After one week noong nagkausap kami ni Brent, nagulat ako dahil dumalaw si Corinne sa office.
"Wow, napadaan ka? Anong meron? Na miss kita friend"
"I miss you too" sabay yakap sa akin ni Corinne
Nagkumustahan kami ni Corinne nakwento ko sa kanya na okay na ang mga business ko. Growing na at dumadami na ang client ko.
"Girl, are you dating Jayson? "
"Ano?? Saan mo naman nabalitaan yan? "
"Kinuwento ni Brent kagabi, magkakasama kami. Nakita daw nya kayo magkasama"
"Ang chismoso nya grabe" naiinis na sabi ko
"Girl, babaero iyon, please huwag sya. Nandyan naman si Paulo, mabait at kilala mo talaga"
"Hindi kami nagde date ni Jayson okay. Iba lang mag isip yan si Brent, business meeting iyon"
"Ah okay, basta ha iwasan mo si Jayson"
"Yan ba ang reason bakit napadaan ka? " natatawang sabi ko
"Yeah, kasi naman nag alala ako, kilala ko si Jayson at alam ko rin likaw ng bituka nya"
"Thanks sa concern friend. Don't worry hindi iyon date, business meeting lang iyon"
Ang dami namin napag usapan ni Corrine, sobrang busy ko pero naglaan talaga ako ng time para maka bonding sya, na miss ko na rin ang babaeng ito. Dito na rin kami nag lunch kasama si Siony, nagpa order na lang ako. After lunch umalis na rin sya dahil may aasikasuhin pa rin daw sya.
Pagkaalis ni Corrine, naisipan kong tawagan si Brent, magtutuos talaga kami ng lalaking yan.
Ilang ring pa lang, sinagot na agad nya ang tawag ko.
"Hi baby, napatawag ka" nang iinis na sagot ni Brent
"Alam mo kalalaki mong tao, tsismoso ka" pagalit na sabi ko
"Ano iyon" narinig ko ang buntong hininga ni Brent sa kabilang linya
"Huwag ka na mag deny, alam mo kung ano sinasabi ko"
"Hahaha, yung kay Jayson ba? Nakwento ko kay Corrine kasi kaibigan ka nya, concern lang ako" natatawang sabi ni Brent
"Sa buong tropa mo sinabi, hindi mo alam ang story, nag conclude ka agad. Next time shut up okay, mind your own business. May ka date ka pero hindi ko pinagkalat di ba?" Hindi ko na napigilan ang inis ko
"Hey, baby easy. Chill lang, may masama ba na makwento ko na magkasama kayo ni Jayson? Bakit ganyan ang reaction mo? Speaking of date ko, are you jealous? " tumawa pa ng malakas si Brent kaya lalo kumulo ang dugo ko.
"Bakit ako magseselos? Boyfriend ba kita? Feelingero ka din eh noh, hindi kita type, fyi" bigla ko off ang cellphone, napipikon talaga ako sa lalaki na yan.
After 5 minutes nag ring ang cellphone ko ng makita ko sino tumatawag, hindi ko na lang pinapansin pero hindi ito tumitigil kaka ring kaya sinagot ko na rin.
"Bakit? " pagalit na sagot ko
"Intense naman nun, lalo tuloy ako naaattract sa iyo, tapusin ko lang meeting ko then lets talk. One more thing, sisiguraduhin ko na magiging boyfriend mo ako"
Magre react pa sana ako pero nawala na sa kabilang line si Brent. Lakas ng trip ng lalaking yan, ayoko sa lahat yung tsismoso na nakikialam pero wala naman alam.
Naging busy na kami ni Siony, natapos ko na ang ibang bookings namin kaya ang online shop naman ang inasikaso. Madami na rin kami order at plano kong ako na mismo ang mamili sa Bangkok,sa supplier lang kasi ako kumukuha ngayon. Malakas na ang agency ko pero ayoko bitawan ang online shop ko kasi malaki ang tulong nito sa akin nung time na nag uumpisa pa lang ako.
Eksaktong 6:00pm kami umuwi ni Siony, nakasakay sya agad at ako naman hindi pa rin maka book ng Uber or Grab. Tumatawag na naman si Brent, ang kulit talaga ng lalaking ito.
"Bakit na naman? " walang ganong sagot ko
"Nasaan ka? Sunduin kita"
"Nasa office pa pero pauwi na ako. Pagod na ako, saka wala ako time makipagkita kahit kanino".
"Sunduin kita then dinner lang tayo then hatid na kita pauwi" pangungulit ni Brent
"Ayoko nga, ang kulit mo din eh noh"
" I insist period" biglang naputol na ang usapan nila
Kailan ba ako titigilan ng lalaking ito, masyado akong busy at wala ako time makipaglokohan sa kanya.
A/N
Pasensya na po naging busy lang ako sa new work ko kaya natagalan ang update.
Please don't forget to like and comment.
BINABASA MO ANG
It Must Have Been Love - ( on going - updated)
RomanceLaki sa hirap si Samantha Panganiban, lahat gagawin nya makatulong lang sa pamilya nya. Lahat ng klase ng trabaho ay pinasok nya masuportahan lang ang kanyang pag aaral. Nakatapos sya sa kolehiyo at ginamit ang perang naipon nya para maitayo ang mal...