Lumapit sa amin si Brent at hinalikan nya ako sa cheek, wait lang... sa cheek nya ako hinalikan. Bakit??
" Samantha, how are you? You are so beautiful" titig na titig sa akin si Brent. Hindi ako kumibo kaya kinalabit ako ni Corinne at sinenyasan ako na kausapin ko.
" Okay lang ako, ikaw kumusta? Bagay sa iyo ang suit mo, ang gwapo mo lalo"
Kumakain na kami, sa akin tumabi si Brent habang nagkukwentuhan sila ni Nico. To be honest, nawalan na ako ng gana kay Brent, hindi ko pa rin malimutan ang pagsisinungaling nya sa akin. Hindi pa kami natatapos kumain ng may palapit na babae kay Brent, sobrang ganda nito, mahaba ang buhok na parang manika. Magmumukha akong maid kapag nadikit ako sa babaeng ito. Maganda din naman ako pero iba ang ganda nya.
" Brent, Mom and Dad are here already" sabay hawak sa braso ni Brent. Napababa na lang ako ng tingin, ang sakit hindi ko kayang tumingin. Nakikiramdam lang si Corinne at si Nico, pareho silang walang kibo.
Napa second look si Celine kay Nico, nakilala nya siguro.
" Nico, is that you? Wow, long time no see. How are you?"
" Celine, oks lang ako. By the way, this is my girlfriend Corinne and her friend Samantha" napatingin sa akin Celine, hindi ko alam kung nabanggit na ba ako sa kanya ni Mrs Magsaysay,ngumiti sya sa amin ni Corinne. Tinitingnan ko si Brent, hindi sya makatingin sa akin.
" Nice to meet you girls, hiramin ko lang si Brent ha, nandito na kasi parents ko, excuse us" tiningnan ako ni Brent, nakipagtitigan lang ako sa kanya. Ayokong umiyak pero maiiyak na talaga ako.
Naramdaman ni Corinne and Nico ang tension. Niyaya ako ni Corinne sa rest room. Tumulo na talaga ang luha ko, niyakap na lang ako ni Corinne.
" After ng speech ng birthday celebrant, uuwi na tayo. Kaunting tiis na lang" napatango na lang ako. Nag retouched kami ni Corinne kaya natagalan kami sa rest room. Pagbalik namin mag start na ang program. Wala ako sa sarili, nagulat na lang ako ng may tumapik sa balikat ko, napatingin ako si Paulo pala, naramdaman ko na may kakampi ako sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ko at pinisil. Pinaupo sya ni Corinne sa tabi ko, nakita ko na matalim ang titig ni Brent sa amin ni Paulo, parang anytime sasabog na sya.
Ang galing di ba, nagseselos na naman sya eh sya nga itong hindi nagsabi ng totoo sa akin. Tapos ng magsalita si Mrs Magsaysay at pinaakyat ang family member sa stage. Nakita ko na pinaakyat ni Mrs Magsaysay si Celine sa stage para sa pag toast ng wine. Napa buntong hininga na lang ako, nakaka iyak naman. Naramdaman ko ang pagpisil ni Paulo sa kamay ko. Pinisil ko rin ang kamay nya, parang doon ako humuhugot ng lakas. Hindi na rin pinakawalan ni Celine si Brent, palagi itong nakadikit at nakahawak sa braso. Nakalapit lang sa akin si Brent ng tawaging ng parents ni Celine si Celine.
Ang sama ng tingin sa akin ni Brent at talagang inaaway nya ako sa harap ni Nico.
" ano yung nakita ko? nawala lang ako sa tabi mo, sinamantala na ni Paulo at may pahawak hawak pa kayo ng kamay ah. Fuck di ba!"
Nag inhale exhale na lang ako, ayoko sya patulan kasi kaunting kaunti na lang sasabog na ako. Hindi ako sumasagot sa kanya na lalo nya kinainis.
" Huwag mo ako umpisahan Brent, marami kang dapat ipaliwanag sa akin, hindi lang ako kumikibo pero huwag mo ako pilitin, please huwag ngayon at huwag dito" nagulat si Brent sa tono ng pananalita ko, first time ko kasi magsalita ng ganito sa kanya. Ako palagi ang nagpapakumbaba sa kanya kahit kasalanan nya at dahil sa pesteng pagseselos nya.
" Samantha, what's wrong? may nagawa ba akong mali? " pilit na lumalapit sa akin si Brent pero pinigilan sya ni Nico.
" Pare, bukas na kayo mag usap ni Samantha, pareho mainit ang ulo nyo saka palapit na si Celine dito."
" Samantha, let's talk later. Ako na maghahatid pag uwi sa iyo. Hintayin nyo na lang ako please."
" masakit na ang ulo ko, uuwi na kami"
" Brent, tinatawag ka ni Mommy mo, halika na" yaya ni Celine
Pauwi na kami, hindi na ako nakapag paalam kay Paulo, hindi ko na rin kasi sya nakita. Wala kami kibuang tatlo sa sasakyan, pumikit na lang ako. Hindi ako makapaniwala na nangyayari lahat ito sa akin. Ang saya namin dati, tapos ngayon ganito na. Kailangan ko na kausapin si Brent, hindi pwedeng ganito. Tatanggapin ko naman kung may relasyon sila ni Celine, masakit pero makakayanan ko. Ang sakit lang kasi naglihim sya sa akin, halata naman kanina na tama ang mommy nya, inlove si Celine and Brent sa isa't isa. Hindi nga nya ako malapitan kasi takot sya na makita kami ni Celine or ng mommy nya.
Hindi ako makatulog sa kakaisip. Nag ring ang cphone ko, si Brent, hindi ko sinasagot. Ayoko muna sya kausapin, panay din ang text ko. Off ko na lang ang cphone ko. Akala ko ubos na ang luha ko pero ito pa rin sya panay ang daloy. Kainis naman eh napaka iyakin ko. Ganito pala ang feeling ng broken hearted, nagmahal tapos nasaktan, idagdag pa natin ang niloko at pinaasa.
Ang daming missed call sa akin si Brent, tinadtad din ako ng text, gusto daw nya ako makausap, may problema daw ba kami? Hay naku, hindi ba nya alam na sya ang problema ko at ang pangloloko nya.
Maaga ako umalis ng bahay pero hindi ako pumasok sa office. Nag check in lang ako sa hotel, ayoko makita or makausap si Brent, hindi pa ako ready. Mauuwi lang sa away ang lahat, ang duwag ko, takot pa rin ako na awayin nya ako. Ang hirap pala kapag sa kanya umiikot ang mundo mo. Si Corinne lang ang nakakaalam kung nasaan ako, tiwala naman ako sa kanya na hindi nya sasabihin kay Nico at lalong lalo na kay Brent.
Wala pa rin tigil sa pag ring ang phone ko, nag email na lang ako kay Siony ng mga dapat tapusin. After ko mag email, off ko na ang cphone ko. Hindi din ako makontak ni Corinne kaya nag decide sya na puntahan ako sa hotel.
" Sam, grabe si Brent, ayaw ako tantanan. Pinipilit ako na sabihin sa kanya kung nasaan ka, don't worry wala syang napiga sa akin. " naglalasing daw si Brent at nagwawala, gusto daw talaga ako makausap.
" Hayaan mo lang sya, kausapin ko sya kapag ready na ako"
" sabi ko kay Nico, kina ate ako matutulog para hindi makahalata. Mukhang wala pang tulog si Brent, haggard ang itsura eh"
" Corinne, mahal ko si Brent, baka kapag kinausap ko sya, hindi ako makapagsalita at baka wala agad ang galit ko. Marupok ako pagdating kay Brent. Kakausapin ko naman sya pero baka sa ibang araw na. Sa ngayon hindi ko pa sya kaya harapin"
BINABASA MO ANG
It Must Have Been Love - ( on going - updated)
RomanceLaki sa hirap si Samantha Panganiban, lahat gagawin nya makatulong lang sa pamilya nya. Lahat ng klase ng trabaho ay pinasok nya masuportahan lang ang kanyang pag aaral. Nakatapos sya sa kolehiyo at ginamit ang perang naipon nya para maitayo ang mal...