Chapter 14

2 0 0
                                    


A/N

Please  vote and comment. 

Hope magustuhan nyo po ang story ko, we are open for suggestions.

======================

Unti unti ng nag eempake sina nanay ng gamit nila. Ang ibang gamit nag decide na lang kami na ibenta dahil hindi na rin naman nila madadala sa probinsya. Hindi muna ako sasama kina nanay sa Cagayan de Oro, napag isip isip ko, sayang ang business na naipundar ko, dalaw dalawin ko na lang sila doon once a month siguro. I give up na rin namin itong bahay, masyado itong malaki para sa akin, mag isa lang naman ako. Naghahanap na ako ng maliit na apartment na malapit sa office. Malaking adjustment ito para sa aming lahat, kailangan namin magtiis para sa ikakabuti ng pamilya namin.

Tumawag noong isang araw si Brent, niyaya nya ako sa birthday party ng isang kaibigan nila. Tumanggi ako dahil marami talaga ako ginagawa at tinutulungan ko pa sina nanay na mag empake. Nangugulit sya kahit anong sabi ko na hindi ako pwede. Nasigawan ko pa nga si Brent dahil sobrang kulit nya. Nakonsensya ako after namin mag usap, hindi na kasi sya kumibo ng mainis ako.

Ang dami kong iniisip,dumadagdag pa sya kaya sa sobrang inis ko, sinigawan ko talaga sya at sinabi ko na hindi sya nakakaintindi, busy nga ako.  After ng incident na yan hindi na sya nagparamdam, sa totoo lang na sad ako. Wala din naman kasiguraduhan kung ano talaga kami. okay na rin ang ganito, walang sakit ng ulo. 

Nagpapatulong ako kay Corinne na humanap ng apartment mas okay kung malapit sa office para hindi hassle pagpasok at pag uwi. Meron pa raw vacant kina Corinne pero namamahalan ako. Nagdadalawang isip ako kung kukunin ko ba or hindi. Bahala na, basta kailangan pag alis nina Nanay sa bahay, makalipat na rin ako agad.

Sunday morning ang flight nina Nanay, hinatid ko sila sa Airport, hindi ko mapigilan na hindi umiyak kasi first time lang namin magkakalayong pamilya. Para din naman sa amin ito kaya nag decide ako na hindi sumama sa kanila. Sunday night naman ako lumipat sa katabing unit ni Corinne, okay naman ang unit na nakuha ko, may isang kwarto at maluwag na sala.  Ang ibang gamit namin dinala ko at ang iba naman binenta ko na.  Kaunti lang ang mga personal kong gamit kaya hindi ako nahirapan maghakot.  Tinulungan din ako ni Corinne,  after kong magligpit umalis din sya dahil may lakad sila ni Nico.

" Thank you Corinne sa pagtulong sa akin sa paglipat. I really appreciate it."

" ano ka ba naman Samantha, okay lang yan. Sino ba naman magdadamayan kung hindi tayong magaganda di ba" 

" Saan ang lakad nyo ni Nico"

" Mag dinner lang kami kasama ng family nya, kinakabahan nga ako, alam mo naman na mga sosyal mga iyon baka ma out of place ang beauty ko"

"Sira ka talaga, hindi ka naman papabayaan ni Nico, syempre always to the rescue ang boyfriend mo"

"By the way, nakauwi na si Paulo, did he contact you already?"

Napailing lang ako kasi hindi pa naman talaga ako kinokontak ni Paulo, napagod na siguro. Na miss ko na rin ang kolokoy na yon, sya ang pinaka matiyaga sa akin, kahit moody ako palagi nya ako pinagpapasensyahan. Hindi ko pa talaga kaya na makipag relasyon sa kanya kahit super bait nya. Wala pa rin sparks sa akin, bakit ganun kay Brent parang okay lang sa akin, hay ewan ko ba sa baliw kong puso. Between Brent and Paulo, mas responsible naman si Paulo at kilala ko talaga, kung pwede lang turuan ang puso, si Paulo ang pipiliin ko.

Hindi ako nakatulog agad kasi namamahay pa ako, maaga ako gumising ang dami kong aasikasuhin sa opisina. May Team Building ang company nina Jayson at kailangan kong ma finalize lahat ngayon need din mag occular para ma check kung kasya ba silang lahat kung ano ang mga amenities. Nag insist si Jayson na sumama ako sa occular, sabi ko si Siony na lang dahil marami akong aasikasuhin pero mapilit sya kaya no choice ako. Sa Wednesday ang alis namin papuntang Tagaytay. 

Tumatawag sa akin si Brent, hindi ko alam kung sasagutin ko, nasungitan ko kasi sya noong huling pag uusap namin. Na miss ko ang pangungulit nya, masyado siguro naging busy kaya hindi na ako naalala.

" Hi Brent, how are you? Napatawag ka?"

" Samantha, mainit pa ba ang ulo mo?" natatawang sabi ni Brent

" Oo mainit pa ang ulo ko, may sasabihin ka ba? Busy ako, pakibilisan lang" pinipigilan kong matawa habang kausap sya. 

" Miss na kasi kita eh, I want to invite you for a dinner on Tuesday night"

" Tuesda? sorry wrong timing, we have an occular inspection in Tagaytay"

" We? sino kasama mo? " na sense ko na parang inis si Brent. Ang sarap sana sa pangdinig kung nagseselos ito, hay, assuming na naman ako. Tama na, Samatha, saway ko sa sarili ko. 

" Jayson and I will go to Tagaytay on Tuesday. We need to check the place for their Team Building"

" Ayos ah, Jayson is a very busy person, I'm wondering bakit sya pa ang kailangan mag occular."

Pinipigilan ko na lang ang sarili ko, ayoko mainis at ayoko rin mag away na naman kami ni Brent. Kaya ako ng may boyfriend eh, ayoko ng maraming hassle. Wait, boyfriend, hindi ko naman sya boyfriend pero kung makaasta sya parang may relasyon kami. 

" Sige na Brent, I'm busy, I need to finish all this bookings and contracts. I'm not available on Tuesday, maybe some other time"

Humirit pa itong si Brent, hindi ko alam kung ano ang pinaglalaban ng lalaking ito. 

" What time kayo makakabalik ng Manila, overnight ba ang occular na yan?" sarkastikong sabi ni Brent na lalong nagpainit ng ulo ko.

" 9AM ang meeting time namin, I don't know what time kami makakarating ng Tagaytay and I don't have an idea din what time kami makakabalik. Okay na ba?" iritableng sagot ko sa kanya. Napabuntung hininga na lang sya at off na nya ang cphone nya. 

Naging palaisipan sa akin bakit ganito maka asta si Brent, ni wala nga kami relasyon. Hindi ko rin nga alam kung gusto ba nya ako, kung nanliligaw ba sya. Sya pa ang may gana magalit huh, trabaho ang aasikasuhin ko sa Tagaytay.




It Must Have Been Love - ( on going -  updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon