Chapter 18 - ♥Best Date Ever♥

2.2K 47 0
                                    

Chapter 18

   (Aya's POV)

  

   Hila-hila pa rin ako ni Vincent ngayon ' ewan ko ba sa taong to bigla-bigla na lang nang hahatak.

  "San ba kasi talaga tayo pupunta?" tanong ko ulit kanina pa ko tanong ng tanong pero ni isang sagot wala akong narinig sa kanya pero katulad nga kanina di rin siya sumagot.

  Pero mamaya-maya lang huminto kami sa tapat ng Rio Grande mahaba-haba yung pila kasi halata mo na ito talaga yung pinaka gustong rides ng mga tao dito.

  "Yan ang una nating sasakyan?" tanong ko.

  Nag nod lang siya sa akin sabay ngiti !

  "Wala tayong extrang clothes"

  "Pwede namang bumili" relax na sabi niya.

  "Kahit na idulo na lang natin yan marami pang rides na pwede nating sakyan" sabi ko tapos hahatakin ko na sana siya para makaalis sa pila pero ayaw niyang magpahila.

  "Bilis na" sabi ko pero ganun pa rin siya. "Bakit ba ayaw mong umalis dito masasakyan din naman natin yan mamaya"

  "Ngayon lang ako makakasakay sa rides na yan" bulong niya.

  "Ha?" tanong ko di ko naman kasi marinig ang hina ng pagkakasabi dami kayang tao dito =.=

  "Sabi ko ngayon lang kasi ako makakasakay sa rides na yan" ulit niya.

  "Seryoso?" tanong ko.

  Tumango lang siya tapos tinignan ako ' mukha namang nagsasabi siya ng totoo pero bakit parang ang lungkot niya !? Ganun ba talaga niya kagustong sumakay dyan?

  Dahil nga gusto niyang makasakay doon na parang bata hinayaan ko na lang siya hanggang sa turn na namin mga magtwo-two hours din kaming nakatayo dun at naghintay pero wapakels na ko dun kasi nga desidido talaga tong lalaki na to na makasakay dun medyo weird diba ?

  ---------

  Pagkatapos namin sumakay dun nakangiti na siya ' buti nga di kami masyadong nabasa pero bumili pa rin kaming T-shirt ng E.K pagkatapos nun nakaramdam na din kami ng gutom kaya kumain muna kami.

   Dahil nga malaki masyado ang E.K di namin mahanap ang mga kaibigan namin kaya nagtext na lang kami kung saan magkikita kita after nito, Pero dahil maaga pa nag try pa kami ng mga rides Like Anchor Away, Space Shuttle, Flying Fiesta, Swan Lake, Wild River, Roller Skater at iba pa kaya inabot kami ng 7pm pass.

  "Di ka pa ba napapagod?" tanong niya kung totousin medyo napapagod na nga ako buti nga kumain kami ng ilang beses kanina kaya ganadong-ganado pa rin ako eh.

  "Pagod ka na ba?" tanong ko naman sa kanya.

  "Di pa naman" sagot niya.

  Natatawa ako kasi kung kanina siya ang parang bata ngayon naman nalipat sa akin. Ewan ko ba basta nag-eenjoy ako ngayon nahawa ata ako sa kanya.

  "Sure ka?" tanong ko ulit.

 

  "Honestly pagod na pero may pupuntahan pa tayo" sabi naman niya mukhang nabuhayan ulit eh.

   Nagpahila na lang ako kasi wala rin naman akong choice nung makarating na kami sa gusto niyang puntahan pumasok agad kami dun.

  "Pagkatapos nito Ferris wheel na tayo okay?" sabi niya.

  "Oo ba" gusto ko din naman kasi talagang sakyan yung Ferris Wheel gusto ko ulit kasing makita ang buong E.K !

  "But now, All we need to do is smile and pose okay!" pahayag niya.

  Tama mag pose nga po! dinala niya lang naman ako sa isang Photo Booth ' Remembrance daw namin kasi wala naman kaming picture sa lahat ng mga nasakyan namin kanina biglaan kasi walang mga dalang camera.

  Naka-8 shots lang kami iba't-ibang pose.

"Oh" abot niya sa akin nung isang picture namin dalawang photo kasi yun, bawat isang photo naka-collage sa apat.

  "Iyo na yan ' ikaw naman ang may gusto niyan eh" sabi ko habang naglalakad kami papuntang Ferris Wheel.

  "Remembrance yan kaya kunin mo para may picture ka kasama ang pogi na to" sabi niya naman sabay pogi sign.

   "Build-up pa more" biro ko sa kanya pero kinuha ko din naman yung picture namin.

  Nung malapit na kami sa pila in-assist na kami nung mga nagbabantay nung Ferris wheel tapos maya-maya lang naramdaman na naming umaandar na nga paakyat.

  Woooooow sobrang ganda talaga lalo na pag gabi dito sa E.K dahil sa mga iba't-ibang kulay ng ilaw. Habang nagsa-sight seeing ako sa kabuuan ng E.K bigla siyang nagsalita kaya napatingin ako sa direksyon niya.

  "Salamat Aya"

  "Para saan?"

  "For this day" sabi niya.

  "Haha bakit ka nagpapasalamat? Don't tell me feeling mo date to?" mapang-asar kong tanong sa kanya.

  "Kung sayo hindi sa akin oo" tapos biglang sumeryoso yung mukha niya.

  Nagbibiro lang naman ako bigla-bigla nagbabago yung mood niya ? Bipolar?

  "Oy joke lang yun" sabi ko sabay sundot sa tagiliran niya.

  Nanahimik siya habang umaandar ng mabagal ang Ferris Wheel.

  "Ito yung pinangako sa akin ni mama" simula niya kaya na curious naman ako sa sinasabi niya.

  "Bago niya kami iniwan kay papa sabi niya dadalhin niya kami ni Kuya dito sa Enchanted Kingdom at isasakay sa pinaka paborito niyang Ride"

  Kung titignan mo si Vincent ngayon napaka-seryoso ng mukha niya alam kong iniwan siya at kuya niya ng mama nila pero pagkasama mo kasi siya parang wala lang sa kanya yun lalo na bata pa lang daw siya nung mangyari yun.

  "Kaya lang di niya na yun nagawa kasi nga iniwanan niya na kami kay papa, sobrang bata pa kami nung iniwan niya kami ... pero di ako nagtanim ng galit sa kanya kahit isang beses kasi nga alam kong nahihirapan na rin siya kay papa alam ko yun kahit sobrang bata pa ko nun" pagkasabi niya nun bigla niyang hinawakan yung kamay ko na kinagulat ko naman.

  "Di ko trny na sakyan yun habang wala si mama pero na realized ko.na di na nga ata talaga siya babalik ... kaya salamat kasi di man si mama ang kasama kong sumakay sa Rio Grande na yun at least ikaw naman! salamat Aya" he said then smiled at me kaya ngumiti na rin ako sa kanya at medyo pinisil ko yung kamay niya na naka-hawak sa akin.

  Ngayon naiintindihan ko na kaya pala una niya agad pinuntahan yung Rio Grande dahil yun yung favorite Ride na gusto ng mama niya.

  Ito yung side na ngayon ko lang nakita kay Vincent, Oo loko-loko siya, mayabang, makulit, pero mahal na mahal niya talaga ang mama niya :)

  "Kung Date nga to" panimula ko "Ito na yung Best Date Ever" pagkasabi ko nun automatic na lumapad yung ngiti niya tapos tingin sa oras.

  "Best Date Ever" pagkasabi niya nun nasa tuktok na kami ng Ferris wheel at bigla na lang lumitaw ang iba't-ibang magagandang ilaw sa langit dahil sa Fireworks.

  Sobrang Ganda :) Tuwing 8pm nagpapaputok dito sa E.K ng mga Fireworks sobrang ganda nung View ^_____^

  Thank you din Vincent :D:D:D:D

  _________________________

AN - Pasensya na sa mga readers ko wala po kasi talaga akong kakilig-kilig sa katawan kaya di ko alam kung paano yung mga sweet moments. pero sana nagustuhan niyo pa din :)

  ShennieCarmatine

I Wanna Make You MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon