A/N
Thank you so much sa mga nagbabasa ng Story ko, sana po magustuhan nyo.
Please vote and comment
Thanks
==========================
Naalimpungatan ako dahil sa sunod sunod na katok sa pintuan. Tiningnan ko ang oras, 11:25PM na, sino ba naman itong OA makakatok, parang wala ng bukas. Hindi ba nya alam na hating gabi na. Pagbukas ko ng pintuan, si Corinne kasama si Nico at Brent, may dala silang alak. Ayoko na sana sila papasukin kasi inaantok na ako saka nakapangtulog na ako, mapilit si Corinne at tinulak na lang ang basta ang pintuan, parang bahay nya eh noh.
" Corinne, inaantok na ako. Hindi na ako makaka join sa inuman session nyo. Some other time na lang please"
" Hindi pwede, nandito na kami eh. Sige kung ayaw mo dito, lipat tayo sa unit ko" pangungulit ni Corinne
" Hindi mo talaga gets ang point ko noh? Inaantok na ako, dis oras na ng gabi saka kayo magyaya ng inuman"
" Basta, hindi pwedeng hindi ka mag join. Welcome party namin sa iyo ito, tatanggi ka pa ba?
Wala na ako magawa nandito na sila eh, kahit naman ipagtabuyan ko sila, hindi naman sila aalis. Nakatatlong shot lang ako, umayaw na ako. Hindi na ako kinulit ni Corinne naintindihan nya na may pasok ako bukas. Hindi pa rin ako nakatulog kasi ang iingay ng tatlong ito. Tamang panood lang ako ng TV. Hindi ko maiwasan na hindi tingnan si Brent at ilang beses ko rin nahuhuli na nakatingin sya sa akin, ako ang unang nagbabawi ng tingin. Minsan pa nagtama ang mga mata namin at kinindatan nya ako, kinilig ako pero hindi ko pinahalata.
Sobrang lasing na si Nico kaya nagtimpla ako ng coffee namin. Nagulat ako ng biglang may yumakap sa likod ko, nasa bewang ko ang mga kamay nya. Hinahalik halikan nya ang buhok ko. Pilitin ko man umiwas lalo nyang hinihigpitan ang yakap nya.
" Brent, stop it, lasing ka na" nakikiliti ako at the same time, kinakabahan dahil sa kakaibang sensasyon na dulot ng yakap at halik nya sa buhok ko.
" pwede ba dito ako matulog ngayon gabi? Hindi ko na yata kayang mag drive" sabay kindat ni Brent.
" hindi ka pa lasing, kaya mo pa mag drive. Alam ko na yang style na yan"
" Si Nico, dyan matutulog sa unit ni Corinne, bakit ako, hindi pwede dito"
" Mag boyfriend sila, kaya okay lang. Kung gusto mo kay Corinne ka na rin makitulog"
" Tayo ba hindi?" hinalikan ni Brent ang balikat ko, oh my gosh, bolta boltahe na kuryente ang naramdaman kong dumaloy sa katawan ko. Hindi ko rin alam bakit hindi ko sya sinasaway sa ginagawa nya. I'm falling for him na yata. Pinaharap nya ako sa kanya at nakita kong titig na titig sya sa lips ko at unti unting bumaba ang lips nya sa lips ko, napapikit na lang ako at ninamnam ang halik nya. Lalo nyang pinalalim ang halik nya, tumugon naman ako at nilagay ko ang kamay ko sa leeg nya. Ang tagal din namin naghalikan, naghiwalay lang ang mga labi ng pareho na kami kapusin ng hangin. Pinagdikit nya ang mga noo namin which is I find very romantic. Ilang minuto kami sa ganun ayos, ako na mismo ang bumitaw.
" Samantha, I like you, hope the feeling is mutual"
Tumango lang ako at bigla nya ako kinabig sa dibdib nya. Nandito pa rin ang takot at pangamba pero bahala na, susugal na lang ako. Gusto ko na si Brent eh, feeling ko naman seryoso sa akin at hindi nya ako sasaktan.
" pwede na ba ako matulog dito?" naglalambing na sabi ni Brent
" hindi pa rin pwede, hindi mo pa rin ba kaya mag drive? "
" hindi na talaga eh, kahit dyan lang ako sa sofa, magbe behave ako. Nakakahiya naman kung kay Corinne ako matutulog, third wheel ako"
Pumayag na rin ako na sa sofa sya matulog. Basta usapan namin maaga sya uuwi kasi may pasok pa kami bukas ng umaga".
Hinatid muna namin si Nico sa unit ni Corinne, bagsak na rin ito eh, daming nainom. Natulog na kami after maihatid si Nico. Behave naman sya magdamag, maaga ako nagising para magluto ng breakfast namin. Pagkakain namin, umuwi na rin si Brent, ako naman nag prepare na pagpasok sa office. Hindi nya ako masusundo dahil may business meeting daw sya, maaga naman ang alis ko bukas para sa occular namin ni Jayson. As usual ayaw nya ako payagan dahil wala daw sya tiwala kay Jayson. I need to explain to him na trabaho ito, hindi nya ako pwede diktahan pagdating sa trabaho ko. Wala naman sya dapat ipagselos lalong hindi ko sya bibigyan ng reason para magselos.
Maaga kami nagmeet ni Jayson papuntang Tagaytay, actually apat kami. Dalawang sasakyan, kay Jayson ako sumabay. before 11AM nasa Tagaytay na kami. Nag decide kami na mag lunch muna before mag occular, after ng occular babalik na kami ng Manila. Mabuti naman at sumunod si Brent sa usapan namin na kapag nasa work ako, i lessen ang pag text or pagtawag unless importante. Behave naman sya maghapon. He is expecting na nasa Manila na kami before 6pm or 7pm. I told him na hindi ako sure basta I will text him once paalis na kami ng Tagaytay.

BINABASA MO ANG
It Must Have Been Love - ( on going - updated)
RomanceLaki sa hirap si Samantha Panganiban, lahat gagawin nya makatulong lang sa pamilya nya. Lahat ng klase ng trabaho ay pinasok nya masuportahan lang ang kanyang pag aaral. Nakatapos sya sa kolehiyo at ginamit ang perang naipon nya para maitayo ang mal...