Nag message sa akin si Paulo, nangungumusta sya, nandito sya ngayon sa Manila. He asked me if I'm free tonight, he want to invite me for dinner. One week lang daw sya dito sa Manila then babalik na sya sa New York. Hindi pa ako makapag decide agad kasi kailangan ko pang magsabi kay Brent. Hindi rin ako sure kung papayag sya pero minsan lang naman magyaya si Paulo. Saka ang tagal na namin hindi nagkikita.
Nasa office pa si Brent, tinawagan ko sya, magpapaalam ako kung pwede ko i meet si Paulo, kasama si Mommy nya. Naging close ko na rin kasi ang mommy nya, ako kasi ang nag aasikaso ng mga travels nila. Hindi ako sure kung papayag sya pero I will try, na miss ko na rin si Paulo.
" Brent, are you busy? " tanong ko
" baby kapag ikaw, never akong magiging busy"
" Gusto ko sana magpaalam sa iyo, Paulo invited to me have dinner with him and his Mom, okay lang ba?"
Ang tagal nya bago sumagot and hindi ako makahinga dahil nararamdaman ko na hindi sya papayag.
" Kasama Mommy nya? I did not know na close kayo?"
" Magkakakilala kami ni Mrs Concepcion, ako ang nag aasikaso ng travels nila. Okay lang ba? sandali lang naman, ihahatid nila ako after.
" mukhang decided ka na eh, ano pa magagawa ko" may galit sa boses ni Brent
" hindi pa ako sumasagot kay Paulo, sabi ko magsasabi muna ako sa iyo"
" Sige na, makipag dinner ka na, para meet the parents ang peg"
" ano ba pinagsasabi mo, kilala ko na dati pa si Mrs Concepcion, nandito sila sa Manila for one week kaya invite nila ako for dinner"
Nagsasalita pa ako pero off na ni Brent ang phone nya, in short, pinutol na nya ang pag uusap namin. Nag text ako kay Paulo, doon na lang kami magkikita sa Restaurant, maaga ako nag ayos para maaga ako makarating at maaga din makakauwi. Ramdam ko naman na hindi nya gusto, babawi na lang ako and explain ko sa kanya.
Pagdating ko sa Marco Polo sa Ortigas, pumunta na ako agad sa Cucina, nandoon na si Mrs Concepcion, na traffic daw si Paulo pero malapit na rin itong dumating. Ang dami na namin napag usapan ni Mrs Concepcion ng dumating si Paulo, late na raw natapos ang meeting nya at na traffic pa. Nakangiti na si Paulo ng makita ako, una nyang nilapitan ang mommy nya, kiss nya ito saka sya tumabi sa akin.
" Samantha, how are you? long time no see ah" bati ni Paulo sa akin
" okay naman ako, medyo busy sa work"
" akala ko ba sa house ka na lang nagwo work?"
" yep sa house na lang ako, pero ako pa rin ang umaattend sa mga business meeting"
" nice to hear na nag eenjoy ka naman"
" Thank you Samantha sa pagpayag mo sa dinner na ito, ang tagal na rin natin hindi nagkikita. Sobrang busy din kasi ni Paulo, bihira na rin nya ako madalaw" sabi ng mommy ni Paulo
Umorder na kami, alam pa rin ni Paulo ang mga favorite ko, sobrang bait ni Mrs Concepcion, swerte ng mapapangasawa ni Paulo. Mayaman din ang pamilya ni Paulo, napaka down to earth nito, ibang iba sa mommy ni Brent. Suportado nya si Paulo, kung sino ang gusto nito at kahit sa mga business ni Paulo, suportado sya ng ina. Sobrang ganda ni Mrs Concepcion para itong artista, dito mana si Paulo ng pagka mestiso. Palagi pang nakangiti kaya hindi ka maiilang sa kanya. Past 10pm na kami matapos mag dinner, may sariling sasakyan si Mrs Concepcion kaya nauna na syang umuwi. Gusto ko mag grab na lang pauwi pero nag insist talaga si Paulo na ihatid ako.
Pareho lang kami tahimik, napapansin ko ang pagsulyap sa akin ni Paulo, naiilang ako kasi iba ang mga titig nya.
" Samantha, are you happy? Okay naman ba ang pag trato nya sa iyo" tanong ni Paulo
" oo naman, mabait naman si Brent"
" how about his mom, okay naman ba pakikitungo sa iyo? knowing her na sobrang boto kay Celine"
"Ouch naman, talagang diniin mo pa na si Celine ang gusto ng mommy ni Brent" natatawang sabi ko
" I'm serious Samantha. Nagpaubaya ako kasi gusto kitang masaya. Kung may problema ka or hindi okay ang pagtrato sa iyo ni Brent, babawiin talaga kita sa kanya."
" hindi pa alam ng mommy ni Brent ang tungkol sa amin. Si Celine nagwo work sa office ni Brent, sabi ni Brent mommy nya ang may gusto, business partner kasi ang family nila kaya may karapatan din sa company si Celine. If you will ask me kung okay lang iyon, syempre hindi. Mahal ko si Brent, I trust him. Sabi nya tapos ni sila ni Celine and I believed him. Okay naman kami pero syempre iba pa rin kapag tanggap ka ng family di ba"
Napabuntong hininga na lang si Paulo, hinawakan nya ang kamay ko at pinisil iyon.
" Nandito lang ako kapag may problema ka, pwede mo ako kausapin. If you need help, I'm just one call away okay."
Tumango na lang ako, parang nabawasan ang dala dala ko sa dibdib ko, ang sarap pala ng may nag aalala sa iyo. Nasasabihan ko ng problema ko si Corinne pero iba pala kapag may nangungumusta sa iyo. Happy naman ako kay Brent, mahal ko sya sobra. Handa ako magtiis para kay Brent, ganoon ko sya kamahal.
Nadatnan kong umiinom si Brent, lasing na ito. Hindi nya ako tinitingnan, nakatutok lang tingin nya sa TV. Lumapit ako at hinagkan ko sya sa lips.
"Nag dinner ka na ba?"
" yep, nag dinner na ako kanina before ako umuwi. Kumusta ang date mo?"
" Brent, hindi naman date iyon, kasama ko ang mommy ni Paulo"
" Alam na ba ni Tita Melinda na may boyfriend ka na? Na disappoint ba sya na hindi kayo nagkatuluyan ni Paulo" may galit sa boses ni Brent
Hindi na lang ako kumibo kasi magtatalo lang kami ni Brent.
" tama na yan, sleep na tayo" nilapitan ko si Brent at niyakap ko sya. Hinalikan ko sya at tinugon naman nya ang halik ko. Kinuha ko ang wine glass sa kamay nya, pinulupot ko ang kamay ko sa leeg nya at nilaliman ko pa ang paghalik sa kanya.
" Huwag ka na magalit, ikaw ang pinili ko dahil ikaw ang mahal ko. Kaibigan lang talaga ang turing ko kay Paulo. I love you so much Brent"
" I love you too Samantha, please bear with me. Ikaw ang buhay ko"
BINABASA MO ANG
It Must Have Been Love - ( on going - updated)
RomanceLaki sa hirap si Samantha Panganiban, lahat gagawin nya makatulong lang sa pamilya nya. Lahat ng klase ng trabaho ay pinasok nya masuportahan lang ang kanyang pag aaral. Nakatapos sya sa kolehiyo at ginamit ang perang naipon nya para maitayo ang mal...