Chapter 22

3 0 0
                                    


Naghahanap na ako ng isa pang makakasama ni Siony sa office, napag usapan na kasi namin ni Brent, na hindi na ako papasok ng office pero magiging hands on pa rin ako sa business ko. Kapag may malalaking client, ako pa rin ang umaattend ng meeting.  Work from home na lang ako. Hindi ko rin lubos na maisip bakit ako pumayag sa ganitong set up. Mahal ko sya, that's why pero wala naman kasiguraduhan. Hanggang nandyan si Celine at hindi ako tanggap ng parents nya, nandito pa rin ang fear na nararamdaman ko. 

Naging busy si Brent sa office dahil may malaking client sya. Gabi na sya nakakauwi palagi. Napapansin ko na tahimik sya these past few days, kinausap ko sya and he informed me na sa magwo work na rin sa office nya si Celine. Kasosyo nila sa negosyo ang family ni Celine and she decided na mag hiatus muna sa modeling career nya. Binigyan nya ako ng assurance na work lang talaga, huwag daw ako magselos kasi ako ang mahal nya. 

Hindi pa rin ako mapanatag kasi alam ko nandun si Celine, what if magkabalikan sila, what if marealize nila na mahal pa nila ang isat isa. Grabe kinakain ako ng insecurities ko. 

" Brent, alam ba ng parents mo na nagsasama na tayo?"

" Hindi pa, alam nila sa condo ako umuuwi"

" ah okay, may plano ka bang sabihin sa kanila?"

" Ikaw, may plano ka bang sabihin sa parents mo na may boyfriend ka na?" nagulat ako sa tanong nya. Bakit binabalik nya sa akin ang tanong ko

" Plano ko naman sabihin pero hindi pa sa ngayon, hindi ko pa alam ano magiging reaction ng parents ko kapag nalaman nila"

" Same here, hindi ko rin alam ano magiging reaction nila kapag nalaman nila na nagsasama na tayo" 

Nasaktan ako sa sinagot ni Brent, kung alam lang nya ang insecurities na nararamdaman ko especially kay Celine. 

" may problema ba tayo Brent? kung ayaw mo na sa akin, madali naman ako kausap, hindi iyong ganito, maayos kitang tinanong pero binabalik mo sa akin"

" pareho lang kasi tayo na hindi masabi sa parents natin, iyon naman talaga ang totoo di ba"

Hindi ko na lang pinatulan ang tantrums nya kasi alam ko mag aaway lang kami. As much as possible hindi ko ako sumasabay kapag mainit ang ulo nya. Napaka unfair naman, ako na lang ba ang palaging iintindi sa kanya.

Humiga kami sa kama, tumalikod ako sa kanya,nakikiramdam ako kung natulog na ba sya. Sobrang hurt ako, akala ko okay na pero hindi pa rin pala. Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin.

" I'm sorry baby, pagod lang ako. Stress din ako sa work. Sorry sa mga nasabi ko"

" okay lang, naiintindihan naman kita. Mahal kita Brent, sasabihin ko naman kay Nanay ang tungkol sa akin, humahanap lang ako ng tyempo"

" wala naman problema sa akin iyon, ang importante magkasama tayo. About sa parents ko, matatanggap din nila ang relasyon natin. "

" paano si Celine? Alam ba nya?"

" Alam nya, sinabi ko sa kanya para hindi sya umasa at hindi sya ma influence ni Mommy. Sinabi ko rin sa kanya na ikaw na ang mahal ko"

" Thank you. Mahal na mahal din kita Brent"

Nagpahanap si Brent ng malilipatan namin, yung sa amin na talaga para hindi na kami magre rent. Nalungkot si Corinne kasi magkakahiwalay na kami ng bahay. Malapit lang sa office ni Brent ang napili namin. Condo unit pa rin, gusto nya bahay na, sabi ko saka na ang bahay kapag kasal na kami. Dalawa lang naman kami, mas okay na maliit lang.  Alam pa rin ng parents ni Brent na sa Condo unit nya sya nakatira. Kapag naglalambing ang mommy nya, doon sya natutulog. 

Malapit lang ang bahay namin sa office, nagluto ako, gusto ko hatiran ng lunch si Brent. Nasa office lang naman daw sya. Pagkaluto ko ng lunch, pumunta na ako sa office, may mga nakasabay akong employees sa elevator. Hindi naman nila ako kilala kasi first time ko lang pumunta dito sa office.Pumuwesto ako sa bandang likuran ng elevator, may mga grupo ng babae nag nagkwekwentuhan at parang kinikilig. 

" ang hot ni Sir Brent, pumunta sa department namin kanina, halos lahat napatingin at pinipigil ang kilig" natawa na lang ako sa narinig ko, hot naman talaga ang boyfriend ko noh.

" I heard na ex nya si Ms Celine, magkabalikan kaya sila? bagay sila eh"

" Possible yan kasi ang sweet nila eh, iba ang mga tinginan nila" bigla akong na sad doon ah, sweet sila? kailan pa? ang sabi ni Brent, work lang talaga. Nakaramdam ako ng selos ah, I trust Brent and iyon ang importante, may trust kami sa isat isa.

Nang makarating na ako sa 18th Floor, lumapit ako sa secretary ni Brent.

" How may I help you Ma'am"  mabait na bati nito sa akin

" I want to talk to Mr Brent Magsaysay"

" Do you have an appointment?"

" He is expecting me"

" Ah okay, have a seat Ma'am, He still in a meeting with Ms Celine" ngumiti pa ito bago ako hinatid sa sofa.

May meeting lang sila Samantha, chill ka lang, wala ka dapat ipagselos.Paulit ulit na sinasabi ko sa sarili ko.15 minutes na ako naghihintay ng bumukas ang pinto ng office ni Brent, actually past 12:00pm na. Nagbibiruan sila at hindi agad ako napansin ni Brent, si Celine ang unang nakakita sa akin, tumaas lang ang kilay nito. Nagulat si Brent ng makita ako, feeling ko parang natakot sya dahil nakita kong nagbibiruan sila. Nilagpasan lang ako ni Celine, parang napahiya ako sa sarili ko. Hinawakan ni Brent ang kamay ko pag alis ni Celine, pinapasok na nya ako sa office nya.

" Baby, hindi mo sinabi sa akin na pupunta ka"

" Nagluto kasi ako, dinalhan kita ng lunch. Kung tapos ka na mag lunch, okay lang, uwi ko na lang ito."

" Tamang tama, hindi pa ako nagla lunch, kumain ka na ba?" umiling ako 

Tinawagan ni Brent ang secretary nya para magpasok ng plates,spoon and fork. Ako na nag prepare ng lunch namin. 

" Baby, I'm so happy, first time mo ako dinalhan ng lunch dito sa office, magkasabay pa tayong nakapag lunch"

" Nagustuhan mo ba?"

" oo naman, lahat naman ng luto mo at lulutuin mo, lahat iyon masarap." sabay kindat sa akin ni Brent. Kinikilig ako promise, nakakataba ng puso kapag ganito ang sinasabi nya. After namin kumain, niligpit ko muna ang pinagkainan namin,nagpaalam na rin ako, baka may meeting pa sya or appointment.  Ayaw pa ako pauwiin ni Brent, sabi ko sa bahay na lang kami magkita. Pumayag naman sya, uuwi daw sya agad para sa bahay makapag dinner.

More than 6 months na rin pala kami Brent, habang tumatagal lalo ko sya minamahal. Sa kanya na umikot ang buhay ko, halos lahat ng sabihin nya sinusunod ako. Wala naman regrets sa pagpayag ko na magsama na kami. Pinagpe pray ko lang talaga na sana maging okay na lahat. Hindi man ako tanggapin sa ngayon, hopefully matanggap nila ako in the near future.







It Must Have Been Love - ( on going -  updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon