Chapter 39
(Aya's POV)
Maaga akong nagising, iniwan ko muna si Mama sa kama ' kailangan ko pa kasing linisin yung mga kalat sa salas namin.
Pero inuna ko munang ginawa ay magluto ng almusal para makakain si Mama, wag niyo kong anuhin ' pritong hot dog, bacon, egg, longganisa lang ang kaya kong lutuin. Nang matapos kong magluto sinimulan ko na ang paglilinis.
Tinali ko muna ang buhok ko, para di sagabal tapos kinuha ko na ang walis tambo pati ang dustpan. Inuna kong damputin yung mga display namin na di naman nabasag at pinatong muna sa center table, buti pati tong lamesa di nabasag -.-
Pero di pa ko nakakarami sa paglilinis may narinig naman ako na nagsalita at nakatayo siya sa pintuan namin na gulat na gulat.
"Oh god ' anong nangyari? Pinasok ba kayo ng magnanakaw ha Aya?!"
-_______-
Ganyan na ganyan ang reaksiyon ko kagabi pagkapasok ko dito sa bahay.
"Hindi" maikling sagot ko kay Ryza na pumasok na ng tuluyan dito sa bahay namin, samantalang ako pinagpatuloy ko na lang ang paglilinis.
"Anong nangyari ' bakit nagkaganito ang salas niyo" tanong niya.
"Nag-away sila Mama at Papa"
"WHAT!?"
"O.A" sabi ko.
"Sorry naman ha ' ngayon ko lang kasi nalaman na nag-aaway pala ang mga magulang mo"
Kahit naman ako eh ' nagugulat sa mga nangyayari, katulad nga ng sabi nila Ryza, Brenda at Yassi ang lamang ko daw sa kanila ay ako daw may masaya at buong pamilya. Pero nakalimutan kong ordinaryo pa rin kaming klase ng pamilya nag-aaway din ang mga magulang ko di sila perpekto may nga bagay pa rin na di sila nagkakasundo.
"Hay ' ganun talaga eh, bakit ka nga pala nandito?!" tanong ko tapos tumabi muna ako sa kanya sa sofa.
"Wala" simpleng sabi niya.
"tss" tinignan ko lang siya ng masama.
"ito naman di mabiro, dumaan na ko dito ' may lalakarin kasi ako, pero like i've said dumaan ako dito, para sana yayain ka mamaya sa Zeus Bar, sinabi lang sa akin to ni tita, and guess what?" di ko siya sinagot at tinignan lang siya ng diretcho "Kaasar ka, you're too serious, pero ito na nga, hina-hire niya ang boyfriend mo and boyfriend ko & that mokong na maging regular band performer sa Bar niya diba bongga" sabi niya. "Di pa nila ito alam sayo ko una tong sinabi kasi ikaw ang girlfriend ng vocalist nila, nagtext na rin ako sa buong barkada na pumunta mamaya sa Zeus and pumayag naman sila, pero ikaw i don't think so" sabay libot ng mata niya sa makalat na salas namin.
Tama, napagdesisyunan ko kagabi na magpo-focus muna ako sa pamilya ko. Masaya ako para kay Vincent, pero hindi buo dahil nga problemado pa ko dito sa bahay.
"Ano sasama ka ba?!" nag-aalinlangang tanong niya.
"I'll try"
"Okay ... basta text mo ko ha and wag mo munang sasabihin sa boyfriend mo ang sinabi ko, surprise to" paalala niya, nag nod lang ako tapos umalis na siya.
Kaya pinagpatuloy ko na ulit ang mga ginagawa ko ' ngayon naman pinupulot ko na yung mga platong basag, di ko naman kasi to pwedeng walisin agad, ang lalaki kasi nun kaya dinampot ko na lang.
"Sh*t" daing ko tapos tumakbo agad sa lababo at hinugasan yung daliri kong nasugatan, medyo nalaking hiwa pero malayo sa bituka, pinunasan ko na iyon at nilagyan ng band-aid at nagpatuloy ulit sa paglilinis.
BINABASA MO ANG
I Wanna Make You MINE (COMPLETED)
Teen FictionAng kwentong magtuturo nang kahalagahan nang sakripisyo para sa mga taong mahalaga sayo. All Rights Reserved 2014