A/N
Hi. Another chapter po ulit tayo. Hopefully matapos ko ito before mag end ang Quarantine. Please don't forget to vote and comment.
Thank you.
===========================
Past 7:00pm na kami nakauwi kasi nagyaya pa si Jayson na mag dinner, hindi naman ako pwede magyaya agad nakakahiya naman. Hinatid ako ni Jayson sa tapat ng condo, nagyaya pa sila mag Starbucks pero tumanggi na ako dahil kanina pa text ng text si Brent, uusok na ang ilong nito kapag sumama pa ako mag Starbucks. Pagkalapag ko ng gamit ko, tinext ko agad si Brent, galit na galit na sya dahil ang expected nyang dating namin sa Manila is around 6pm.
"Buti naman naalala mo pa ako! " galit na bungad sa akin ni Brent.
" nagyaya pa kasi sila mag dinner, hindi naman ako makatanggi kasi on the way na rin kami sa Manila. Sorry na, huwag ka na magalit " pang aamo ko kay Brent,buntong hininga lang ang narinig ko sa kabilang line. Ramdam ko ang inis nya.
" Okay, next time naman sana mag text ka para alam ko kung nasaan ka na?"
" Pupunta ka pa ba dito sa apartment?"
" hindi na, may pupuntahan pa ako, saka pagod ka na rin" walang kagana ganang sagot ni Brent
" saan ka pupunta? uwi ka ng maaga at saka huwag ka maglasing ha" Okay lang ang sagot nya then off na rin nya agad cphone nya. Nakaramdam ako ng inis, naiinis sya kasi late ako nakauwi and hindi ako naka reply sa text nya then malalaman ko may lakad pala sya ng hindi man lang sabihin sa akin kung saan sya pupunta. One sided di ba, kapag ako kailangan i report ko sa kanya lahat tapos kapag sya, hindi lang ipaalam sa akin kung saan ang lakad nya. Nag text sya ng goodnight, sa inis ko, hindi nga ako nag reply.
Naging busy ako sa office, lunch time na pala na hindi ko namamalayan. Bumili si Siony ng lunch namin at tinawag na lang nya ako ng kakain na. I checked my cphone and got sad because Brent did not text me to inform me his whereabouts. Nagliligpit na ako ng gamit ng mag ring ang cphone ko, excited pa naman ako sagutin akala ko kasi si Brent, na sad ako ng si Paulo pala. On the other side, happy ako kasi ang tagal na namin hindi nakakapag usap ni Paulo, miss ko na rin sya.
" Samantha, are you free tonight? Nandito na ako sa Manila last week pa, I want to invite you for a dinner"
" I will check pa kung wala akong lakad after office hours. Kumusta ka na, na miss na kita" Hindi pa ako maka oo kay Paulo, need ko muna tawagan si Brent kung ano ang plano nya tonight and I want to ask permission kung pwedeng magkita kami ni Paulo tonight.
" Okay naman ako, naging busy lang sa business ko. What time ko malalaman kung free ka tonight para makapagpa reserve ako"
" can you give me a minute, check ko lang. I will call you, okay" I texted Brent pero wala syang reply, naghintay pa ako ng 5 minutes para sa reply nya. After 5 minutes na wala syang reply, I decided to call him, ring lang ng ring ang cphone nya, natapos ang ring pero hindi nya sinagot ang cphone. After 5 minutes I called him again and this time sinagot na nya.
" Brent, okay lang ba kung sumama ako mag dinner kay Paulo tonight? " tahimik lang si Brent at narinig ko ang malalim na buntong hininga nya.
" gusto mo ba ng permission ko or ipinapaalam mo lang sa akin na may lakad ka? Kung nag decide ka na bakit need mo pa ako tawagan." iritable na si Brent
" Kaya nga tinatanong kita,hindi pa ako umoo kay Paulo, naisip ko kasi baka susunduin mo ako or baka mag dinner tayo" paliwanag ko.
" Sumama ka na parang miss na miss mo na ang mangliligaw mo"
" Wait, Brent, ano ba kinakainit ng ulo mo, nagtanong naman ako sa iyo ng maayos, kung ayaw mo, okay lang naman din. Sabihin ko kay Paulo, next time na lang. Huwag mo naman ako sigawan, ang liit na bagay pag aawa...." hindi pa ako tapos magsalita binaba na ni Brent ang phone. Napa inhale exhale na lang ako, ayoko ng ganito, nag uumpisa pa lang ang relasyon namin puro away na. Ayoko magsisi sa decision ko, mahal ko kasi Brent pero huwag naman nya sana sagarin ang pasensya ko.
Nagkita na lang kami ni Paulo sa isang restaurant, ang dami namin napagkwentuhan kung ano na ang mga kaganapan sa buhay namin. Plano ko ng sabihin kay Paulo ang tungkol sa amin ni Brent, ayoko kasi na umasa sya, ayoko din na sa iba pa nya malaman. Humahanap lang ako ng tamang tyempo. Ng wala na kami halos pag usapan, naisip ko na iopen na ang topic. Nagulat sya at tinatanong nya kung kilala ba nya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba na si Brent.
" Paulo, I'm sorry. Alam mo naman na hindi ko kaya suklian ang pagmamahal mo sa akin. From the start, sinabi ko naman iyon sa iyo di ba, sana maintindihan mo ako" nakayuko ako habang sinasabi ito kay Paulo
" Ipokrito ako kapag sinabi ko na hindi ako nasaktan sa sinabi mo. Sabi mo hindi ka pa ready kaya naghintay ako. Don't worry tatanggapin ko iyan ng taos sa aking puso. Tandaan mo kapag sinaktan ka ng lalaking yan, sabihin mo lang sa akin ha. Reresbakan natin yan" hinawakan ni Paulo ang kamay ko at tumitig sa akin mga mata. Tumango na lang ako, masakit din sa akin na saktan ko sya, kung pwede lang talaga turuan ang puso.
" Paulo, thank you so much. Napakabuti mong tao, matatagpuan mo rin ang babaeng karapat dapat sa pagmamahal mo" Tumango na lang si Paulo. Late na ng ihatid ako ni Paulo, nakahinga ako ng maluwag dahil tinanggap naman nya ang pagkabigo. I know na magiging okay lahat at hindi magiging awkward kapag nagkita kami. Sinabi ko na rin na si Brent ang Boyfriend ko, hindi na daw sya nagulat kasi nakita nya ang mga tinginan namin ni Brent noong huli kaming magkakasama sa bar.
Nagising ako sa pag ring ng cphone ko, boses pa lang ni Brent halatang nakainom na ito.
" Kumusta ang dinner date nyo ng magaling na si Paulo? sinulit nyo ba ang oras dahil matagal na kayo hindi nagkikita? "
" Brent, nakainom ka, bukas na lang tayo mag usap"
" ayaw mo na ako kausap kasi nandyan na naman yang manliligaw mo? Ano ba meron dyan sa Paulo na yan at hindi mo mahindian?" pilit ko na lang kinakalma ang sarili ko,iniintindi ko na lang na nakainom sya kaya kung ano ano ang pinagsasabi.
Marami pa syang masasakit na salitang binitawan, wala pala syang tiwala sa akin bakit niligawan nya ako.
" Brent, stop it! huwag mo ako pilitin na pagsisihan ang pagpayag ko sa relasyon na ito. Two weeks pa lang tayo pero away na tayo ng away. Hindi ganitong relasyon ang gusto ko. Kapag ganito pa rin tayo ng ganito, tigilan na natin ang kalokohan na ito"
" Fuck, tigilan ang kalokohan? iiwan mo ako? in your dreams! iiwan mo ako then sasama ka kay Paulo, before mo ako gawin iyon, i make sure ko na babagsak pareho ang business nyo. Don't fucking dare me Samantha!!" singhal ni Brent. Napailing na lang ako, hindi ko pa talaga kilala ang lalaking minamahal ko.
BINABASA MO ANG
It Must Have Been Love - ( on going - updated)
RomanceLaki sa hirap si Samantha Panganiban, lahat gagawin nya makatulong lang sa pamilya nya. Lahat ng klase ng trabaho ay pinasok nya masuportahan lang ang kanyang pag aaral. Nakatapos sya sa kolehiyo at ginamit ang perang naipon nya para maitayo ang mal...