Na late ako ng gising, nakapasok na sa office si Brent ng magising ako. Nagluto na rin sya ng breakfast namin. As usual favorite ko na naman mga niluto nya, nagtimpla muna ako ng coffee, nang kakain na ako, hindi ko nagustuhan ang amoy, parang babaliktad ang sikmura ko. Inalis ko sya sa table, hindi ko alam bakit hindi ko gusto ang amoy nito, favorite ko naman ito. Basta ayoko sa kanya. Nag toast na lang ako ng tinapay na may butter at parang gusto ko sya isawsaw sa kape, I know na hindi sya okay pero iyon ang gusto ko talaga.
After ko mag breakfast, humiga ulit ako, sumama ang pakiramdam ko after ko kumain ng French Toast, naparami yata ang kain ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako, 3pm nagising ako dahil kumakalam na ang sikmura ko. May gusto ako kainin pero hindi ko alam kung ano, ang weird ng feeling ko. Malapit ng umuwi si Brent kaya tinawagan ko na lang sya.
" Hi Brent, anong time ka uuwi?"
" Hi baby, mamaya pa ako makakauwi, may business meeting pa ako eh. Bakit, miss mo na agad ako?"
" pwede mo ba ako uwian ng burger and fries, please?"
" sure baby, kaya lang gagabihin ako"
" okay lang, basta uwian mo ako ha, hihintayin kita"
" okay, wait for me. Did you eat your lunch na ba?"
" hindi pa nga eh, ang sama kasi ng pakiramdam ko kanina, kakagising ko lang"
" ano masakit sa iyo? Take your meds, rest ka ulit, maya maya lang nandyan na ako"
" Ok, I will wait for you. Take care, I love you Brent"
" I love you too baby"
Nagugutom ako talaga ako pero wala akong magustuhan sa stocks namin. Uminom na lang ako ng Juice and nanood ng Netflix. Nakadalawang movie na ako, wala pa rin si Brent, gusto ko na kumain ng burger and fries, bakit kasi ang tagal tagal nya. Hindi ko na matiis, tinawagan ko sya ulit. Ang tagal bago nya sagutin ang cphone nya. Pangatlong try ko na ng sinagot nya ito.
" Brent, ang tagal mo naman, nasaan na ang burger?" malambing na sabi ko
" who's this? Brent is still in a meeting." mataray na sagot sa akin.Nagulat ako dahil mommy nya ang sumagot ng cphone. My gosh, hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung sasagot ba ako or i hang up na lang ang cphone, hindi nya pwedeng malaman na ako ito tiyak magagalit ito kay Brent. Wala na ako choice, I hanged up the cphone.
Kabang kaba ako, ang bastos ko sa nagawa ko, hindi ko na alam gagawin ko eh baka magalit sa akin si Brent kapag sinabi kong si Samantha ang kausap nya. Baka din magalit sya dahil hang up ko ang cphone, ano ba itong nagawa ko!! Nawala tuloy ang gutom ko sa kaba.
Exactly 11pm na nakauwi si Brent, sobrang gutom na ako. I tried to eat pero ayoko talaga ng spam, ayoko ng amoy nya. Nainis pa ako ng nakalimutan nyang bumili ng burger and fries.
" nasaan na ang burger and fries?"
" baby, I forgot to buy burger and fries, pagod na kasi ako at nagmamadali ako makauwi dahil late na"
" ano ba yan, kanina ko pa hinihintay yang burger and fries tapos hindi ka naman pala bumili" pagmamaktol ko
" bukas na lang tayo bumili, gabi na rin eh baka wala na tayo mabilhan"
" hindi nga ako nag dinner dahil burger and fries ang gusto ko" naiiyak na sabi ko
" ano ba gusto mo kainin, magluluto na lang ako para makapag dinner na tayo"
" huwag na, nawalan na ako ng gana" pumasok na ako sa kwarto. Grabe ang gutom ko, asang asa ako tapos walang uwi, kainis talaga. Nag shower na lang ako para mawala ang inis ko, nag tagal ako dahil ayoko pa lumabas dahil naiiyak ako sa frustration.
Nakahiga na sa kama si Brent ng lumabas ako ng bathroom, hindi ko sya pinapansin. Nakatitig lang sya sa akin ng magtama ang tingin namin, inirapan ko sya.
" Nagluto ako ng breakfast mo, bakit hindi mo kinain?"
" ayoko nga ng spam, hindi ko gusto ang amoy"
" bakit? favorite mo yon di ba?"
" hay naku, sinabi ko nga di ko gusto ang amoy, hindi ko sya makain"
Hindi na lang kumibo si Brent, tinalikuran ko naman sya. Natulog kami ng may tampuhan, pag gising ko nakapasok na sya sa office. Late siguro sya nagising hindi na rin kasi nakapagluto ng breakfast. Nahihilo na naman ako at sobrang sama ng pakiramdam ko. Wala din ako gana kumain, nahiga ulit ako. Bigla ko naisip na hindi pa pala ako dinadatnan ng monthly period ko, delay na ako ng 15 days, hindi pwede ito, hindi pa nga alam ng parents ni Brent na may relasyon kami then biglang buntis ako kahit parents ko hindi nila alam na may boyfriend na ako. Agad akong nagbihis, bumili ako ng dalawang pregnancy test. Agad akong pumunta sa CR para mag test, nanlambot ako ng mag positive ito, nag test ulit ako sa pangalawa ganun pa rin, positive pa rin.
Naiyak na lang ako, dapat pa ba ako magtaka, hindi naman kami gumagamit ng birth control at halos araw araw kami nagsisiping, natural makakabuo kami. Masaya ako kasi may baby na kami pero si Brent, hindi ko alam ang magiging reaction nya, paano kung hindi pa sya ready.
Hindi ako mapakali buong maghapon, kailangan itong malaman ni Brent para alam ko kung ano ang magiging next plan ko. Nag practice pa ako ng mga sasabihin sa kanya. Maaga sya umuwi ngayon, may dala syang burger and fries, nagke crave pa rin ako sa burger and fries pero hindi ko ma enjoy dahil kinakabahan ako. Bahala na, dapat ready ako sa ano man magiging result ng pag uusap namin.
" Brent, ilang araw ng masama ang pakiramdam ko and wala ako gana kumain, nagke crave ako sa ibat ibang food" pasimula ko, nakatingin lang sa akin si Brent at nakita kong nagdilim ang anyo nya.
" kailan ang last menstruation mo?"
" delayed na ako ng 15 days eh, bumili ako ng pregnancy test para makasigurado"
" anong result?" walang kalatoy latoy na sabi ni Brent
" positive eh, twice ako nag test, parehong positive"
Dumilim lalo ang mukha ni Brent, hindi ito maipinta, halatang disappointed sya.
" bakit hindi ka nag ingat, hindi pa tayo ready sa responsibilities. Hindi pa tayo ready magka anak"
Nag panting ang tenga ko sa sinabi nya, hindi ko matanggap na ganyan ang sagot nya.
" Fuck you Brent, ginawa natin ito, pareho natin gusto ito tapos ngayon, hindi ka pa ready" naiiyak na sabi ko.
" hindi pa alam ng family ko na nagsasama tayo, pine pressure nila ako kay Celine, ang dami kong trabaho sa opisina tapos dadagdag pa ito"
" so, para sa iyo, problema itong pagbubuntis ko. For me, blessings itong baby natin"
" hindi ko sinasabing problema ang pagbubuntis mo" pasinghal na sagot nya
" tang ina eh ano ibig mong sabihin" sigaw ko
" hindi pa ako ready, kailangan ko pang kausapin ang parents ko, si Celine"
Sa sobrang galit ko, sinugod ko sya at pinagbabayo ko ang dibdib nya. Iyak na ako ng iyak, pinigilan nya ang kamay ko siguro nasasaktan na sya, doble ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Tumigil na rin ako dahil nanghihina na ako dahil sa frustrations, sama ng loob. Umupo ako sa sofa at umiyak ng umiyak, umalis naman si Brent at binalibag pa ang pintuan.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, hindi ako makapag isip ng matino. Hindi ko na kaya mag stay dito pero kailangan ko muna asikasuhin ang negosyo ko, paano ako makakauwi sa Cagayan de Oro, nakakahiya sa family ko kung uuwi ako ng buntis at walang ama.
BINABASA MO ANG
It Must Have Been Love - ( on going - updated)
RomanceLaki sa hirap si Samantha Panganiban, lahat gagawin nya makatulong lang sa pamilya nya. Lahat ng klase ng trabaho ay pinasok nya masuportahan lang ang kanyang pag aaral. Nakatapos sya sa kolehiyo at ginamit ang perang naipon nya para maitayo ang mal...