Chapter 33

2 0 0
                                    


Abala na kami para sa birthday party ni Tita Melinda, sa isang hotel ito gagawin.  Nag check in na rin kami sa hotel para hindi na hassle sa pag biyahe.  Apat na room ang kinuha namin, magkasama na lang kami ni Paulo sa kwarto, okay lang naman sa akin, matagal din kami nagsama sa isang bahay. Hindi pala makakauwi ng Pilipinas ang girlfriend ni Paulo, hindi talaga ito pinayagan ng opisina nya mag file ng vacation leave. Hindi ko pa na meet ang girlfriend nya, sabi ni Tita Melinda mabait naman daw ito. Ako ang nag asikaso ng isusuot ni Paulo and Aaron, invited din si Corinne and Nico, sabi ni Paulo nagpabigay ng invitation ang Mommy nya sa mga Magsaysay pero hindi sila sure kung aattend. 

Nag request ako kay Corinne na dito na sya magbihis para may kasabay ako magpaayos, pumayag naman sya. Simpleng Gown lang ang pinili namin ni Corinne, simple yet sexy and elegant ang peg namin. 

Eksaktong 8pm na nag start ang Party, madami ng bisita ng dumating kami ni Paulo, akay akay ni Paulo si Aaron, terno sila ng damit ang cute cute ng anak ko. Kumpleto ang mga kapatid ni Paulo, lahat sila mababait, tanggap nila ang anak ko. Alam din nila na wala kami relasyon ni Paulo at iba ang Daddy ni Aaron. Nakakataba ng puso grabe. Ang ganda ganda ni Tita Melinda, napaka elegante ang suot nya na gown, wala sa itsura na 60 years old na sya. Nakangiti agad si Tita Melinda ng makita nya kami, tumakbo naman agad si Aaron sa kanya para humalik. Nahihiya ako lumapit kasi for sure magiging usap usapan kami ni Paulo, pakilala kasi ng parents nya kay Aaron is apo nila. 

Nag start na ang program, nagbigay ng opening remarks ang Daddy ni Paulo and ang mga kapatid nya. Sinama pa ni Paulo si Aaron sa stage. Magkatabi kami ni Corinne at Nico, iisang table lang kami. Nakakatuwa si Aaron kasi nagbigay din sya ng message kay Mamita nya, napaka smart ng anak ko manang mana sa akin.

" Hi, I'm Aaron. I want to greet my Mamita a Happy Happy Birthday. Thank you for taking care of me and my Mommy. Thank you for loving me as well. I'm happy kasi ikaw ang Mamita ko, I love you soooo much" after ng i greet si Mamita nya, nilapitan nya ito at niyakap, grabe naluha talaga ako. Sobrang bait talaga ng Family ni Paulo sa aming mag ina.

Napatingin ako sa kabilang table at nakita kong titig na titig si Brent kay Aaron, I saw the sadness in his eyes. Kasama ni Brent ang Parents nya at syempre si Celine. Sobrang proud naman si Paulo kay Aaron, makikita mo ang pagmamahal nya sa anak ko. Sayang lang kasi hindi talaga natuturuan ang puso, happy na rin ako for Paulo kasi may girlfriend na sya. 

Nakita kong titig na titig din si Mrs Magsaysay kay Aaron, hindi naman talaga mapapagkaila ang pagiging magkamukha ni Aaron at Brent. Lumapit sa akin si Paulo kasama si Aaron at hindi humihiwalay ng tingin sa amin si Mrs Magsaysay, nagtama ang paningin namin at ako ang umiwas.  Nilapitan ni Paulo si Brent at ang parents nito, nag shake hands sila,  nag kumustahan. Nilapitan ni Paulo si Aaron na katabi ko ngayon.

" Aaron, say hi to your Tito Brent" nagkatinginan kami ni Corinne, sumunod naman si Aaron, lumapit sya kay Brent at hug nya ito. Nakita kong nakatingin lang si Mrs Magsaysay sa anak ko. Kinabahan ako kasi baka lapitan ni Aaron ang parents ni Brent at baka i reject nila ang anak ko.

" Bakit mo pinalapit ang anak ko kay Brent" sita ko kay Paulo

" nag request si Brent eh, pinagbigyan ko na" paliwanag ni Paulo

Kinandong ni Brent si Aaron at nakipag high five naman si Aaron sa Daddy ni Brent. Happy naman si Aaron habang nakikipag usap kay Brent. Hug ulit ni Aaron si Brent bago ito lumapit kay Paulo, bumulong si Aaron kay Paulo, nagpapasama pala ito sa CR.

Abalang abala si Paulo sa pag entertain ng mga bisita, kasama pa si Aaron, halos karamihan ng bisita ay cute na cute kay Aaron, ma PR itong anak ko, mana sa tatay nya. Picture taking na,  Family Picture, nagulat ako ng lapitan ako ni Paulo, ayoko sana sumama sa family picture nya, nakita kong nakatingin si Tita Melinda sa akin, gusto nya kasi na sumama ako sa Family Picture, nahihiya man ako, wala na ako nagawa, sumama na ako kay Paulo.  Napadako ang tingin ko sa table nina Brent, nakita kong madilim ang mukha nya na halatang galit. Ignore ko na lang sya, ayoko masira ang gabi ko.

Nagpunta ako sa CR para mag freshen up, ang daming tao ang tagal bago ako makarating sa rest room. Nagulat na lang ako ng biglang may humila sa akin at dinala ako sa may gilid ng rest room. 

" Brent, ano ba! " angil ko 

" kasama ka pa talaga sa Family Picture ah, ang kapal ng Paulo na yan na isama kayo ng anak ko sa family Picture nila. Feeling nya happy family kayo"

" Shut up okay, ang bait pa nga ni Paulo sa iyo kasi pinalapit sa iyo si Aaron kahit ayoko "

" wala syang karapatan ipagdamot sa akin ang anak ko, mas may karapatan ako kaysa sa kanya" nakipaglaban sya ng titigan sa akin at ako ang hindi nakatiis, nagbaba ako ng tingin. 

" whatever " iyan na lang ang nasabi ko kasi hindi ko matagalan ang mga titig nya

" I will visit my son tomorrow, I will call you kapag on the way na ako"

Kokontra pa sana ako pero tumalikod na si Brent at iniwan ako, siraulo talaga ang lalaking yan, feelingero, bwisit.





It Must Have Been Love - ( on going -  updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon