Gulong gulo ang isip ko, nag iisip ako paano ko mabebenta ang Travel and Tours ko, kailangan ko ng pera para sa baby ko. Ayoko na umasa kay Brent, ayaw naman nya sa baby ko. Kinausap ko na mga friends ko dati, para saluhin ang travel and tours ko, gusto ko sa kakilala ko para maalagaan din nila.
Inalok ko rin kay Corinne, wala daw sya extra eh. Nakwento ko na rin lahat kay Corinne, nagkaiyakan pa kami.
May plano na ako pero hindi ko sinabi kay Corinne, saka na. Iiwan ko si Brent pero hindi pa sa ngayon, wala pa ako titirhan saka kailangan ko muna maipasa ang business ko sa iba. Maaga ako nagdi dinner para hindi ko makasabay sa dinner si Brent, palagi na rin sya gabi umuuwi. Ilang araw na rin kami hindi nag uusap. Nakakalungkot lang, akala ko mahal nya ako, hindi nya ako iiwan, ngayon may problema na, ako na lang mag isa. Hindi man lang ako madamayan.
Na stress na ako, ilang araw na ang lumilipas, wala pa rin linaw ano mangyayari sa business ko. Idagdag pa ang palaging pagsama ng pakiramdam ko, ang pag crave ko sa food, ang hirap wala man lang ako kadamay. Gustong gusto ko na magsabi sa Nanay ko, miss ko na sya. Naghahanap ako ng kadamay sa paglilihi ko.
Gusto ko kumain ng Hawaiian Pizza, walang available driver sa Grab Foods, lumabas na lang ako para mag take out, gusto ko kasi sa bahay kumain, natagalan ako makasakay pag uwi. Nandoon na si Brent pag uwi ko, nakatingin sya sa dala dala kong Pizza. Nilampasan ko lang sya, dire diretso ako sa kitchen at nilantakan ko ang Pizza, gusto ko rin maanghang bumili pa ako ng hot sauce sa 7 Eleven. Busog na busog ako, nanood pa ako ng netflix habang kumakain, nakita kong pumasok na sa kwarto si Brent. After an hour saka ako pumasok sa kwarto, ayoko sya katabi matulog pero no choice ako. Ni hindi man lang ako suyuin or kumustahin man lang.
Mukhang ayaw na rin nya ako dito sa bahay nya, huwag sya mag alala, ilang araw na lang aalis na kami dito ng baby ko.
Hopeless na ako, wala na ako malapitan para sa business ko. Need ko na sya ibenta sa ibang tao para makaalis na ko dito. Pinag adya siguro, kung kailan ako super stress na, saka nag chat si Paulo, nangungumusta sya. Hindi na ako nahiya na ialok sa kanya ang business ko, sabi ko need ko ng pera para sa pagsisimula ulit.
" Samantha, may problem ka ba? we are friends, huwag ka na mahiya magsabi sa akin. Palagi akong nandito for you"
Sa sinabi nyang iyon, napahagulgol na talaga ako, hindi na ako makapag salita, puro iyak na lang ang nagawa ko, parang nakakita ako ng kakampi kay Paulo. Imi meet ko si Mrs Concepcion bukas, tutulungan nya ako, lunch time kami magkikita, pag uusapan namin ang tungkol sa business ko. Gumaang ang loob ko, ayoko na rin ma stress dahil nakakaapekto sa baby ko.
" kapit lang baby, malapit na tayo umalis dito. Mahal na mahal ka ni Mommy, kaya kita palakihin kahit wala kang daddy" kinakausap ko ang baby ko habang hinihimas ko ang tiyan ko.
Maaga umalis si Brent kaya maaga din ako gumising. Sobrang lungkot ng buhay ko, hindi kami nag uusap, parang hindi ako nag eexist sa kanya. 11am, nagkita na kami ng mommy ni Paulo, sobrang bait nya, kinumusta nya ako, nakita ko ang pag aalala nya sa akin at sa anak ko, sana ganito kabait ang mommy ni Brent. Habang nag uusap kami iyak lang ako ng iyak. Nag volunteer sya na samahan ako sa check up ko, may kakilala daw syang OB Gyne, nakaka touched kasi parang tunay na anak talaga ang turing nya sa akin. Bakit kasi hindi natuturuan ang puso, kung si Paulo ang pinili ko, ang bait bait ng magiging lola ni baby ko.
Hinatid ako ni Mrs Concepcion sa bahay, invite ko sya na pumunta sa unit namin pero tumanggi sya para daw makapahinga ako ng maaga. Nakakatuwa mommy ni Paulo, sinamahan nya ako mag grocery para bumili ng fruits, kabilinbilinan kasi ni Paulo na samahan ako mamili, nabanggit ko kasi sa kanya ang pag crave ko sa food sa madaling araw.
Naglilinis ako ng bahay ng may kumatok, wala naman ako expect na bisita, si Brent naman hindi iyon kumakatok kasi may susi naman syang sarili. Pagbukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Mrs Magsaysay kasama si Celine, parang nanliit ako dahil tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa.
" Good afternoon po, wala po si Brent dito ngayon" pinapapasok ko sila pero tumanggi sila.
" I know, pumunta lang ako dito para ma confirm ko mismo kung totoo ang balita na naririnig ko. Kailan ka pa nandito sa bahay ni Brent?"
" si Brent na lang po ang tanungin nyo" mahinahon na sabi ko. Nagtataray na sya pero magalang pa rin ako sa kanya. Ayokong bastusin sya kasi Mommy sya ni Brent. Si Celine naman ay pataas taas lang ang kilay. Mabuti na lang talaga at aalis na ako dito, ayokong lumaki ang anak sa ganitong klase ng pamilya.
" By the way, just want to inform you na nagkabalikan kami ni Brent, Pupunta kami ng Canada para sa Engagement Party namin, our flight will be on Saturday. Hindi ka naman seseryosohin ni Brent, babalik at babalik din sya sa akin" pagtataray ni Celine
Pinalampas ko lahat ng mga pagtataray nila, si Lord na ang bahala sa kanila. Umalis din kaagad sila, hay naku buti na lang nakapagpigil pa ako. Sila na pala uli, good for them. Sana maging masaya sila, bahala na sila sa buhay nila, basta ako masaya na ako kasama ni baby ko. Hinding hindi ko hahabulin yang iresponsableng si Brent. Ang sakit lang isipin na naisahan ako, ang dali ko kasi maniwala. Ang magandang nangyari na lang sa pakikipag relasyon ko kay Brent ay itong baby ko.
Friday night, kinausap ako ni Brent. Aalis nga daw sya kasama ng family nya. Dadalawin ang Grandparents nya, hindi na lang ako kumibo, alam ko naman na pinagloloko lang nya ako. Kinausap na raw nya si Corinne para sa samahan ako dito sa bahay, two weeks daw kasi syang mawawala.
" Huwag na, kaya ko ang sarili ko. Hindi ko na kailangan ang kasama"
" I insist, kailangan mo ng kasama"
" Stop it Brent, magpakatotoo ka nga, matagal mo na nga ako hindi pinapansin di ba, tapos ngayon, you are acting that you care, bullshit di ba" nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Brent, nasaktan yata sa sinabi ko, wala na ako pakialam sa kanya.
" okay, I will call you from time to time, make your cphone available "
" bahala ka " tinalikuran ko na sya at pumasok sa kwarto namin
Naka empake na sya, ready na talaga sya umalis. Two weeks pala sya mawawala, may time ako para makaalis. Napag usapan namin ni Mrs Concepcion na sya muna ang bahala sa business ko, papalabasin lang namin na nabili na ito pero sa akin pa rin ito. Sa Singapore muna ako tutuloy, doon na ako maghihintay na ma approved ang Visa ko papuntang New York. Napag planuhan na namin lahat, nagwo worry lang si Mrs Concepcion baka kasi hanapin ako ni Brent. Ayaw nyang magkagulo sila ng Pamilya Magsaysay. I assured her na wala naman pakialam si Brent, hindi na ako hahanapin, matutuwa nga iyon kapag umalis na ako. Wala na syang responsibilidad.
Maaga ang flight ni Brent, bago sya umalis, hahaplusin nya sana ang tiyan ko pero umiwas ako. Wala sya karapatang hipuin man lang ang anak ko. Ayaw nya sa baby ko di ba, tapos ngayon hahawakan nya. Nakita ko na nalungkot si Brent ng umiwas ako. Hindi na lang ito kumibo at umalis na.
Brent's POV
Pang 3 days ko na sa Canada ng magkaroon ako ng pagkakataon na tawagan si Samantha, sobrang busy ako, pagdating pa lang ang dami ko ng inasikaso sa business namin. Ilang ring na hindi pa rin sinasagot ni Samantha ang cphone nya. Nakatatlong tawag ako pero hindi nya sinasagot ang cphone. Naisip ko galit lang sya kaya ayaw nya ako kausapin. Nag text na lang ako sa kanya, gabi na hindi pa rin sya nagre reply. Kinabukasan, ganun pa rin hindi nya sinasagot ang tawag ko, pang apat na try ko, cannot be reached na. Nag aalala na ako, wala kasi sya kasama sa bahay, ng mga sumunod na araw, cannot be reached na ang cphone nya.
Tumawag ako sa admin ng Condominium ko, tinanong ko kung nakikita ba nilang lumalabas si Samantha, hindi daw nila nakikita ilang araw na. Nagwo worry na talaga ako, tinawagan ko si Corinne para kumustahin si Samantha at nakiusap ako na puntahan sa bahay si Samantha. Busy daw sya, hindi sya makakapunta. Si Nico naman naka out of the country for a business trip. Wala na ako mapapakiusapan na puntahan si Samantha. Tinawagan ko si Siony, hindi daw napupunta doon si Samantha.
Ang tagal tagal ng two weeks, gusto ko na umuwi, nag aalala na ako kay Samantha. Pagdating ko ng Manila, dumiretso agad ako sa bahay namin. Nanlumo ako ng wala na si Samantha sa bahay. Wala na ang mga gamit nya, iniwan nya ang susi ng bahay, ang cphone nya. Iniwan na ako ni Samantha at ng baby namin.
BINABASA MO ANG
It Must Have Been Love - ( on going - updated)
RomansaLaki sa hirap si Samantha Panganiban, lahat gagawin nya makatulong lang sa pamilya nya. Lahat ng klase ng trabaho ay pinasok nya masuportahan lang ang kanyang pag aaral. Nakatapos sya sa kolehiyo at ginamit ang perang naipon nya para maitayo ang mal...