Chapter 34 - Tagaytay 1

1.8K 37 0
                                    

Chapter 34

(Sky's POV)

Katulad ng napag-usapan kaming mga lalaki ang mag-ggrocery ng mga pagkain at kung ano-ano pang gagamitin namin ng buong isang linggo na pananatili namin dito sa tagaytay.

Kaya andito kami sa bayan, may mini supermarket dito. Nag gogrocery kami ngayon ni Vincent, oo kami lang dahil ' si Kyle at Kiel naman ang namamalengke, ayaw daw kasi ni Vincent sa palengke kaya ayun kami dito sa super market.

Sa totoo lang nae-enjoy ko yung company nila, bukod sa masaya sila kasama may sense din naman silang lahat kausap, ay di pala lahat ' si Kyle pala iba kasi lahat ng sabihin mo sa kanya dinadaan niya sa biro.

"Nagtext si Yassi ' bumili daw tayo ng Baka" sabi ko kay Vincent na ngayon kumukuha ng kung ano-ano.

"Okay" sabi niya tapos kinuha yung phone niya sa bulsa at may dinial, ewan ko kung anong gagawin niya.

Pero maya-maya inabot niya sa akin yung phone niya.

"Si Kyle yan hintayin mong sumagot, mahal kasi kung dito tayo bibili ng Baka, sa palengke mura lang" sabi niya kaya naman kinuha ko yung phone at maya-maya lang may sumagot na sa kabilang linya.

[Oy Pareng Vincent napatawag ka Miss moko agad?] sabi ng nasa kabilang linya.

"Si Sky to ' nagtext kasi sila Yassi bumili daw ng Baka, sabi ni Vincent mas mura daw dyan" sabi ko.

[Ah ' sige-sige brad, kala ko si Vincent hehe] pagkatapos nun binaba niya na at inabot ko naman kay Vincent yung phone niya.

Ang weird talaga ni Kyle, Sa pagkakaalam ko si Kiel lang ang kaedaran ko sa Lalaki, pero kung titignan mo parang magkaka-age lang kami, kasi nga parehong matangkad sila Kyle at Vincent.

"Pinilosopo ka ni Kyle no?" tanong ni Vincent ng di naka-tingin sa akin.

"Ah , oo" nakangiti kong sabi.

"Siraulo talaga yun, wag mo na lang pansinin" sabi niya.

Lahat naman sila friendly, wala nga lang sa itchura, katulad nitong si Vincent parang masungit at walang pakielam kahit kanino pwera lang sa girlfriend niyang si Aya, Si Kyle naman palabiro di makaka-usap ng matino, samantalang si Kiel split personality hindi yung sa sakit ha ' parang pinagsamang Kyle at Vincent lang minsan tahimik at seryoso pero marunong din namang magbiro.

Sa mga babae naman kung titignan mo si Brenda mataray parang mahirap lapitan baka kasi mapahiya ka lang, Si Ryza naman masyadong loud tapos si Aya mukhang palaban pero maganda, sa kanilang magkakaibigan siya ang una mong mapapansin, pero si Yassi naman cute para siyang bata pero di mo kakaasaran yung pagiging isip bata niya.

"Anong flavor kukunin ko?!" tanong ni Vincent, nasa part na kasi kami ng mga Ice cream.

"Iba-iba na lang siguro para may choices sila" suggestion ko.

Sununod naman niya yung sinabi ko at nilagay na sa cart. tig-isang cart kami, yung sa kanya halos puno na, puro ready to eat kasi yung kinuha niya, tapos kumuha rin siya ng ilang sabon tapos snacks. samantalang ako naman ganun din pero mapupuno pa lang.

"Kamusta kayo ni Yassi" tanong niya.

Kahit nagtataka sinagot ko naman siya. "Ayos lang friends kami" sabi ko.

"Friends? di mo ba siya crush or like?" tanong niya ulit.

Actually crush ko si Yassi nung una ko siyang nakita humanga na talaga ako sa pagiging cute niya.

Dahil di ko alam ang isasagot ko ngumiti na lang ako.

"Kala ko kasi nililigawan mo siya, sorry sa tanong ko" sabi niya "Mabait yun kahit isip bata, tingin ko crush ka niya, pero sana wag kang mag take advantage para di siya masaktan" seryoso siya habang sinasabi niya yun.

"Ayos lang don't worry di ako gagawa ng bagay na makakasakit sa kanya" sabi ko. masyado kasi siyang concern.

"Ayoko kasing masaktan si Aya" sabi niya ulit, napansin niya yung pagtataka sa mukha ko kaya nagsalita siya ulit. "pag nasaktan ang isa sa mga kaibigan niya panigurado masasaktan din siya" napatingin na lang ako sa kanya, kaya pala concern siya kasi dahil sa girlfriend niya, kahit mas matanda ako sa kanya feeling ko mas matanda siya sa akin magsalita.

"Haha Natakot ba kita?"

"Hindi naman haha" naka-tawang sabi ko.

"Friends na tayo ha ' wag ka mahiya sa amin" sabi niya nag nod lang ako, tapos inaya niya na ako na bayaran na namin lahat ng kinuha namin.

Nakapila na kami dito sa counter nung bigla siyang magsalita.

"Sky sandali lang ha ' pabantay lang muna nito" sabi niya kaya nag nod lang ako tapos tumakbo na siya.

Nung malapit na ko sa pila, dumating din siya agad tapos may dalang dalawang garapon ng Stick-O.

"Favorite kasi to ni Aya" naka-ngiti niyang sabi, napansin niya siguro na nagtataka ako sa dala niya.

Mukhang mahal na mahal niya si Aya.

-------

(Vincent's POV)

Nasa sasakyan na kaming lahat pabalik sa Rest House nila Yassi, nabili na naman namin lahat ng kakailanganin namin.

Si Kyle naman hinahalungkat lahat ng binili namin ni Sky.

"Oy kanino to? Akin isa ha" sabi niya kaya naman napatingin ako sa hawak niya.

"Hindi pwede balik mo yan" sabi ko habang naka-sandal sa salamin.

"Bakit? kelan ka pa nahilig sa Stick-O Pareng Vincent?!"

"Kay Aya daw yan" sagot naman ni Sky, nasabi ko kasi kung bakit ko yun binili.

"tss ' tig-isa na lang kami tutal dalawa to" sabi niya, tinignan ko lang siya ng masama. "andamot mo, okay lang buburautin ko na lang si Aya mamaya" nakangiti niya sabi, yung mukha niya mukhang may pina-planong kalokohan.

Baliw talaga ' Maya-maya lang nakarating na rin kami mag-gagabi pa lang naman.

Pagbaba namin ng mga binili namin sa lamesa, wala kaming nadatnan na tao.

"Nasan sila?!" tanong ni Kiel.

"Ah ' Yassi ano ba!!!" narinig naming sigaw ni Ryza mula sa likod bahay, kaya naman pumunta kami doon at naabutan namin sila na naghaharutan, pero si Aya nasa tabi ni Manang Lisa na nagpapa-dingas o may niluluto ata, kaya naman lumapit ako kay Aya, samantalang sila Kyle naman pumunta kila Yassi.

Pagkalapit ko ngumiti siya sa akin, tumabi ako sa kanya sa kahoy na upuan, napansin ko naman yung mukha niya.

"Anyare sayo?" tanong ko

"Bakit?" nakakunot noong tanong niya.

"Ang uling ginagamit sa pagluluto, hindi pang make-up" asar ko sa kanya kasi yung pisngi at noo niya may bahid ng uling. Nag make-face naman siya tapos sinubukan na punasan yung mukha niya gamit ang kamay niya, pero pinigilan ko.

"tss may uling din kaya ang kamay mo" sabi ko tapos kinuha ko yung panyo ko sa bulsa at yun ang ginamit kong pampunas sa mukha niya.

"Wala na?!" tanong niya hinalikan ko siya sa tungkil ng ilong niya tapos ngumiti.

"Wala na" sabi ko.

"Hoy mahiya nga kayo kay Manang Lisa na nasa gilid niyo dyan pa kayo naglambingan" sigaw ni Ryza.

Dun lang namin napansin si Manang Lisa na nanonood pala sa amin.

"tss ingat lang kayo" sigaw ni Aya. "pasensya na po" baling naman ni Aya kay Manang Lisa.

"Ano ba kayo ' Ayos lang, ang cute niyo ngang pagmasdan ... bagay na bagay kayong dalawa" sabi ng matanda.

Ngumiti lang ako, ganun din si Aya.

---

Pag dating ng gabi naisipan namin na mamasyal sa plaza pagkatapos naming mag-dinner, sabi kasi ni Mang Tonyo na may perya pag gabi lalo na at bakasyon maraming bakasyonista.

  Pagdating namin sa plaza nagkahiwa-hiwalay na rin kami at syempre si Aya ang ksama ko.

____________________________________

  ShennieCarmatine

I Wanna Make You MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon