Chapter 11

4 0 0
                                    


Wala na rin ako nagawa kasi makulit talaga si Brent, panay ang kwento nya habang nasa kotse kami, tahimik lang ako. Pagod na rin kasi ako, gusto ko na lang humiga at matulog. Tumawag muna ako sa bahay, sinabi ko na sa labas ako magdi dinner.

Walang tigil ang lalaking ito kakadaldal, naiirita na ako. Pinapakita ko na naiinis na ako pero deadma lang sya.

"Hello, may kasama ba ako?" nakangiting sabi ni Brent at titig na titig sa akin.

"ang daldal mo kasi, non stop. Pagod ako, wala ako sa mood" sagot ko naman

"magkwento ka naman, ano nangyari sa maghapon mo,kumusta ang work mo? "

Napabuntong hininga na lang ako, hindi rin naman titigil itong lalaki na ito.

"ang dami naming bookings, actually nag uumapaw. Busy kami ni Siony maghapon, so far okay naman natapos naman namin" walang ganang sagot ko

" Good to hear that. Super hectic pala ang maghapon mo mabuti naman naisingit mo ako" nakangiting sabi ni Brent.

"Actually, wala ka sa schedule ko, mapilit ka lang"

"ouch naman, it hurts baby"

Inirapan ko na lang sya, pero deep inside nakakakilig kapag tinatawag nya akong baby. Sa isang Korean Restaurant kami kumain ni Brent, favorite pala namin ang korean food. Masaya syang kasama ang daming kwento, no dull moments ika nga.

After namin mag dinner, nagyaya muna sya na mag coffee kami, mag 9:00pm pa lang naman kaya pumayag ako, tambay muna kami sa Starbucks, puro biruan, tawanan lang kami. Actually, I'm beginning to like him na. OMG, mali ito, kung ano ano ang naiisip ko. For sure naman, maraming dine date itong lalaki na ito. Wala lang siguro sya makasama ngayon kaya niyaya ako at bumabawi sa pagiging tsismoso nya. 

Ang bilis lumipas ng oras, hindi man lang namin naramdaman na late na pala. Mag 12:00am na ako nakauwi sa bahay, tulog na ang family ko. Naka off na ang ilaw, first time kong umuwi na ganitong oras, usually kapag ganitong oras, naghihilik na ako.

Pababa na ako ng kotse ng pigilan ako ni Brent, hinawakan nya ako sa braso kaya hindi ako nakababa agad.

"Thank you sa time, nag enjoy ako. I hope hindi ito ang first and last na paglabas natin" pabulong na sabi ni Brent

"Nag enjoy din ako. Busy na ako sa mga susunod na araw kaya I think this will be the first and last na labas natin" natatawang sabi ko

"uhmm, let's see" nakakaloko ang ngiti ni Brent

Natawa na lang ako, hindi na dapat maulit ito dahil feeling ko maiinlove ako sa lalaking ito. Ang lakas ng karisma at hindi ko yata kayang iresist. Wala pa sa plano ko ang ma inlove, no way. Ang dami ko pang dapat asikasuhin, no time for love.

"Pwede ba makahingi ng goodnight kiss?" nakatingin si Brent sa lips ko at medyo nailang ako

Nagulat na lang ako sa smack kiss ni Brent, mabilis lang pero ramdam ko ang init ng  labi nya. Hindi ako nakagalaw at hindi rin ako naka react. Kinikilig ako na ewan.

"Hey, ganyan ba effect ng smack ko sa iyo? Hindi ko alam kung matutuwa ako or maiinsulto" pang iinis na sabi ni Brent

"Baliw ka talaga, naisahan mo ako ha" hindi ako makatingin kay Brent

"Bitin nga eh, next time hindi na smack" sabay kindat ni Brent

Umirap na lang ako, bumaba na ako ng kotse, bababa pa sana si Brent para pagbuksan ako ng pinto ng kotse pero pinigil ko sya. Hindi na kailangan, hindi na ako naniniwala sa mga gentleman, wala na yan ngayon sa panahon natin.

Hinintay nya ako makapasok ng gate bago sya umalis. Pagpasok ko ng bahay, tinext ko sya na mag iingat sya pag drive and nag thank you na rin ako sa dinner.

Nag shower lang ako then nahiga na ako, pagod na ako pero hindi ako makatulog. Masayang kasama si Brent pero hindi ko alam kung ano talaga ang tumatakbo sa isip nya. Ayoko mapabilang sa mga fling nya. Inaamin ko madali ako ma inlove at iyon ang talagang iniiwasan ko. Marami ako obligasyon sa buhay. 

Wait, mainlove?? bakit ba iyon ang naiisip ko. Hindi ako maiinlove kay Brent. Kay Paulo nga na ang tagal ng nagpaparamdam sa akin, hindi ko talaga binigyan pansin. Friends lang talaga ang tingin ko kay Paulo, sana makahanap sya ng girl na mamahalin sya.

Naging madalas na ang pag uusap namin ni Brent sa cellphone, halos araw araw nya ako tinatawagan,kinukumusta. Hindi man kami nagkikita kasi busy talaga ako sa work pero he make it a point na magkausap kami. Hindi ko talaga alam kung ano ba tumatakbo sa isip nya. May gusto ba sya sa akin? Oo na assuming ako, halos karamihan naman yata ng babae assumera haha.


Friday ngayon, ininvite ako ni Brent sumama sa dinner with his friends. Pumayag ako, masyado ako naging busy this past few weeks, I think I need a break. Sa bahay na lang nya ako susunduin, after work uuwi muna ako para magbihis. Kaunti na lang naman ang task namin ni Siony ngayon kaya pwede kami makauwi ng maaga, huwag lang magkaroon ng emergency booking ang mga client namin. 

Nag start na rin ako mag book sa company ni Jayson, isa sila sa malaking company na naging client namin. Kami naghahandle ng hotel bookings nila for personal and business out of town and out of the country trips nila. Nakakatuwa kasi nagkakaroon na rin kami ng client dahil sa referral ng company ni Jayson.

Before 8:00pm nasa bahay na si Brent, ready na rin ako ng dumating sya. Pinakilala ko sya sa parents ko, magalang naman si Brent sa parents ko na isa sa hinangaan ko kay Brent, sabagay businessman din sya sanay maki mingle at malakas ang PR. 

Pagdating namin sa Restaurant, halos kumpleto na mga friends ni Brent, syempre hindi mawawala si Corinne, tuwang tuwa sya ng makita ako. Super miss ko ang bruha, ang tagal namin hindi nagkita, isa rin si Paulo sa na miss ko. Nasa ibang bansa sya ngayon,inaasikaso ang family business nila. Palagi rin ako nakakasama sa mga gimik ng mga friends ni Paulo pero bakit lately ko lang nakita si Brent. 

Mabait sya at maalalahanin, palaging kapakanan ko ang iniisip nya, kung saan ako komportable.  Unti unti na yata ako nafo fall sa lalaking ito. Wala naman sya binabanggit na kahit ano. Hindi ko alam kung nanliligaw ba sya or gusto lang nya ako makasama.

Teka, if ever ba manligaw sya, ready na ba ako? Paano na ang mga pangarap ko para sa pamilya. Kung sabagay, pwede ko gamitin itong inspiration. Sabi ko na lang sa sarili ko,boyfriend lang naman, it doesn't mean mag aasawa na ako.  Hay naku, kung ano ano ang naiisip ko, hindi pa naman nanliligaw si Brent sa akin, assuming lang yata ako.


A/N

Sorry ang tagal walang update, naging busy ako sa work. Don't forget to like and leave comments.




It Must Have Been Love - ( on going -  updated)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon