Chapter 8

3 0 0
                                    

Brent POV

Uminit ang ulo ko ng obvious na yayain ni Paulo si Samantha sa labas.  Hindi naman sila magkarelasyon para mag explain si Paulo bakit may kasama syang iba. Malinaw pa sa sikat ng araw ng sabihin ni Samantha na friends lang sila ni Paulo. Ito naman si Samantha parang affected nagpunta pa ng CR, ano ba gusto nila palabasin?

Nagseselos ba ako?  Wait si Brent Magsaysay, magseselos???  No fuck**g way.

Galing ako sa mayaman na pamilya, maraming negosyo ang pamilya ko, mga hotel dito sa Pilipinas at sa ibang bansa, may airlines and communication business din kami. May gusto ako patunayan sa sarili ko at sa ibang tao, may hotel akong pinapatayo, yan ang pinaka baby ko, yung masasabi ko na ako talaga ang may idea at sa akin talaga.

Kilala rin ako sa pagiging playboy pero never na ako nagseryoso sa babae dahil isang babae lang talaga ang minahal ko pero mas pinili nya ang pagmo model. Masyado akong nasaktan kaya never na ako maiinlove. Never akong nagselos or naapektuhan lalong lalo na sa kahit sinong babae.

Back to present.

Nauna na ako pumunta sa parking area, sinabihan ko na lang si Samantha na doon ko sya hihintayin, naiinis kasi ako sa kanilang dalawa ni Paulo.

Naghihintay na ako sa loob ng kotse ng dumating si Samantha.

"Sorry nag usap pa kami ni Corrine eh" sabi ni Samantha

"Akala ko hindi ka pa makahiwalay kay Paulo"

"Huh, ang init ng ulo mo ha.  Kanina pa, may nagawa ba akong mali para magkaganyan ka"

"Ano sa tingin mo? Feeling mo nakakatuwa ang drama nyo ni Paulo"

"Wait lang, seryoso ka ba?  Bakit natin pinagtatalunan ito? Ano ba kita? " galit na sabi ni Samantha

Natahimik ako, tama naman sya, ano ba nya ako? Wala naman kami relasyon.

Tahimik lang kami pareho habang nasa daan, nakatingin lang sya sa labas.  Hindi ko rin maintindihan bakit ganito ang nararamdaman ko basta inis na inis ako sa kanilang dalawa ni Paulo.

Samantha's POV

Ang presko nya talaga, feeling. Ano ba kinakagalit nya, boyfriend ko ba sya?  To be honest magiging happy naman ako kapag nag girlfriend na si Paulo, friends lang talaga ang kaya ko ibigay sa kanya. Hindi ko maintindihan bakit affected itong lalaki na ito.

Malapit na kami sa bahay kaya kinuha ko ang bag ko sa back seat. Pagtapat sa gate namin, binuksan ko agad ang pinto.

"Thank you sa paghatid at sundo, ingat ka sa pag uwi" pababa na ako ng pigilan nya ako. Hinawakan nya ako sa braso.

"I'm sorry sa nangyari kanina,  nabigla lang din ako" sabi ni Brent na hindi makatingin sa akin.

"Okay lang, no worries. Goodnight"

"Samantha, wala naman kayo relasyon ni Paulo di ba? " paniniguro ni Brent.

"Friends lang talaga kami, yun lang.  Sige na, ingat ka pag uwi".

Binitawan ako ni Brent at tuluyan na ako bumaba ng kotse.  Hinintay muna ni Brent na makapasok ako ng bahay bago sya umalis. 

Naligo muna ako bago humiga sa kama, nagpapatuyo ako ng buhok ng mag nag text sa akin.

Brent:

I hope hindi ka na galit sa akin, sorry kasi bigla uminit ang ulo ko.

Samantha:

Hindi naman ako galit, nagtataka lang ako bakit mainit ang ulo mo.

Brent:

Hindi na mauulit unless magpapansin na naman yang Paulo na yan sa iyo.

Samantha

Haha, chill lang tayo palagi ah. Sleep na ako, maaga pa ako gigising bukas.

Mabuti naman at hindi na nangulit si Brent. Ang dami ko iniisip at mga plano, masaya ako ngayon dahil nag uumpisa ng dumami ang client namin. Dami nagpapabook at ang iba pa advance booking. May mga referral na rin ako from previous client. Ito na, malapit ko ng matupad ang mga pangarap ko. Nakatulugan ko na ang pag iisip.

===========
A/N

Si Samantha na ba ang magpapatibok ulit ng puso ni Brent.

Sorry ang ikli lang ng update ko

Please vote and leave comment.

It Must Have Been Love - ( on going -  updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon