Chapter 41 - Chaperone

1.8K 30 0
                                    

Chapter 41

  (Vincent's POV)

Maaga akong nagising ngayon kahit na naka-inom ako kagabi ' nagkasiyahan din kasi kahit paano dahil nga simula ngayon regular na tutugtog kami sa Zeus Bar.

Pero sabi nga ni Tita Cristy, Tita ni Ryza ' M.W.S.S lang ang mga araw na tutugtog kami at ganun pa rin ang oras 9:30-2am may break naman yun kaya okay na rin at maganda rin ang sahod.

Medyo nag-aalala pa rin ako kay Aya, kasi hanggang ngayon di pa rin siya tumatawag o nagte-text ' simula kasi na sinabi ni Ryza na umalis daw ang buong pamilya nila Aya di na ko nangulit pa at hinayaan na lang siya kasi alam ko tatawag o magte-text din siya ngayong araw pero mukhang mali ako.

Lumabas ako ng kwarto na dala ang cellphone ko. Habang na-bbreakfast kami di ko din maiwasan na di sumulyap sa cellphone ko nakatabi ng plato ko.

"Hoy tigilan mo nga yan" sabi ni Kuya Vlad.

"Ang alin? Ang pagkain ko?" tanong ko sa kanya. Bakit siya ba bumili ng mga pagkain dito sa bahay at pati pagkain ko pinagba-bawal -.-

"tss ' Sira yung pag tingin mo dyan sa cellphone ko" suway niya.

"Ang dami mong napapansin"

"The way you look at your phone! it's kinda annoying" singit naman ni Kuya Johann.

"Wag niyo ko pansinin kumain lang kayo" sabi ko.

Pero bigla-bigla naman tumunog yung phone ko, sa pagkataranta ko para lang masagot yung tawag di ko namalayan yun baso ng tubig sa tabi nito.

SPLASSHH !

"Sh*t.Sh*t" napatayo ako bigla sabay kuha sa phone ko na natapunan ng tubig, pinunasan ko ito agad.

"Buti nga sayo" bulong ni Kuya Vlad na narinig ko naman.

Tinignan ko lang siya ng masama at tinuon na ulit ang pansin sa cellphone ko na hindi pa rin tumitigil sa pagtunog.

Kahit di ko pa nakikita ang caller sinagot ko ito agad.

"Aya!" masigla kong sabi.

[Aya?! Sino yun?]

-_____________-

"Bakit po?!" walang ganang sagot ko sa kabilang linya.

[Sino yung Aya girlfriend mo?!] tanong ulit ni Lola.

Oo, si Lola Virginia nga yung tumatawag ' di ko ikakailang ma dissapoint ako, nagmadali pa man din akong sagutin yung tawag sa pag-aakalang si Aya na yun pero Failed ✘✘✘ !

"Wala po yun ' Bakit po ba?!" naiirita kong tanong

[Kayo talaga mga nagsisi binata't na kayo lahat di pa rin kayo marunong magpakilala ng mga girlfriends niyo!!!] nilayo ko ng konti yung cellphone sa tenga ko kasi naririnig ko na naman ang sermon na may kasamang sigaw ni lola, nung marinig kong mahina na doon ko na lang ulit ito ibinalik. [Oo nga pala ' mukhang nakalimutan mo na pupuntahan mo ko dito sa Mansion kaya ipinapa-alala ko lang sayo, pero thia time agahan mo imbis na 12noon. pumunta ka dito ng 10:30 ... meron ka pang 45mins. para maligo at byumahe naiintindihan mo?!]

"La ang aga naman nun tsaka di ba pwedeng next time na lang busy ka--"

[Di pwede next time ' busy-busy ka pa nalalaman, matanda lang ako pero alam ko pang anong month ngayon ' April at bakasyon anong sinasabi mong busy ka ... basta pupunta ka dito ngayon at sasamahan mo ko buong araw kung hindi ka pupunta ... ako ang pipili ng papasukan mong eskwelahan sa college at wala kang magagawa doon ' understood?!] naka-sigaw niyang sabi.

I Wanna Make You MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon