintindihan ka namin ni Tatay mo. Maganda na ang business mo dito, sayang naman kung bibitawan mo. Pwede mo naman kami dalawin doon kapag may free time ka" paliwanag ni nanay.

Napayakap na lang ako kay Nanay, hindi pa ako makapag decide. Ayoko malayo sa pamilya ko  at ayoko naman i give up ang business ko, ang laki na ng hirap ko dito.  Ano ba ang gagawin ko.

Hindi ako halos nakatulog, pinag iisipan kong mabuti ang mga bagay bagay. May sapat na naman ako ipon kasya na para makapag simula ulit kami sa Cagayan de Oro, sa kabilang banda, sayang din kasi nandito na ako, established na ang business ko. Madami na akong kliyente na mahirap bitawan. Tama rin si Nanay pwede ko naman sila  dalawin anytime. 

Next week pa naman ang plano nina Nanay, may one week pa ako para mag isip. Pinagpe pray ko na tama ang maging decision ko. 














It Must Have Been Love - ( on going -  updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon