Chapter 44
(Brenda's POV)
O___________O
Lahat kami nagulat sa biglaang pag-iyak ni Aya ' di namin inaasahan sa simpleng tanong lang namin na iyak ang una niyang isasagot. Sa aming apat siya ang pinaka-matapang, siya ang walang inaatrasan, di siya bigla iiyak sa mga pagsubok na dumadating sa kanya ... pero sa pagkakataong ito makikita mo talaga yung pain na dinadala niya.
Sobrang laki ata talaga ng problema niya ' sa totoo lang wala akong alam sa nangyayari sa kanya, kasi naman din sila Ryza & Yassi di rin alam, ang alam lang namin nag-aaway ang mga magulang niya yun lang.
"Shhh ' Aya, tahan na" pag-alo sa kanya ni Yassi.
Pinipilit niya yung sarili niya na huminahon at dahil siya si Aya nagawa naman niya, pero iyak na tahimik na lang, kala namin di na siya magkkwento pero pinasya niya na ilabas pa rin lahat ng nararamdaman niya.
"Di ko alam yung nangyayari sa pamilya ko" panimula niya, nakatutok lang kaming lahat sa kanya. "Ang alam ko lang nag-aaway sila Mama at Papa, di ko alam kung anong dahilan kung bakit sila ganun, nung una okay pa, pero nung tumagal nagkakanda-basag na yung mga gamit namin dahil sa pag-aaway nila ' di ko alam kung kanino ko ibibigay yung simpatya ko, kung sino ang kakampihan at aalalayan ko, dahil wala silang dahilan na sinasabi sa akin ... Si Kuya Adrian naabutan ko siyang sinisigawan niya si Mama ... nagalit ako sa kanya dahil sa ginawa niya, first time yun ' sinubukan ko siyang intindihin at tanungin pero nilayasan niya lang kami ... si Papa na hinihintay kong umuwi para maipaliwanag sa akin ang lahat hanggang ngayon wala pa din tapos si Mama" bigla na namang tumulo yung luha niya at di na niya napigilan tinakpan niya na gamit ang mga kamay niya sa mukha.
Sobrang mahal ni Aya ang parents niya kaya alam naming sobrang nasasaktan na siya.
"T-tinanong k-ko siya, p-pero i-yak lang yung naisagot niya sa akin .... nasa-nasasaktan ako sa nakikita ko kay Mama ... sa bawat pag-iyak niya doble yung sakit na nararamdaman ko ... kaya nag-focus muna ako sa kanya kasi a-alam kung k-kailangan ... niya ko"
Siguro kung ako si Aya ' di ko na alam anfmg gagawin ko, dahilan gulong gulo na siya ... nasasaktan siya sa di malamang dahilan, sa di malamang pinagmulan ng pagkaka-gulo ng pamilya niya.
Mahirap naman talagang makita ang mga masasayang bagay noon nagkaka-watak watak na ngayon ang malala pa kahit ikaw mismo walang idea sa nangyayari ' di niya alam kung ano ang maitutulong niya sa problemang di naman niya talaga alam.
----
(Ryza's POV)
Ayokong maawa kay Aya, pero yun talaga ang nararamdaman ko sa kanya ngayon.
"Oh ' anong meron" napatingin kami s bagong dating na si Sky. "Bakit kayo nag-iiyakan?!" tanong niya.
Umayos naman ng upo si Aya at nagpunas ng luha sabay ngumiti.
Paano niya nagagawang ngumiti ' despite sa lahat ng pinagdadaanan niya !?!?
"May napanood kasi kaming movie nakaka-iyak, pinagkkwentuhan namin yun at ito naiyak na naman kami Haha" dahilan niya.
"Ganun ba" nagkibit-balikat na lang si Sky at umupo na sa tabi ni Yassi.
"Ba't ang tagal mo sa Cr?!" tanong ni Yassi.
"Tumawag kasi si Mama, tinatanong kung anong oras ako uuwi" tss Mama's Boy -.-
"Ah"
Hanggang sa matapos na ulit sila Kiel tumugtog lumapit sila sa amin at nakipag-kwentuhan ulit.
BINABASA MO ANG
I Wanna Make You MINE (COMPLETED)
Novela JuvenilAng kwentong magtuturo nang kahalagahan nang sakripisyo para sa mga taong mahalaga sayo. All Rights Reserved 2014