Chapter 32

2 0 0
                                    


Sinamahan ako ni Corinne na bumili ng damit para sa birthday ni Tita Melinda, simpleng black gown ang nabili ko na super fit sa katawan, tube ito na slit. Gustong gusto ko ang fit sa akin ng dress, kita ang kaputian ko, medyo daring pero elegant naman syang tingnan. Ang tagal na namin naglilibot sa mall ni Corinne, ang dami kong pinagpilian sa wakas after 3 hours nakapili din. Ang sakit na ng paa ko, naikwento ko na rin lahat kay Corinne, bad trip sya kay Brent. Hindi pa rin pala kasal si Brent, ang sabi ni Corinne ang pagkakaalam nya engage ulit ang dalawa pero hindi nya alam bakit hindi pa matuloy tuloy ang kasal.

Ang sabi ko nga sana makasal na sila at magkaroon na sila ng sariling pamilya para hindi na maghabol si Brent sa anak ko.  Si Tita Melinda ulit ang nag alaga kay Aaron, tinawagan ko na sya para pick up ko si Aaron, sinamahan pa rin ako ni Corinne sa bahay ni Tita Melinda. 

Masaya si Aaron kapag nasa parents sya ni Paulo, natutuwa naman ako kasi mahal na mahal nila ang anak ko, tinuturing talaga nila na parang apo nila. 

Nakabalik na kami sa hotel, hindi pa rin maubos ubos ang kwento ni Aaron. Excited na rin sya makita ulit ang Daddy Paulo nya, sa condo kasi ito umuuwi.  Hindi pa rin kami ulit nagkakausap ni Paulo, masyado itong busy.  Nagluluto ako ng dinner namin, si Corinne ang nag aalaga kay Aaron ng biglang may mag door bell, si Corinne ang nagbukas ng pinto at karga karga pa nito si Aaron. 

" Samantha, may bisita ka, papasukin ko ba"

" bisita, wala naman akong ineexpect na bisita" nakita kong nakatayo sa may pintuan si Brent.

" Tita Corinne, mommy knows him.  He know Daddy Paulo too" sabi ni Aaron

" hello young man, how are you today?"

" I'm good po. Galing po ako sa bahay ni Mamita. Wala po si Daddy Paulo dito, nandoon sya sa house nya"

" anong kailangan mo? Next time tumawag ka kung pupunta ka, hindi iyong pupunta ka na lang kung kailan mo gusto" pagsusungit ko. Pinapasok ko sya at umupo sya sa tabi ni Corinne, pareho silang tahimik at nagpapakiramdaman lang.

" Corinne, okay lang ba pakainin mo muna si Aaron, nakaluto na ako. Marunong sya kumain mag isa, bantayan mo lang."

" okay, ako na bahala kay Aaron"

" anong kailangan mo? next time magpasabi ka naman na pupunta ka. "

"  hihiramin ko si Aaron bukas. Susunduin ko sya sa umaga then ihahatid ko before mag dinner" kaswal na sa sabi ni Brent

" hihiramin!!! ano palagay mo sa anak ko laruan na pwedeng hiramin kung kailan mo gusto"

" yes, you heard it right. Hihiramin ko sya, si Mrs Concepcion nga nahihiram sya anytime"

" of course, pwede sya hiramin ni Tita Melinda anytime, may karapatan sya dahil lola sya ni Aaron"

" May I remind you, they are not related. Kung karapatan lang din ang pag uusapan, di ba mas may karapatan ako"

" Hindi pa namin napapag uusapan ni Paulo, sabi ko naman sa iyo i update kita once nakapag usap na kami"

" That's bullshit Samantha, ako ang Daddy ni Aaron bakit kailangan pa ng approval ni Paulo?" galit na sabi ni Brent

" bakit ba ngayon interesado ka sa anak ko, dati naman ayaw mo di ba!"

" paulit ulit na lang ang usapan natin Samantha, bukas ng umaga susunduin ko si Aaron, gusto ko sya makasama, don't worry ibabalik ko sya sa iyo pero once na magmatigas ka, sa korte na lang tayo magkikita"

" ang kapal ng mukha mo, sino ka para utusan ako at makialam ka sa decision ko"

" ako lang naman ang tatay ng anak mo, kahit saan tayo makarating, walang karapatan si Paulo sa anak ko. "

Umalis na si Brent pero hindi pa rin maalis ang galit ko, sobrang yabang ng taong iyon. Kung nagpaka lalaki lang sana sya, sana okay ang lahat. Tinawagan ko si Paulo, sinabi ko sa kanya na gusto hiramin ni Brent si Aaron, ayaw nya. Wala daw sya tiwala kay Brent. Inexplain ko sa kanya na ayoko na sana madamay si Aaron, gusto ko na sya pagbigyan, for sure wala na naman itong kasunod dahil aalis na rin kami next week. Pumayag na rin si Paulo kahit labag sa kalooban nya.

Maaga ko binihisan si Aaron, tanong sya ng tanong kung saan kami pupunta, sabi ko sa kanya ipapasyal sya ni Tito Brent nya, baka mamasyal sa mall then uuwi sila before dinner na. Dumating na si Brent para sunduin si Aaron, ayaw sumama ni Aaron mag isa, gusto nya kasama ako. 

" Aaron, ipapasyal ka lang ni tito Brent, di ba favorite mo Jollibee, doon kayo kakain mamaya. Uuwi din naman kayo agad."

" gusto ko po kasama ka, ayoko po sumama mag isa sa kanya. Saka bakit nya ako gusto ipasyal? Ayoko umalis kasi dadalaw si Daddy Paulo ngayon, miss ko na sya eh"

" kung isasama natin si Mommy, payag ka bang mamasyal tayo?" tanong ni Brent kay Aaron.

" sige po pero umuwi po tayo agad kasi baka dumating si Daddy Paulo, tapos wala ako dito"

" Uuwi tayo agad or pwede naman natin tawagan si Paulo, to inform him na wala ka sa bahay, he can visit you tomorrow" okay ba iyon Aaron?"

" Sige po Tito Brent"

Wala na ako nagawa, sumama na ako kay Brent at Aaron. Tahimik lang ako habang papunta kami sa Mall. Gusto daw nya ibili ng damit at laruan si Aaron, pinigilan ko sya kasi baka hindi na kumasya sa baggage namin pauwi ng California. 

" who told you na papayag akong bumalik kayo sa California?" lumakad na silang mag ama papunta sa Toy Kingdom, naiwan naman akong tulala, ito na ang kinakatakot ko, baka kunin ni Brent si Aaron. 

Tuwang tuwa sa mga new toys nya si Aaron, bumili rin kami ng mga damit. Kumain na rin kami sa Jollibee, favorite ni Aaron ang Spaghetti. Ang happy ng pakiramdam ko kasi nakita kong masaya ang anak ko, siguro iyan ang sinasabing lukso ng dugo. Ngayon pa lang sila nagkasama, vibes na agad sila. Kamukha talaga ni Brent si Aaron, hindi maitatanggi na mag ama sila. Past 8pm na kami nakauwi, nakatulog na si Aaron kaya binuhat na ito ni Brent. 

" Thank you Samantha sa pagpayag mo na makasama ko ang anak ko, sobrang saya ko"

"Wala naman ako magagawa ikaw ang ama nya. At least ngayon wala ka na masasabi na pinagdamot ko sya sa iyo. Hopefully, ito na ang una at huli na bonding nyo, uuwi na kami, ayokong maging attached sa iyo si Aaron"

Nagdilim ang mukha ni Brent " I told you, hindi na kayo babalik ni Aaron sa California. I even consulted a lawyer kung paano maire register si Aaron sa pangalan ko. Isa syang Magsaysay at walang karapatan si Paulo na ipagamit ang apelyido nya sa anak ko!! "  Napanganga na lang ako sinabi ni Brent,  all the while pala naniwala sya na Concepcion ang ginagamit ni Aaron.



It Must Have Been Love - ( on going -  updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon