Madaling araw na kami nakarating sa Pilipinas, sinundo kami ni Tita Melinda at Paulo. Tuwang tuwa si Aaron ng makita ang Daddy Paulo nya at ang Mamita nya. Gusto ni Tita Melinda na sa bahay nila kami tumuloy, tumanggi ako dahil naka booked na rin ako ng hotel. Two weeks lang naman kami dito, nakakahiya kung maabala pa namin sila.
Na miss ko si Paulo, alam kong sumama ang loob nya ng lumipat kami ng California, pinag awayan pa namin ito, two months din yata kami nag usap. Malaki ang utang na loob ko sa pamilya nya, nahihiya na ako kaya naghanap ako ng trabaho at sinuwerte naman ako sa California.
Sa isang hotel sa Makati kami tumuloy, hinatid nila kami. Naglalambing si Aaron kay Paulo at Mamita na huwag muna umuwi kaya doon na sila nagpa umaga sa hotel.
11AM na kami nagising, nag aadjust ako sa oras, tagal ko rin nawala sa Pilipinas, sobrang miss ko ang mga pagkain dito. We decided na mag mall at doon na rin kami mag lunch. SM Aura ang napili namin puntahan, kumain muna kami ng lunch saka kami namasyal. Napagod na kakalakad si Aaron kaya kinarga na ito ni Paulo, nahihiya nga ako kasi mabigat na si Aaron. Gusto ni Aaron ng ice cream bumili ako, sinamahan ako ni Tita Melinda habang si Paulo ay karga karga naman si Aaron.
Ang haba ng pinila namin, pinuntahan na namin ni Tita Melinda si Paulo na may kausap, hindi ko maihakbang ang mga paa ko ng makita ko kung sino ang kausap nya. Sa dami dami naman ng tao na makakasalubong sa mall bakit si Brent pa.
Inabot ko ang ice cream kay Aaron, nakita kong titig na titig dito si Brent, ako naman ay hindi makatingin. Alam ko ang tumatakbo sa isip ni Brent, magkahawig sila ni Aaron, ang lakas ng dugo nito dahil nakuha lahat ni Aaron sa kanya. After nyang tingnan si Aaron, sa akin naman sya nakatingin, kunwari hindi ako affected sa mga tingin nya, hinawakan ni Tita Melinda ang kamay ko para palakasin ang loob ko. Si Celine ang kasama ni Brent, si Celine ang kumakausap ngayon kay Paulo, tahimik lang si Brent na halatang nagpipigil ng galit.
" Paulo, ang cute ng baby mo, ilang taon na sya? " si Celine
" Mag 3 years old na sya. "
" ang gwapong bata mana sa Daddy" hindi ko alam kung may idea ba si Celine sa nangyari sa amin ni Brent or napa praning lang ako. Grabe ang tension sa amin.
" Daddy, I know you are tired na, you can put me down, I'm not tired na, I want to walk" si Aaron na pilit nagpapababa kay Paulo.
Pagkababa ni Paulo kay Aaron, lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa kamay, ramdam yata ng anak ko ang kabang nararamdaman ko. Nagyaya na si Tita Melinda, nagpaalam na rin si Paulo kay Brent at Celine. Nakita ko ang pagtiim bagang ni Brent habang nakatingin kay Aaron.
Hindi na kami namasyal, parang sasabog ang dibdib ko sa kaba, pumasok lang kami sa tindahan ng shoes ng maka sigurado kami na wala na sina Brent, pumunta na kami sa parking at umuwi na kami.
Brent's POV
Small world talaga, imagine mo dito pa kami sa SM Aura magkikita ni Samantha, ang laki ng pinagbago ni Samantha, sa pananamit, sa pagkilos. Ang laki na ng anak ko, hindi maipagkakaila ni Samantha na anak ko si Aaron, kamukhang kamukha ko sya. Sumakit ang dibdib ko ng marinig kong tinawag nyang daddy si Paulo, ako ang dapat na tinatawag nyang daddy. Nakakalungkot na hindi ko sya nakita ng ipanganak, sa first birthday nya, sa binyag nya. Gusto ko syang yakapin kanina at sabihin na ako ang daddy nya pero ayoko sya mabigla. Hindi ko pa alam kung ano ang mga sinasabi sa kanya ni Samantha at Paulo. Ang lakas din ng impluwensya ni Paulo dahil naitago nya sa akin ang mag ina ko. Nailabas nya ng Pilipinas na walang makitang record man lang.
Gagawin ko ang lahat makuha ko lang ang anak ko. Sisiguraduhin ko na sa akin sya mapupunta, wala akong pakialam kahit makalaban ko pa si Paulo.
Gusto ni Paulo na sa bahay muna nila kami ni Aaron tumuloy, sigurado daw sya na hindi titigil si Brent.
" Mas safe kayong mag ina sa bahay namin"
" okay lang kami, matagal ko ng pinaghandaan si Brent. Hindi ako natatakot sa kanya, wala na syang karapatan sa anak ko simula ng sinabi nyang hindi sya ready sa responsibilidad. "
" gusto mo ba samahan ko kayo dito"
" Paulo, huwag na, kaya ko ito. Ayokong makaabala sa iyo. I enjoy mo itong bakasyon na ito kasama ng family mo."
" kailan mo balak puntahan ang family mo"
" before tayo bumalik ng America, ang dami ko pang inaasikaso ngayon"
" ikaw ang bahala, basta tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka"
" Thank you Paulo, ang laki ng utang na loob ko sa iyo" tumango lang si Paulo.
Kumakain kami ng breakfast ni Aaron ng may mag door bell, nasa business meeting si Paulo kaya imposibleng si Paulo ito, si Tita Melinda naman ay abala para sa party nya. Sino kaya ang bisita ko. Pagbukas ko ng pinto ang pagmumukha ni Brent ang nakita ko, isasara ko ang pinto pero mabilis nya itong naitulak at napaatras na lang ako.
" nagulat ka ba? sino ineexpect mong darating, si Paulo mo?"
" bakit nandito ka, anong kailangan mo? paano mo nalaman na nandito kami"
" I have sources baby. We need to talk" hinawakan nya ang pisngi ko pero umiwas ako.
" Wala na tayo pag uusapan kaya umalis ka na"
" marami tayo pag uusapan, inilayo mo sa akin ang anak ko"
" Inilayo?? wow, nagpapatawa ka ba? Wala ka ng anak simula noong inayawan mo sya"
" Hindi ko sya inayawan, I admit, hindi pa ako ready that time pero hindi ko sinabing ayoko sa anak ko"
" talaga lang ha, ng sinabi ko sa iyo na buntis ako, sinabi mo hindi ka ready, hindi mo man lang ako kinausap, iniignore mo ako na parang hindi ako nag eexist. Lahat iyon tiniis ko" sigaw ko sa kanya
Nagulat kami pareho ng biglang magsalita si Aaron.
" Mommy, who is he? why are you fighting?"
" We are not fighting baby, go back to our room, susunod si Mommy" hinalikan ko si Aaron
" I remember you, you are Daddy Paulo's friend, right? Daddy Paulo is in his house, he did not live here"
"Yep big boy, I'm Paulo's friend" ninerbiyos ako ng lumapit si Aaron kay Brent, pinigilan ko si Aaron at sinabihan ko ng pumasok sa kwarto, mag uusap lang kami sandali ni Brent. Naningkit ang mata ni Brent ng lantaran kong pigilan si Aaron na lumapit kay Brent.
" pinigilan mo talagang lumapit sa akin ang anak ko" galit na sabi ni Brent
" umalis ka na, wala na tayo pag uusapan pa"
" okay, aalis na ako pero ito tandaan mo, gusto kong makasama ang anak ko at maging parte sya ng buhay ko. Tatlong taon mo syang tinago sa akin, pinagkait mo sya sa akin. Kukunin ko sya at hinding hindi ako papayag na si Paulo ang kilalanin nyang ama. Gagawin ko lahat kahit makarating pa tayo sa korte." may pagbabantang sabi ni Brent.
![](https://img.wattpad.com/cover/130865861-288-k446872.jpg)
BINABASA MO ANG
It Must Have Been Love - ( on going - updated)
RomansaLaki sa hirap si Samantha Panganiban, lahat gagawin nya makatulong lang sa pamilya nya. Lahat ng klase ng trabaho ay pinasok nya masuportahan lang ang kanyang pag aaral. Nakatapos sya sa kolehiyo at ginamit ang perang naipon nya para maitayo ang mal...