Chapter 42 - Date

1.8K 33 0
                                    

Chapter 42

(Vincent's POV)

Nagtext na si Aya na nandito na daw siya sa Mall kaya naman sinabi ko na nasa KFC ako at makikita niya agad ako.

Habang hinihintay namin si Aya, pinagsasabihan ko na agad si Lola na maging behave siya at wag masyadong madaldal.

Ang Lola ko kasi kung titignan mo mukhang kontrabida sa isang teleserye pero ang totoo mabait siya at medyo kalog din ' gusto lang naman niya ng atensyon lagi nga niyang sinasabi sa amin na. "Tumanda lang ako at nagsipag-laki naman kayo, kinalimutan niyo na ako. maging masama kayo sa akin at wala kayong mamanahin pag namatay ako" panakot niya lagi sa amin yung mamanahin daw namin sa kanya.

Sa akin naman wala lang yun, siguro iisipin ko lang yun pagdating ko sa edad na 25 years old. Napatayo naman ako bigla sa kinauupuan ko ng matanaw ko na ang napaka-gandang girlfriend ko. Nakita niya rin naman ako at lumapit sa pwesto namin ni Lola.

Nang makalapit doon niya lang napansin si Lola. Niyakap ko agad si Aya, gumanti rin naman siya ng yakap.

"Halatang miss na miss mo ko ah" biro ko pagka-hiwalay namin sa pagka-akap.

"Sira" bulong niya tapos tumingin naman siya kay Lola. "Magandang Hapon po" bati niya sabay bow ng ulo niya.

Si Lola naman tumayo, nagulat na lang ako ng bigla niya kong hampasin ng bag niya.

"Aray ko" daing ko. "para saan ba yun?!" inis kong tanong kay Lola.

Tumawa lang si Aya sa ginawa sa akin ni Lola ... tss sinasaktan na ang boyfriend mo tumatawa ka pa -.-

"Di mo manlang ako ipinakilala. sa girlfriend mo! Buti na lang at magalang siya di katulad mo" sabi ni Lola sabay hampas ulit sa akin. "Ihja ako nga pala si Virginia Buenavista ' Lola ng walang galang na batang ito" sabay turo sa akin ni Lola. marunong kaya akong gumalang!

"Ako naman po si Aya Santos, girlfriend po ng walang galang niyong apo" sabi naman ni Aya tapos nagtawanan na sila.

Nakakuha si Lola ng Kakampi -.-

Sinenyas ni Lola na umupo na kami kaya yun ang ginawa namin.

"I like you Aya ' mukhang may maganda ring nagawa ang apo ko sa tanang buhay niya" sabi ni Lola.

"Salamat po Mrs. Buenavista" sabi ni Aya.

"Lola Virginia na lang ang itawag mo sa akin ' may date daw kayo nitong batang ito, if you don't mind pwede ba akong maging chaperone niyo?!"

"Ayos lang po sa akin Lola"

"Sa akin hindi ay-- ARAY!"

"Di ikaw ang kinaka-usap ko, kung ayaw mo kong makasama sa Date niyo ni Aya ... umalis ka na lang"

"Bakit ako ang aalis? Kami ang magmy date" turo ko sa aming dalawa ni Aya. Ito namang girlfriend ko mukhang natutuwa pa kaming pinapanood.

"Oo nga pero dahil ayaw mo kong kasama, ayoko din kami na pang ng girlfriend mo ang aalis" sabi ni Lola. "Halika na Aya" tapos hinatak na ang girlfriend ko, nagpahatak din naman si Aya -.-

"LA? LOLA!?" sigaw ko.

No choice sinundan ko na lang sila. Si Lola at si Aya kala mo matagal nang magka-kilala sobrang close sa isa't-isa, naka-kapit pa si Lola sa braso ni Aya ... tss ako dapat yan eh -.-

"San ba kayo pupunta?!" tanong ko ng makalapit sa kanila pero pumasok lang sila sa isang clothing line botique.

Pinanood ko na lang sila sa ginagawa nila, tumitingin-tingin lang sila ng mga damit at mukhang nagkaka-sundo na talaga sila.

I Wanna Make You MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon