Chapter 10
(Aya's POV)
Dinala ko na si Vincent sa pinaka malapit na Hospital kung san siya nabugbog, di kayo namali ng nabasa si Vincent nga yung lalaking tinulungan ko kanina kahit ako nagulat pero dahil sa sitwasyon niya sinantabi ko muna yung inis ko sa kanya.
Nasa isang kwarto kami dito sa Hospital at obviously ako ang nagbabantay sa kanya 9pm na pero di pa din siya nagigising at di pa din dumarating yung tinawagan ko kanina.
Tumawag kasi ako sa kanila para masabihan yung family niya about sa nangyari kay Vincent ' Nung una di ko alam kung sino ang tatawagan ko dahil wala naman akong alam or kakilala sa Family niya kaya hinalungkat ko na yung cp niya.
Nung makita ko yung telephone number na nakasave sa contacts niya agad ko iyong tinawagan, nagbabakasakali na baka Telephone number iyon ng bahay nila at di naman ako nabigo may sumagot naman na matandang babae kaya sa kanya ko na sinabi ang nangyare kay Vincent.
Sabi ng Doctor nabugbog lang daw talaga ng husto ang katawan ng pasaway na to pero di naman daw niya ikamamatay yun.
Sayang nga eh ' Kung alam ko lang na kulang pa yung bugbog sa kanya dapat tinawag ko ulit yung mga lalaking nambugbog sa kanya para saktan ulit siya ! HAHAHA Pero syempre joke ko lang yun kahit naman asar ako sa taong ito wala naman sa isip kong mamatay siya pero pwede rin naman :D
Ang lakas kasi ng loob makipag suntukan sa 4 na lalaki mag-isa ayan tuloy ang napala.
Tinignan ko naman siya na natutulog lang. Halos galos lahat ng nakuha niya pero naka benda yung kamay niya bukod dun wala na naman atang malala.
Kung titignan mo siya ngayon mukha siyang mabait at napagdiskitahan lang kaya ganyan ang itchura. Gwapo siya di ko yun maitatanggi … Mahahaba ang pilikmata pero singkit, Matangos ang ilong, mapula ang labi kahit may cut ito.
Pero pag gising niya panigurado iba na naman ang tingin ko sa kanya ' isang pasaway, makulit, mayabang, epal at papansin na lalaki.
Napaigtad na lang ako sa pagtingin kay Vincent ng marinig ko na bumukas yung pinto ' At may lumapit agad na matandang babae sa tabi ni Vincent na nagpapanick.
"Diyos mio ' anong nangyare sayo Sir. Vincent, andami mong pasa at galos" pag-aalala ng matandang babae sa gilid ko.
Napansin naman niya ang prensence ko kaya bigla niya kong hinawakan sa aking mga kamay.
"Ihja ikaw ba ang Girlfriend ni Sir.Vincent ?" tanong niya
GIRLFRIEND ? IN HIS DREAMS !
"Ah ' hindi po" sabi ko sabay hatak sa mga kamay ko.
"Ano ka ba niya?" Tanong ulit ng matanda sa akin.
Ano nga ba niya ako? Wala!
"Kaibigan po" sabi ko kahit hindi naman talaga.
"Ikaw ba ang nagdala sa kanya dito?" Tanong ulit nito.
"Opo nakita ko po kasi siya na nasa kalsada walang malay at puro galos kaya dinala ko po siya dito" explain ko.
"Kawawa naman si Sir. Vincent" sabi niya sabay upo sa gilid ng kama ni Vincent kung san ako nakaupo kanina.
"Ano niyo po ba si Vincent?" Tanong ko di naman kasi siya pwedeng mama or lola ni Vincent kasi tinawag niyang Sir si Vincent.
"Isa ako sa mga kasambahay nila" sabi nito.
"Ah ' ganun po ba ! pwede na ho siguro akong umuwi baka ho kasi hinahanap na ko sa amin" paalam ko sa matanda.
BINABASA MO ANG
I Wanna Make You MINE (COMPLETED)
Teen FictionAng kwentong magtuturo nang kahalagahan nang sakripisyo para sa mga taong mahalaga sayo. All Rights Reserved 2014