Kinulit talaga ni Brent si Corrine pero ayaw talaga nito ibigay ang cellphone number ni Samantha busy daw masyado si Samantha at baka magalit si Paulo.
"Damn bakit sya magagalit eh hindi naman sila" pagalit na sabi ni Brent kay Corrine.
"Easy lang brod, syempre si Paulo ang nauna at alam ko rin na friends lang sila pero respeto naman di ba" natatawa na sagot ni Corinne.
Hindi talaga tumigil ng kakakulit si Brent kaya walang nagawa si Corrine, binigay din nya ang number ni Samantha.
"Thanks Corrine, you're an Angel talaga"
May kausap na client si Samantha ng mag ring ang cellphone nya. Hindi nya ito pinansin, silent lang nya. Panay ang tawag kaya nag excuse muna sya para sagutin ang tawag. Number lang ito kaya wala sya idea kung sino ang tumatawag.
"Hello" painis na sagot ni Samantha
"Hi, Samantha, Brent here. How are you? "
"I'm fine, bakit napatawag ka?"
"I Just want to know kung okay ka na?"
"Yes, okay na ako. 3 days na nakalipas right? "
"Yeah, yeah. Are you busy tonight? Magdi dinner kami nina brod Nico, yayain sana kita kung free ka tonight?."
"actually, I'm on a meeting right now. I will just call you later pero most probably I'm not free tonight. Ang dami kong ginagawa "
"Hmm, I will take no as an answer. I will call you later kung what time kita sunduin sa house nyo".
Magpo protesta pa sana si Samantha ng biglang nawala sa linya si Brent. Nakaramdam ng inis si Samantha dahil istorbo si Brent at kung makapagsalita parang sigurado sya na papayag ako.
Samantha's POV
Kainis na lalaki yan, akala mo boyfriend ko kung makapagsalita. Kabwisit sya, nasira na tuloy ang araw ko.
Actually wala naman sya gagawin mamayang gabi, tumanggi lang sya dahil hindi nya kayang harapin si Brent, hindi pa rin mawala sa isip nya ang ginawa nyang paghalik sa binata.
Ang flirt ko grabe, I admit nakainom ako pero alam ko at nasa tamang wisyo ako ng halikan ko si Brent, hindi ko alam pero parang may humihila sa akin na tikman ang labi nya. Parang nararamdaman ko pa rin ang mga halik na iyon. Oh my gosh, erase erase bulong ni Samantha sa sarili.
Tinawagan sya ni Brent around 6pm tamang tama nasa bahay na sya.
"Mga past 7pm nandyan na ako, be sure na ready ka na that time" sabi ni Brent
"Pagod na ako, next time na lang"
"Ganun, bubusina ako ng walang tigil hanggang hindi ka lumalabas, wala akong pakialam kung magalit ang kapitbahay nyo"
"Naman Brent hindi ka ba nakakaintindi, pagod na ako. Wala na ako sa mood umalis ng bahay, nasabi ko na rin kay Nico and Corrine na pass muna ako"
"Try me Samantha. I told you na gagawin ko talaga ang sinabi ko kanina. Kung ayaw mong magalit mga kapitbahay nyo, mag ayos ka na "
"For God sake Brent, ikaw ang hindi makaintindi sinabi ko ng" .... Bad trip!! sabi ni Samantha ng malaman nyang wala na sa kabilang line si Brent.
Walang nagawa si Samantha, agad syang naligo at nagbihis, napili nyang isuot ang cocktail dress na color black na above the knee at tinernuhan ng sapatos na may heels. Alam nyang sexy masyado ang damit na ito para sa dinner, nasanay na sya magsuot ng ganito especially kapag may mga business gatherings syang pinupuntahan. Napaisip syang bigla, bakit ba ganito ang napili nyang isuot? Nagpapa sexy ba sya para kay Brent? Napailing na lang sya, wala lang gusto ko lang maganda ako sa paningin ni Brent, bakit ba?
Around 7:30pm dumating si Brent sa bahay ni Samantha, isang busina pa lang nito lumabas na ang dalaga.
Nakita nyang napatulala si Brent ng makita sya at bigla din sumimangot.
Naisipan nyang asarin ang binata."Hindi ka masyadong prepared sa dinner na ito" sabi ni Brent matapos syang tingnan mula ulo hanggang paa.
"Hindi talaga, kasi kapag prepared ako, mas maiksi pa dito ang suot ko" pang iinis ni Samantha
"Sabagay, okay na rin yan maiksi ang suot mo, easy access" sabay kindat ni Brent.
Matagal bago na gets ni Samantha ang ibig sabihin ni Brent.
Pervert ka talaga, easy access your face sabay irap ni Samantha
Tumawa ng malakas si Brent na lalong kinaasar ni Samantha. Nagsuot sya ng ganito para asarin si Brent pero mukhang sya ang nainis.
============
A/NMukhang nagiging okay na si Brent at Samantha, love is in the air na ba?
Please vote and comment po
BINABASA MO ANG
It Must Have Been Love - ( on going - updated)
Roman d'amourLaki sa hirap si Samantha Panganiban, lahat gagawin nya makatulong lang sa pamilya nya. Lahat ng klase ng trabaho ay pinasok nya masuportahan lang ang kanyang pag aaral. Nakatapos sya sa kolehiyo at ginamit ang perang naipon nya para maitayo ang mal...