Chapter 50
(Ryza's POV)
Iniwan kami ni Aya dito sa bahay nila, dahil nga sa dahilang gustong makipag-usap daw ni Vincent.
Bago umalis si Aya, mapapansin mo talaga ang mga ngiti at excitement sa mukha niya, No doubt Mahal na Mahal niya talaga si Vincent, ang swerte ng lalaki na yun dahil minahal siya ng isang babae na tulad ni Aya.
"So ano pang ginagawa natin dito? di pa ba tayo aalis?!" wala na kasi si Aya na may ari nitong bahay na ito kaya ano pang gagawin namin dito.
"Aalis na ' Let's go" sabi ni Brenda at linisan na nga namin ang bahay ni Aya katulad ng bilin niya sa amin sinarado namin ang bahay nila.
Hanggang sa makarating kami sa kotse ni Brenda, sumakay ako sa passenger seat, si Brenda sa driver seat at si Yassi sa Back seat sinimulan na ni Brenda na i-start ang engine ng sasakyan niya pero biglang nagsalita si Yassi.
"Aalis na ba talaga tayo?!"
"Bakit!? ayaw mo pa bang umuwi!?" tanong ko sa kanya.
"Si Aya? paano si Aya di ba natin siya hihintayin!?"
"Seriously? alam mo ba kung kanino siya makikipag kita Yas?!" Tumango lang siya. "Kay Vincent, ibig sabihin inaayos na nila ang relasyon nila at siguradong maaayos nila yun, kaya bakit pa natin hihintayin si Aya?!" pagtataray ko.
Nag pout lang si Yassi sabay sabing. "Paano kung hindi? edi walang magko-comfort kay Aya?"
"Makulimlim na Yas, baka maabutan pa tayo ng ulan" ayoko naman mabasa dahil lang sa paghihintay sa wala.
"That guy is a jerk what if imbis na magkabalikan sila mauwi pa sa hiwalayan, i agree to Yassi ' i suggest na maghintay lang tayo ng ilang minuto" sabi ni Brenda, di na ko nagsalita pa besides Brenda is the owner of this car wala akong magagawa.
Halos 30 minutes na kami sa kakahintay kay Aya, pero wala pa ding Aya na lumilitaw hanggang sa naabutan na kami ng malakas na ulan.
"Sabi ko na sa inyo eh ' nagkaayos na yung dalawa na yun kaya umuwi na tayo" reklamo ko.
"Give us 5 minutes more!" sabat ni Yassi.
"tss ' ang kukulit niyo, bakit di na lang kasi kayo maniwala sa akin na nagkabalika--"
"Oh god! Si Aya ba yun?!" putol ni Brenda sa sinasabi ko at tumuro sa labas ng kotse niya.
"Si Aya nga!" sigaw namanni Yassi di ko na napigilan na tanawin ang tinuturo nila.
O___________O
What happened to Aya? She looks so pathetic ! Don't get me wrong ha, friend ko siya concern ako sa kanya pero sa itchura niya ngayon parang di na nga niya iniinda ang lakas ng ulan.
"Yassi, meron akong. dalawang payong dyan kunin mo bilis!" utos ni Brenda sinunod naman iyon ni Yassi at nang makuha na namin yun lumabas na kami at sinundo si Aya.
Mukhang di niya kami napansin, nakatulala lang siya at nakatingin sa bahay nila.
"Aya?" malungkot na tawag ni Yassi, lumingon naman si Aya sa amin pero bigla ring yumuko.
Kaya naman mas lumapit pa kami, kahit alam kong basang-basa na siya ng ulan pinayungan ko pa rin siya, ako lang kasi ang walang ka-share sa payong.
"Where's that jerk?!" galit na tanong ni Brenda pero patuloy pa lang din na nakayuko si Aya.
"Ano bang nangyari" naguguluhan na kasi ako, oo buong akala ko magkaka-ayos sila pero mukhang mali ako.
Di na naman iyon pinansin ni Aya pero nung tinawag ulit ni Yassi si Aya sa pangalan niya, inangat niya na rin ang ulo niya at sinalubong ang mga tingin namin.
She's Crying :( We know what is the difference between the rain and tears.
Di ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya di ko na ininda kung basa man siya o hindi, yumakap na rin sa amin sila Brenda at Yassi. Nang maramdaman ni Aya yun doon niya na pinakawalan ang hikbi niya at tuluyan na siyang humagulgol ng iyak at pati kami napa-iyak na din.
Ngayon Naniniwala na akong jerk talaga si Vincent, dahil nagawa niyang mapaiyak ang kaisa-isang matapang na babaeng kilala ko, sinaktan niya ang kaibigan namin, sinaktan niya si Aya.
----
(Aya's POV)
Sinamahan ako ng mga kaibigan ko hanggang sa loob ng bahay namin, tinanong nila ako kung ano ba talaga ang nangyari ' sinabi ko lang na hiwalay na kami at naging kami lang ni Vincent dahil sa isang Dare.
Pagkatapos nun naligo na ako, nakatingin lang ako sa salamin ' yung mata ko nagiging singkit na sa kakaiyak, kailan ba matatapos ito? Syempre kahit anong titig ko sa repleksyon ko sa salamin walang sasagot sa mga tanong ko. Kaya naman naisipan ko nang bumaba at puntahan ang mga kaibigan ko sa salas.
Nagsimula na akong bumaba, pero hindi pa ako nakakalapit masyado narinig ko na ang mga pinag-uusapan nila.
O_____O
"Bakit sinabi pa rin ni Vincent ang about sa Dare? diba napag-usapan natin na hindi na iyon itutuloy?" narinig kong sabi ni Ryza.
Di ko alam ang ire-react ko, pero sa sinabi niya naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko.
"Ewan ko ba, kailangan nating maka-usap sila Kyle about dito" sagot naman ni Yassi.
"Tigilan niyo na yang usapan niyo baka marinig pa tayo ni Aya" saway ni Brenda sa kanila.
Kahit durog na durog na ko, pinahid ko na lang ang mga luha ko at ngumiting bumaba hanggang sa maharap na sila.
"Aya okay ka na ba?" kung hindi ko pa narinig ang pinag-uusapan nila, mata-touch ako sa way ng pagkakasabi ni Yassi kasi makikita mo talagang nag-aalala sila pero ang totoo hindi pala.
Tumango lang ako at ngumiti ng pilit. "Okay na ko. salamat pwede niyo na akong iwan" sabi ko.
"Sigurado ka ba?" si Ryza naman.
"Oo, gusto ko rin sana talagang makapag-isa"
"Sige, mauna na kami ' magpahinga ka na Aya, tawagan. mo na lang kami pag may kailangan ka" bago sila umalis niyakap muna nila ako isa-isa.
Pagkalabas na pagkalabas nila ng pintuan namin, sinarado ko na agad yun at tumakbo sa loob ng kwarto ko, ang nagawa ko na lang ulit ay ang ilabas lahat ng sama ng loob ko sa pag-iyak.
Pinagtulungan nila akong lokohin at saktan ayun ang malinaw sa akin, all this time alam nila ang pagpupustahan na ginawa nila Vincent pero hindi nila naisip na sabihan ako ' may mga hindi pa rin ba akong alam? Wala na ba talaga akong mapapagkatiwalaan.
---
Dumaan ang mga araw na hindi na ako nakikipag-usap sa mga tinuring kong kaibigan, hindi na rin ako lumalabas ' feeling ko kami na lang ni Mama ang magkakampi ngayon ... Kay Mama ko na lang tinuon ang lahat ng atensyon ko, oo hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako pero dahil wala nga akong magagawa pinabayaan ko na lang. Buong akala ko sa pananakit na ng mga kaibigan ko at ni Vincent matatapos ang lahat ng paghihirap ko, pero may mas malala pa palang darating sa buhay ko.
__________________________________
ShennieCarmatine
BINABASA MO ANG
I Wanna Make You MINE (COMPLETED)
Novela JuvenilAng kwentong magtuturo nang kahalagahan nang sakripisyo para sa mga taong mahalaga sayo. All Rights Reserved 2014