Brent's POV
Sa ilang buwan na pagsasama namin ni Samantha, itong huli na ang pinaka malalang awayan namin. Nabigla lang naman ako kaya ko nasabi iyon, aaminin ko na natakot ako ng nakikipag hiwalay na sya, kaya daw nya ako palitan kahit sampu. Mahal na mahal ko si Samantha at hindi ko kayang mahiwalay sa kanya. Masyado akong na stress kay mommy dahil halatang gumagawa sya ng paraan para magka ayos kami ni Celine. Ang unfair ko kay Samantha kasi until now hindi ko pa rin sinasabi kay mommy na nagsasama na kami, tiyak na magagalit iyon. Pinasok pa nya sa company si Celine, gagawin talaga nya ang lahat para matuloy ang kasal namin. Minahal ko si Celine pero sinayang nya ang pagmamahal na iyon ng piliin nya ang career nya. Si Samantha na ang mahal ko ngayon, sya na ang buhay ko.
Feeling ko talaga gumagawa si Mommy ng paraan para magkabalikan kami ni Celine, ito naman si Celine hindi nya kinokontra si mommy, magkasabwat yata sila. Hindi kasi alam ni Mommy ang totoong reason ng hiwalayan namin ni Celine.
Samantha's POV
Naging busy ako sa work, ang dami kasing pina booked sina Jayson, panay din ang business meeting ko with Jayson, inaabot pa ng gabi. Thank God kasi hindi na ganun ka seloso si Brent, naiintindihan nya ang work ko at naging open na kami sa isat isa. Iyon talaga ang usapan namin, walang secret sa isat isa para maging smooth ang relationship namin. I asked him about Celine, sabi nya okay naman daw, saka nilinaw na daw nya kay Celine na work talaga, wala na syang maasahan. I trust him kaya hindi ako nagwo worry, hindi nga ba?
Gabi na ako nakauwi, wala pa rin si Brent, hindi din sya nag text or tumawag. Nagluto ako ng dinner kasi for sure hindi pa rin sya kumakain. Nanood muna ako ng Netflix habang hinihintay ko sya, tinext ko na sya, unfortunately, nagyaya daw mag dinner ang parents nya, hindi na daw sya nakapag text or nakatawag. Panay ang sorry nya, nakakasama ng loob pero wala naman ako magagawa, parents nya iyon eh, syempre mas iyon ang uunahin nya. Kumain na lang ako mag isa, tinago ko na sa ref ang ibang ulam. Nag shower ako, nakahiga na ako pero hindi ako makatulog. Ang hirap din ng patago ang relasyon, okay naman kami, wala kaming problema, iyon nga lang patago ang relasyon namin sa parents nya, para akong mistress na kailangan itago.
Nakatulugan ko na ang paghihintay kay Brent, nagising ako ng humiga na si Brent sa tabi ko. Iiwasan ko sana ang halik nya pero naunahan na nya ako.
" galit ka ba? pauwi na ako ng biglang magyaya si Mommy na mag dinner kami sa labas. Hindi na kita na text kasi baka makahalata sya " paliwanag ni Brent
" okay lang, parents mo iyon, kailangan mo sila i prioritize, ang plastic ko naman kung sasabihin ko na hindi ako nagtampo. Nagtampo ako syempre, naiintindihan naman kita. Sleep na tayo. Inaantok na rin ako"
Tinalikuran ko si Brent, narinig ko ang pag buntong hininga nya. After 15 minutes, hindi pa rin sya natutulog, pinapakiramdaman ko lang sya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip nya.
Pag gising ko ng umaga, nagluluto na ng breakfast si Brent. Spam and egg ang prepare nya dahil alam nyang favorite ko ang mga iyon. Nakangiti agad sya ng makita ako.
" Baby, breakfast na tayo, niluto ko ang mga favorite mo " pinaupo nya ako at nag prepare sya ng coffee namin.
" bakit ikaw ang nagluto? kayang kaya ko naman gawin yan, may pasok ka pa sa office"
" na miss ko lang na ipagluto ka ng breakfast, sobrang busy ko hindi na kita napagluto ulit"
" thank you dahil niluto mo ang favorite ko"
" you are welcome. Baby, sorry nga pala kagabi"
" okay lang Brent, naiintindihan ko naman"
Pagka breakfast namin naligo na si Brent, maaga daw ang meeting nya. Ako na ang nagligpit ng mga plato, naglinis na rin ako. After ko ng mga trabahong bahay, saka ko inasikaso ang Travel and Tours. Nagdagdag na ako ng empleyado kasi dumadami na ang task at hindi na kaya ng dalawa lang. Apat na sila at na lessen talaga ang trabaho ko.
Tinawagan ko rin ang parents ko sa probinsya, okay naman daw sila doon nakapag adjust na sila, okay naman ang takbo ng business namin doon. Sabi ni Nanay baka naman daw may free time ako, dalawin ko sila. Sabi ko naman, next month kapag may free time ako, uuwi ako at mag stay ako doon ng one week. Miss na miss ko na rin kasi ang pamilya ko. Hindi pa rin namin napapag usapan ni Brent ang pag uwi ko sa province, for sure naman papayagan nya ako.
Maaga natapos ang meeting ni Brent, maaga din sya umuwi. Niyaya nya ako mag date, grabe na miss ko ang mga ganito, kapag pala palagi na kaya magkasama nakakalimutan na rin mag date. Nanood kami ng sine at kumain kami sa labas. Actually, hindi naman kami nagligawan ni Brent, marupok kasi ako kaya nagsama agad kami. Ang dami din pinagdaanan ng relasyon namin, away bati, selosan, sobrang na appreciate ko ang effort na ito ni Brent. After namin manood ng sine, kumain kami sa Japanese restaurant. Ngayon lang kami nagkaroon ng chance na magkwentuhan, magbiruan.
" alam mo, nakakamiss ang ganito, yung parang tayo lang ang tao sa mundo, walang iniisip na iba" sabi ni Brent
" sinabi mo pa, kailan ba tayo huling nag date? Hindi ko na rin matandaan. Thank you Brent sa effort mo, I really appreciate it"
" Maliit na bagay" sabi ni Brent sabay kindat. Jusme parang tatalon ang puso ko sa sobrang kilig. Naiisip ko tuloy mas okay siguro kung matagal ang ligawan stage namin, hmmm no regrets naman kahit nakisama agad ako kay Brent. Sobrang mahal ko sya at ramdam ko naman na mahal din nya ako.
BINABASA MO ANG
It Must Have Been Love - ( on going - updated)
RomanceLaki sa hirap si Samantha Panganiban, lahat gagawin nya makatulong lang sa pamilya nya. Lahat ng klase ng trabaho ay pinasok nya masuportahan lang ang kanyang pag aaral. Nakatapos sya sa kolehiyo at ginamit ang perang naipon nya para maitayo ang mal...