Chapter 21

2 0 0
                                    

Ilang araw din ako nag stay sa Hotel, sinasamahan ako ni Corinne every night.  Tinanong ko kung nga hindi nagtataka si Nico, hindi naman daw. Kinukulit pa rin daw sya ni Brent kung nasaan ako. Nami miss ko na sya pero hindi ko pa sya kayang harapin. Ang sakit pa rin ng ginawa nya sa akin. 

" Ang boyfriend mo, panay pa rin ang kulit sa akin, sinabi ko naman na hindi ko alam pero ayaw maniwala. Mabuti na lang  magaling ako magtago"

" Hayaan mo sya, saka ko na sya kakausapin. Hindi ko pa alam paano ko sya kakausapin, i confront ko ba sya? Makikipag break na ba ako? Ewan ko naguguluhan pa ako"

" ang tanong kaya mo ba? baka marupok ka rin na kagaya ko" natatawang sabi ni Corinne.

Nag decide na ako na umuwi, nag check out kami. Tumuloy na ako sa bahay ko, kahit naman magtago ako habang buhay, hindi pa rin malulutas ang problem. Okay na rin na magkausap na kami para matapos na lahat. Bahala na kung makikipag hiwalay ako, kung kaya ko ba? Depende siguro sa explanation nya. Inopen ko na rin ang cphone ko, tadtad ako ng text from Brent. Nagtatanong sya kung may nagawa daw ba sya na kinagalit ko. Miss na raw nya ako. Kausapin ko daw sya dahil masisiraan na sya ng bait.

Nalaman ko kay Corinne na hindi pumapasok sa office si Brent, nag iinom lang. Hanggang ngayon ba naman clueless pa rin sya sa kinaiinis ko. Lalo ako naiinis kapag ayaw pa nya tanggapin or hindi nya maamin sa sarili nya kung ano ang nangyari sa party. Binalewala nya ako, nagsinungaling sya.

Tinawagan ko si Brent, hindi nya agad nasagot ang tawag ko.  Nang sinagot nya ang tawag ko, halatang nakainom sya. Nagulat sya ng malaman nyang ako ang kausap nya.

" Hi Brent, pwede ba tayo mag usap mamayang 7pm, dito sa bahay? I need to know if you are free para makapag schedule pa ako ng ibang lakad ko" 

" Baby, kumusta ka na, I miss you so much. Yes free ako later, puntahan kita dyan sa bahay mo"

" okay, sandali lang naman tayo mag uusap. Be on time kasi marami pa ako gagawin after natin mag usap" bigla ko na lang off ang tawag. Nakakapang hina pero kailangan kong gawin ito. Kailangan kong tanggapin ano man kakahinatnan ng pag uusap namin.

Before 7pm nasa bahay na si Brent. Mukha syang haggard at hindi sya nag aayos ng sarili nya. Halatang puro alak lang ang inintindi nito for the past few days.

Nakaupo kami sa sofa, sinadya ko talagang magkatapat kami, tumabi sya sa akin pero lumayo ako, nakita kong nasaktan sya sa ginawa ko. 

" Madali lang ito, gusto ko lang marinig ang explanation mo then saka tayo mag decide after"

" Samantha, may nagawa ba akong mali? Ano ba ang problema natin? Pag usapan naman natin ito, miss na miss na kita"

" Bakit hindi mo binanggit sa akin si Celine? Hindi mo rin sinabi na engage na kayo? nagkalayo kayo pero walang closure? 

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nya, so wala talaga sya idea kung bakit ako nagagalit sa kanya.

" Wala na kami ni Celine, ng piliin nya ang pagmo model nya, tinapos ko na lang lahat sa amin. Hindi ko na sinabi sa iyo kasi tapos na kami. Wala na kaming relasyon. I admit, nag propose ako sa kanya pero tinanggihan nya ako kasi mas pinili nya ang career nya. I decided na tapusin  na ang relasyon namin."

Napabuntong hininga na lang ako, hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba ang explanation nya. 

" kinausap ako ni Mrs Magsaysay,  ayaw nya sa akin. Sinabi rin nya sa akin yung about kay Celine. Technically, engage pa rin kayo kasi wala kayong closure. Narinig ko ang explanation mo, okay na sa akin iyon. At least hindi na ako mag iisip ng kung ano ano. Ayusin ko lang mga naiwan mong gamit dito, para maiuwi mo na" Nagulat si Brent sa sinabi ko, tumayo na ako para ayusin ang gamit nya, bigla nya ako hinawakan sa kamay at niyakap ako. Naiiyak ako pero pinigilan ko, ayoko maiyak sa harap nya.

" Samantha, are you breaking up with me?" naiiyak na sabi ni Brent

" may reason pa ba para magpatuloy tayo? Ayaw sa akin ng parents mo, nandyan na si Celine. Ayoko maki agaw sa atensyon mo" Tumayo na ako para ayusin ang mga gamit nya ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at niyakap nya ako.

" Samantha, huwag naman ganito, pag usapan natin ito. Mahal kita, hindi ko kaya na mawala ka. Hindi ko nabanggit sa iyo kasi wala na kami, maniwala ka naman. Regarding naman kay Mommy, ako naman ang pakikisamahan mo, hindi sila" nakikiusap si Brent.

Nagdadalawang isip ako kung hihiwalayan ko ba sya or paniwalaan ang mga sinasabi nya. Hindi ako kumikibo kaya lalo nya hinigpitan ang mga yakap nya na para bang ayaw nya akong pakawalan. 

" Hayaan mo muna ako mag isip, magulo pa isip ko ngayon"

" pwede ka naman mag isip na hindi tayo naghihiwalay. Maghihintay ako, please Samantha, nakikiusap ako"

Masyado kong mahal ang taong ito, hindi ko sya matiis, napatango na lang ako at panay ang thank you nya sa akin. Hinalikan nya ako sa labi at agad ko naman tinugon, marupok talaga ang puso ko. Kaunting lambing lang nya sa akin bumibigay na ako. 

Dito sya natulog, matapos na may mangyari ulit sa amin, napag usapan namin ang mga nangyari sa loob ng tatlong araw na wala ako. Yes po, tama po, marupok kasi ako, may naganap na naman sa amin. Hindi ko rin kaya na mahiwalay sa kanya, panghahawakan ko na lang ang mga promise nya. Bahala na, nag promise kami sa isat isa na hindi kami bibitaw ano man ang mangyari. 

Naging okay ang mga sumunod na linggo sa buhay namin ni Brent, normal lang, walang problema, walang awayan. Halos dito na umuuwi si Brent, in short live in na kami. Hindi ko pa rin nasasabi sa parents ko na may boyfriend na ako. Medyo kumplikado pa kaya nag decide ako na huwag muna sabihin sa kanila. 

So far, hindi naman gumagawa si Brent ng mga bagay na dapat ko ipagselos or ikagalit. Nararamdaman ko naman na mahal nya ako. Minsan dumadalaw sya sa family nya, nagsasabi naman sya especially kapag hindi sya uuwi. Tiwala lang sa isat isa ang kailangan para maging okay lahat. 

Minsan, napag usapan namin na gusto kong dalawin ang family ko sa Cagayan de Oro, gusto nya sumama sabi ko next time na lang kasi hindi pa alam ng family ko na may boyfriend na ako. Gusto nya ipakilala ko na sya, tinapat ko naman sya na hindi pa ako ready.  Ayoko mabigla ang nanay at tatay ko. Busy pa ako sa ngayon kaya wala pa rin exact date ang pag uwi ko. 

Namasyal kami ni Corinne sa Greenbelt para i meet ang ibang kaibigan namin, kahit talaga gaano mo iwasan ang isang tao, darating ang time na magtatagpo ang landas nyo. Ang daming tao sa Greenbelt pero bakit mommy pa ni Brent ang makikita ko. Nagkasalubong kami and nagkatinginan kami, binati ko sya pero tiningnan lang nya ako at si Corinne ang kinausap nya. Hinayaan ko na lang, basta ako binati ko sya, nagbigay galang ako. Bakit kaya ayaw nya sa akin dahil mahirap lang ang family ko or si Celine talaga ang gusto nya para sa anak nya.

" deadma na lang Sam, hayaan mo na. We cannot please everybody" sinundan ng tingin ni Corinne si Mrs Magsaysay

" nakakalungkot lang kasi wala naman ako ginawang masama sa kanya pero bakit ayaw nya sa akin" 

Sabagay, tama si Brent, sya ang makakasama ko hindi ang parents nya, mas masaya sana kung walang ilangan kapag nagkikita kami, yung smooth lang lahat. 



It Must Have Been Love - ( on going -  updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon