Chapter 29
(Vincent's POV)
Mukhang galit nga talaga sa akin si Aya, nagiging masungit na naman siya katulad ng dati.
Dahil nga umalis na si Aya, sumama na lang ako kila Kyle, kasama din namin sila Yassi.
Nandito kami ngayon sa Mall maglalakwatsa lang daw sila kaya sumama na ako.
"Si Aya, di talaga sumama?" maya-mayang tanong ni Kiel.
Kaya napatingin naman kaming lahat sa kaniya.
"Di talaga sasama yun, kasama si Vincent eh!" walang kaabog-abog na sabi ni Ryza.
So galit nga talaga sa akin si Aya -.-
"Bakit magka-away kayo Pareng Vincent?!" nagtatakang tanong naman ni Kyle.
Di ako sumagot at nagpatuloy lang sa paglalakad actually kahit ako di ko alam, kaya anong isasagot ko.
"Yeah ' magka-away sila" walang ganang sabi ni Brenda.
"Wag na nga nating pag-usapan si Ayababes problema na ni Vincent yan"
Kaya napag-desisyonan kung iwan na lang sila sa Mall at puntahan ang Girlfriend ko sa bahay nila. Kailangag magka-ayos kami ni Aya.
----
(Aya's POV)
Nandito na ko sa bahay, kanina pa pero ito ako ngayon bored na bored na ... wala naman kasi talaga akong gagawin, ayaw ko lang makasama ngayon si Vincent.
Kasi naiisip ko yung sinabi sa akin ng mga kaibigan ko na, nagbabago na ako at dahil yun kay Vincent na wala namang pakielam sa mga efforts ko.
Naiinis ako, siya yung kauna-unahang lalaki na nasobrahan ko ng effort at sa di ko malamang dahilan di naka-appreciate.
Nakikinig lang ako ng music dito sa tapat ng bahay namin nakasaksak lang sa dalawang tenga ko ang earphone ko at nakasandal lang sa sandalan ng upuan ko, kahit gabi na, wala pa rin kasi sila kuya at mama.
Si papa di ko na inaasahan na umuwi ng Maaga dahil minsan nga di siya umuuwi, ewan ko ba doon kaya bothered pa rin ako sa kanila ni Mama dahil hanggang ngayon di ko pa din alam ang cause ng pinag-awayan nila.
Sa sobrang ganda nung music naisipan kong pumikit muna, para kahit paano maka-idlip ako at matanggal ang stress ko.
Pero Habang nakikinig ng music, napansin ko na parang may naka-tingin sa akin, kaya naman napag-pasyahan ko ng idilat ang mga mata ko.
=__=
At di nga ako nagkamali may nakatayo sa harap ko at tinititigan ako, kaya agad akong pumasok sa loob ng bahay namin at naramdaman ko naman ang pagsunod niya.
"Mahal ko?!" tawag niya, tama si Vincent lang naman ang taong nakita ko pagdilat ko.
Huminto ako at tinignan siya. "Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko.
"Binibisita ko yung Girlfriend ko" sabi niya.
Girlfriend Aha!!!
"Marami akong ginagawa kaya umuwi ka na" sabi ko at naglakad na sa pinto para hintayin na lumabas siya.
Sinundan niya ulit ako at humarap sa akin ng seryoso "Marami kang ginagawa? Tulad ng ano? pag-tambay sa tapat ng bahay niyo? o ang pakikinig ng music? baka sabay?" sarkastiko niyang tanong.
Aba siya pa may ganang magalit!? pupunta-punta siya dito ano? para magalit din?!
Nakatingala lang ako sa kanya, dahil nga sa matangkad siya at nakikipagtitigan siya sa akin. Di ko siya uurungan lalo na't naiinis pa rin ako sa kanya.
"Umuwi kana" seryosong sabi ko.
"Mahal ko, galit kaba?"
Hindi Vincent natutuwa ako sayo, sobra nga eh ' sa sobrang tuwa di ko naman alam kung saan pa ilalagay ang katuwaan ko sayo!
"Hindi" sagot ko.
"Ano nagtatampo?" confused niyang tanong.
Naasar ako lalo sa pinapakita niya dahil feeling ko sa aming dalawa ako pa ang may kasalanan.
"Ewan ko sayo Vince umuwi kana!"
"Di ako uuwi kung di tayo nagkaka-ayos at sh*t lang kasi di ko alam ang kinaka-galit mo!" medyo pasigaw niyang sabi.
-___-
Wala na napuno na ko !!!
"Kaya nga umuwi ka muna sa inyo at isipin mo kung bakit ako nagagalit sayo!!!" pasigaw ko ding sabi.
Tinitigan niya lang ako at ayun umalis na. Bwisit ' siya pa ang may ganang magmura at manigaw !!!
Ngayon ko lang narealized na mahirap pala talagang magkaroon ng Boyfriend!
-----
(Vincent's POV)
Umalis na ko kila Aya at kakarating ko lang din dito sa bahay namin, mukhang mas nagalit siya sa akin ngayon dahil sumigaw na siya.
Alam ko naman talaga kung anong kinaka-galit niya, 'pero di ko lang talaga alam kung bakit mas gusto ko pa na siya mismo magsabi ng mali ko.
Nasanay kasi ako na nagta-tampo siya pero sinasabi niya din kung bakit, pero iba kasi ngayon di lang kasi ito tampo, cause now She's Mad.
Akala ko pag pumunta ako sa kanila maaayos ko pero di pala, dahil mas lalo lang kaming nag-away! Tingin ko kailangan ko ng konting gimik para magka-ayos kami ng Mahal ko at Kailangan ko ng konting kalokohan ng mga kaibigan ko.
______________________________
ShennieCarmatine
BINABASA MO ANG
I Wanna Make You MINE (COMPLETED)
Novela JuvenilAng kwentong magtuturo nang kahalagahan nang sakripisyo para sa mga taong mahalaga sayo. All Rights Reserved 2014