Chapter 7

3 0 0
                                    

Get together ito ng magbabarkada nina Brent, Nico,  Paulo at iba pa nilang kaibigan. May kaibigan kasi sila na nag balik bayan and they decided na mag dinner. Nauna pa sa kanila sina Corrine and Nico, pagkakita ni Corrine kay Samantha dali dali itong tumayo at sinalubong sya ng yakap.

"Samantha,  I'm so happy nakasama ka at ang gwapo ng ka date mo ha" sabay kindat kay Brent.

"Sapilitan ito bhe, wala na ako magawa ang kulit nitong si Brent" sagot ni Samantha.

Natatawa lang si Brent at pinaupo na si Samantha sa tabi nya.

Kumakain na sila ng dumating si Paulo at nagulat ang lahat dahil may kasama itong babae. Nagulat din si Paulo ng makita si Samantha at parang napahiya ang binata. Napatulala din ito sa nakitang ayos ni Samantha pero bigla itong napailing.

Pinakilala ni Paulo ang kasama nya.

"Guys, si Mildred childhood friend ko" sabi ni Paulo pero kay Samantha nakatingin.

Parang nahihiya naman si Samantha kasi parang may tension dahil alam ng lahat na may something si Paulo kay Samantha, pakiramdam nya tuloy lahat ng mata nakatutok sa kanilang tatlo.

Hindi na makayanan ni Samantha ang tension kaya nagpaalam sya na pupunta sa CR,  agad din tumayo si Paulo para sundan sya pero pinigilan ito ni Brent.

"Brod,  upo ka na at kumain na kayo ni Mildred, alam ko gutom na kayo" sabi ni Brent.

Maya maya nagpaalam naman si Corrine na mag CR, ang intension nya ay puntahan ang kaibigan dahil medyo matagal tagal na ito doon.

Hindi naman mapakali si Brent panay ang linga sa side ng CR. Nainis na sya dahil parang affected si Samantha. May feelings ba ito kay Paulo kaya ganun ang reaction nito, tanong ni Brent sa sarili.

After 10 minutes bumalik na si Samantha at Corrine, titig na titig si Paulo kay Samantha na lalong kinainis ni Brent.

Naging okay naman ang dinner, nagbibiruan na sila at nakikipag biruan na rin si Samantha at mukhang okay na rin si Paulo. Mabait naman si Mildred game din ito makipag biruan, sosyal itong tingnan pero sobrang kalog din.

Samantha's POV

Okay lang naman sa akin na may kasamang babae si Paulo, para lang akong napa paranoid na lahat sila nakatingin sa amin ni Paulo kaya nag CR ako.  To be honest wala lang sa akin kasi friends lang talaga kami ni Paulo.

Nahuhuli kong nakatingin palagi si Brent sa akin at parang galit ito. Bakit naman sya magagalit?  Wala naman ako ginagawang masama. Tinext ako ni Paulo, nakikiusap sya na mag usap kami sa labas,  tumayo na ako at nagpaalam naman si Paulo na mag yosi sa labas.

Nang tumayo na ako hinawakan ako sa braso ni Brent na parang pinipigilan nya ako tumayo, bumulong ako sa kanya na sandali lang ako. Ayaw pa rin nya ako bitawan kaya sinabi ko ulit na sandali lang ako babalik ako agad.

Paglabas namin ni Paulo tumambay lang kami sa labas, hindi naman sya nag smoke, alibi lang nya iyon para makapag usap kami.

"Samantha, about Mildred,  kababata ko lang sya. It did not mean anything" paliwanag ni Paulo

"Paulo, okay lang naman sa akin, nag usap na tayo di ba, hindi pa naman talaga ako ready at friends lang talaga ang ma offer ko sa iyo sa ngayon. Okay lang sa akin na mag girlfriend ka" paliwanag ni Samantha.

Kaya ko naman maghintay Samantha at tanggap ko naman at ginagalang ko ang gusto mo.  Ayoko lang masira ang friendship natin kung ano man ang mayroon tayo. "Basta okay tayo ha " paniniguro ni Paulo

"Oo naman, basta kapag gusto mo na mag girlfriend okay lang sa akin"

Nagulat ako ng bigla ako yakapin ni Paulo at bigla na lang sumulpot si Brent, hinahanap na raw kami. 

Ang sama ng tingin sa akin ni Brent at salubong ang mga kilay nya.

"Mag uusap tayo mamaya at hindi ko mapapalagpas ito" bulong ni Brent.

"Whatever" sagot ko naman kay Brent. Pumasok na ako at alam kong sinundan ako ng masamang tingin ni Brent. 

Matagal tagal pa kami nag stay sa restaurant at panay pa rin ang kwentuhan na parang hindi nagkikita kita araw araw.

Tapos na kami mag dinner at inunahan ako ni Brent pagtayo, napaka ungentleman naman nito bulong ko sa sarili ko.

"Bilisan mo, hintayin na kita sa kotse" pagalit na sabi ni Brent. Napatulala na lang ako sa nakita kong galit sa mata ni Brent. Kung wala ako idea na babaero sya iisipin ko nagseselos sya kay Paulo.

Napailing na lang ako. Baliw lang, anong problema ng lalaking yan, nasabi ko na lang. 

===========

A/N

Selosan na yata ang susunod ah, sino ang team Paulo dito?

Please dont forget to vote and comment.

Open for suggestion.




It Must Have Been Love - ( on going -  updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon