EPILOUGE
"That's a wrap" sigaw ng photographer na nasa harapan ko.
Di ko na sila pinansin at dumiretcho na ako papunta sa Dressing Room ko.
As usual nakaka-pagod na araw. sa halos limang taon nasanay na ako na ganito na lang lagi ang ginagawa ko. pagod ang dulot pero pag wala naman hinahanap-hanap na ng katawan ko.
BUGSSHH !
"WHAT THE F*CK" sigaw ko sa staff na nasa harapan ko.
"Sorry Ms. De Veyra, I didn't mean it ... I'm really sorry!" hinging patawad niya.
Malapit na ako sa dressing room ko ng bigla siyang lumitaw sa harap ko at may hawak siya na isang tray ng juices and the next thing i know ... ang lagkit ko na dahil sa katangahan niya.
"tss ' Stupid Clumsy ... Get out of my way!!!" tulak ko sa kanya.
Bakit pati sa New York nagkalat ang mga stupid na tao? tss ang Boba niya ang mahal pa naman ng damit ko, hindi ito gastos ng company nila, sariling pera ko ang pinambili ko dito! Bwiset -___-
Binuksan ko na ang pinto ng dressing room ko at agad na lumapit sa harap ng salamin para kumuha ng tissue pampunas sa damit ko.
"That bitch" bulong ko sa sarili ko.
"Highblood as always" bigla ko na lang naramdaman na may yumakap sa akin galing sa likod ko.
That voice, that smell, that feeling ... siya lang talaga ang nakaka-alis ng stress ko.
"Hey? kanina ka pa ba dyan" tanong ko sabay humarap na sa kanya para makaganti rin ako ng yakap.
"A couple of minutes, anong nangyari sa dress mo" naramdaman niya rin siguro ang pagka-basa nito dahil nakadikit pa rin siya sa akin.
"Stupid staff! " maikli kong sagot, gets na naman niya iyon.
"Kaya ka highblood?" tumango lang ako at humiwalay na sa pagkakayakap sa kanya."Don't stress yourself about that staff ... are you free tonight?!"
"Yeah, I think so! Why?!"
"Let's have a date, magbihis ka na hihintayin kita sa labas"
"Bu-" di na ko naka-tanggi dahil inangkin niya na ang mga labi ko, pero saglit lang iyon at lumabas na siya.
5 years na akong nasa industry at ganun na din katagal ko siyang kasama, siya lang ang umintindi sa akin sa loob ng mahabang panahon, alam niya lahat ng pinagdaanan ko, pero di niya pa rin ako iniwan at baka di ko na talaga makaya pa kung siya naman ang mawawala sa akin.
Napangiti na lang ako ng makalabas siya, sinimulan ko na ang pag-aayos sa sarili ko, nagpalit na rin ako ng damit at nang makita ko sa salamin na okay na ako balak ko na sanang lumabas ng kwarto pero biglang bumukas ito at iniluwa nun si Violet manager slash kaibigan ko.
"Bihis na bihis ka ha!" sabi niya ng makalapit na sa akin.
"Why are you here? I thought I'm free tonight?" tanong ko.
"Yeah, you're free ' gusto ko lang sabihin na tumawag ang Tita Anna mo bisitahin mo naman daw siya"
Tss anong gagawin ko dun, makaka-istorbo lang ako sa kanila ng asawa niya.
"Okay!" sagot ko na lang.
"Sige, i need to go" sabi niya at tinahak na ang palabas ng pinto pero maya-maya ay huminto siya at lumingon sa direksyon ko. "Do i need to tell you that you're so gorgeous tonight?!" naka-ngisi niyang sabi.
"No need, 'cause i know that already and correction not just tonight because I'm always gorgeous!" pagyayabang ko.
"Yeah-yeah, goodluck sa date niyo ni Gray!" nawala na siya ng tuluyan sa paningin ko.
Tinignan ko pa ng huling beses ang repleksyon ko sa salamin at napag-desisyunan ko ng lumabas.
Sa bawat nadadaanan ko, puri ng mga tao ang inaabot ko ' actually sanay na ko sa compliments nila sa akin kaya ngiti na lang ang isinasagot ko.
Sa di kalayuan natanaw ko na si Gray na nakatayo sa kotse niya, I'm one of the luckiest girl in town dahil nasa akin ang napaka-gwapong nilalang na nag-ngangalang Gray Yamsuan. Sa paglapit ko sa kanya di ko maiwasan na purihin siya. Napansin naman niya ang presensya ko at agad na rumehistro ang mga ngiti sa kanyang labi.
Nang tuluyan na akong makalapit hinapit niya ang bewang ko papalapit sa kanya at bumulong.
"I love you!" napangiti na lang ako doon at humiwalay na sa tabi niya, lumipat ako sa kabilang side ng kotse at sasakay na sana kami sa kotse ng may biglang tumawag sa pangalan ko.
"ARIANA DE VEYRA!"
^__________________^
____________________________________
A/N - Pagpasensyahan niyo na po ako, di po kasi ako fluent sa english kaya taglish na lang ha xD
Basahin niyo po sana ang Author-Authoran's Note ko para masagot ang mga katanungan niyo kung meron man haha ... tnx :D
ShennieCarmatine
BINABASA MO ANG
I Wanna Make You MINE (COMPLETED)
JugendliteraturAng kwentong magtuturo nang kahalagahan nang sakripisyo para sa mga taong mahalaga sayo. All Rights Reserved 2014