May out of town business trip si Brent, 3 days daw syang hindi makakauwi. Gusto ko sana magtanong regarding sa details ng trip nya pera nahihiya naman ako. Iniisip ko na lang na may tiwala ako sa kanya, wala ako dapat ipag alala or ipagselos. Alam ko naman na hindi ako lolokohin ni Brent. Unang gabi nya, tumawag sya around 9pm. Sobrang hectic daw ang schedule nya kaya hindi sya nakatawag maghapon. Napagkwentuhan namin ang mga nangyari sa buhay buhay namin maghapon. Na miss ko agad sya, 2 days pa, bago sya umuwi.
Kung ano ano lang ang ginawa ko sa bahay para may magawa ako. Nalinis ko na yata ang buong bahay, natapos ko na rin ang task ko sa office. Maaga ako nag dinner, then nag Netflix na ako, hinihintay ko ang tawag ni Brent pero mukhang busy pa sya. Mag 11pm na hindi pa rin sya tumatawag, hindi ko na talaga kaya, sobrang antok na ako. Bukas ko na lang sya tatawagan or hintayin ko na lang sya umuwi. Habang nakahiga ako, kung ano ano ang pumapasok sa isip ko, pakiramdam ko magkasama sila ni Celine sa out of town business trip na ito. Hindi ko maiwasan na hindi magselos pero ano ba naman ang magagawa ko. Nakatulugan ko na ang pag iisip.
Niyaya ako ni Corinne mag mall, samahan ko daw sya bumili ng damit, wala naman ako ginagawa kaya sinamahan ko na sya. Ang tagal nya pumili ng damit, nalibot na yata namin ang buong mall, after 4 hours saka pa lang kami nakakain ng lunch, sobrang gutom na talaga ako.
" ang tagal mong pumili ng damit, kaloka ka" hinihintay na namin ang order namin, feeling ko magpa pass out ako sa gutom
" pasensya na sis, pupunta kami sa bahay nina Nico sa Sunday, syempre kailangan maganda ako, alam mo naman mayaman din family ni Nico, ayokong mapintasan nila ako"
" Na meet mo na ba sila before? "
" yep, twice na. Mabait naman sila, though naiilang pa ako lalo na sa mga kapatid nyang babae. Pinapakisamahan naman nila ako, kinakausap ganern"
" Mabuti ka pa, ako hindi ko alam kung magugustuhan pa rin ba nila ako or hindi na. Kahit na sinasabi ni Brent na okay lang daw kasi sya naman ang pakikisamahan not his family, pero mas okay na okay kaming lahat sa isat isa di ba"
" oo naman, until now ba hindi pa rin alam ng mommy nya na nagsasama na kayo?
" hindi pa rin eh, darating din siguro ang tamang panahon para doon"
" nasaan nga pala si Brent, buti pinayagan ka mamasyal ngayon?
" nasa business trip sya, hindi nya alam na umalis ako. Mamaya ko na lang sya tatawagan pag uwi ko"
Nag change topic na kami ni Corinne, yung masayang topic naman, hindi na puro kapaitan sa buhay. Namasyal ulit kami, tumingin ako ng damit ng pamilya ko na ipapadala ko sa Cagayan de Oro, inabot kami ng gabi. Pagod na ako kaya humiga na ako, nakapag dinner na naman kami ni Corinne.
Wala pa rin tawag or text man lang si Brent, nag aalala na ako, wala ako idea kung nasaan na sya, kung pauwi na ba or sya or what. I decided to call him na, ilang ring bago nya nasagot ang tawag ko.
" Hi Brent, what time ka uuwi? na miss kita " paglalambing ko
" hi baby, na extend ang business trip ko, baka bukas or next day na kami makauwi. Kumusta naman ang maghapon mo"
" okay naman, nag mall kami ni Corinne, kakauwi ko lang about an hour ago"
" that's good at least hindi ka naiinip sa bahay....." naputol ang sinasabi nya kasi may kumakausap sa kanya sa background and rinig na rinig ko na sinabihan syang ready na ang dinner. Dumagundong ang kaba ko, nanlamig ako dahil halatang may kasama sya at sure ako ni Celine iyon. Though alam ko naman na possible na magkasama sila ni Celine pero iba pala kapag narinig mo mismo.
BINABASA MO ANG
It Must Have Been Love - ( on going - updated)
RomanceLaki sa hirap si Samantha Panganiban, lahat gagawin nya makatulong lang sa pamilya nya. Lahat ng klase ng trabaho ay pinasok nya masuportahan lang ang kanyang pag aaral. Nakatapos sya sa kolehiyo at ginamit ang perang naipon nya para maitayo ang mal...