Chapter 49
(Vincent's POV)
Habang pinagma-masdan ko siya sa malayo na ngayon ay kasama si Johann, nakikita ko na masaya siya, sa bawat ngiti niya ' sa paghawak ni Johann sa kamay niya at ngayon naman na magka-yakap sila.
Naisipan kong puntahan ang School nila Aya naisipan ko lang sanang daanan yun, sa paaralan kung saan ko gustong magkolehiyo, di dahil sa iba't-ibang dahilan, kung hindi dahil gusto kong makasama at di na malayo pa kay Aya. Pero paalis na ko ng may matanaw ang mga mata ko sa di kalayuan, sa isang coffee shop, nakita ko sila, si Aya at si Johann.
Nung maghiwalay na sila sa pagkaka-yakap di ko na hinintay pa na makalabas si Aya sa coffee shop na yun at umalis na lang ako. Alam kong mahal ako ni Aya, pero sa mga nakita ko ngayon sigurado ako na mas mahal niya si Johann, baka nga sa mga oras na yun nagkaka-linawan na sila na maibalik yung dating sila.
Ayokong si Aya pa mismo ang magsabi ng mga katagang "Sorry Vincent, mahal ko talaga ang pinsan mo, Mahal ko talaga si Johann" iisipin ko pa lang na ganon ang mangyayari, nasasaktan na ko ' nung araw na pumunta si Aya sa Zeus di ko ine-expect na pupunta siya doon, dahil wala rin naman nagsabi sa mga kaibigan namin na darating si Aya ' nung mga oras na yun na nakita niya akong may kahalikan na babae ' gusto ko sanang itulak ang kung sino mang-babae na humahalik sa akin, pero parang may nag-udyok sa isip ko na, -ano naman kung makita niya, sa huli ikaw din ang masasaktan kaya ipakita mo lang sa kanya na wala lang siya para sayo- nang bigla siyang umalis doon ko na lang naitulak yung babae ' siguro pumunta lang siya doon para makita kung okay lang ako para di siya makonsensya kung sakaling piliin niya si Johann kesa sa akin.
Habang nag-iisip ako ' may desisyon na nabuo sa akin. Bakit di ko na nga lang tapusin. Kaya kinuha ko sa bulsa ang cellphone ko at nag-type ng message para sa kanya.
To: AYA
Let's talk tommorow, sa park malapit sa bahay niyo.
-Sent-
------
-Kinabukasan-
(Aya's POV)
Kahapon buong araw lang akong nagmukmok dito sa bahay ' binabantayan ko rin si Mama, kasi kahit anong lipas ng araw di pa rin nagbabago yung kundisyon niya. masyado pa rin siyang nasasaktan sa mga nangyari weeks ago.
Di ko na ulit nakita sila Ryza, di ko na rin sinisilip ang phone ko simula kahapon, dahil wala rin namang importanteng text o tawag akong matatanggap. Kahapon nagkaroon na kami ni Johann ng closure, naintindihan naman niya pero nasasaktan ako kasi nasaktan ko siya, bago ako umalis 4 years ago alam kong sinabi ko na Mahal ko siya pero di ko naman akalain na panghahawakan niya yun at hihintayin pa ko ' pero iba na kasi talaga ngayon si Vincent talaga ang Mahal na Mahal ko. Sobrang ko na siyang na mi-miss, sana ganun din siya ' sana di niya maisipan na sukuan ang relasyon namin.
Dahil ako hanggang ngayon di ako sumusuko kahit pa nakita ko siya na nakikipag-halikan sa ibang babae tatanggapin ko pa rin siya, dahil alam kong may mali rin ako at Mahal na Mahal ko siya.
May narinig akong katok sa pinto namin kaya naman agad-agad akong pumunta sa pinto para pag-buksan kung sino man ang kumakatok. Napansin ko na makulimlim ngayon araw, mukhang uulan.
Pagbukas ko ng pintuan bumungad sa akin sila Ryza, Brenda at Yassi.
"Buhay ka pa pala!" naka-sigaw na sabi sa akin ni Ryza sabay yakap sa akin.
BINABASA MO ANG
I Wanna Make You MINE (COMPLETED)
Подростковая литератураAng kwentong magtuturo nang kahalagahan nang sakripisyo para sa mga taong mahalaga sayo. All Rights Reserved 2014