Chapter 22
(Aya's POV)
Nandito kami ngayon sa bahay nila Vincent nakaupo sa sofa nila ... dahil gusto niya akong ipakilala sa Kuya at pinsan niya daw kasi gusto niya daw na mga kuya niya ang unang makaalam na may Girl Friend na siya.
Sinagot ko na siya kanina sa Mall hindi dahil sa Napilitan lang ako ... sasagutin ko na din naman talaga siya kaya lang napaaga ng di ko inaasahan. May pa tampo-tampo pa kasing nalalaman tong lalaki na ito eh -.-
"Sir merienda muna kayo" sabi ng matandang babae na nasa harap namin, katulong nila Vincent.
"Salamat manang rosa, nga pala sila kuya andiyan na ba?" - Vincent.
"Wala pa sir ' siguro nasa school pa nila, diba ikaw yung nagdala kay sir vincent noon sa hospital?" baling naman sa akin ni Manag Rosa.
Kahit may edad na siya matandain pa rin siya dahil natandaan niya pa ako.
"Ah opo" sagot ko.
"Saglit lang ha" paalam ni Vincent tapos pumunta ata sa kwarto niya.
Si Manang Rosa naman habang nasa kwarto si Vincent ine.entertain ako ' kahit medyo madaldal siya natutuwa ako sa kanya wala na kasi akong mga lola parehong nanay nila Mama at Papa di ko na naabutan.
"Bakit ka nga pala napadalaw dito ihja"
"Ah sinama lang po ako dito ni Vincent ' Aya na lang po" sabi ko.
"Ang ganda mo talagang bata at mukhang mabait pa" papuri na naman niya.
"Ay salamat po"
"Kaibigan ka ni sir vincent diba?"
"Girl Friend ko na siya Manang" singit naman ni Vincent habang pababa ng hagdan ... epal talaga to pero natutuwa ako kasi proud talaga siya sa akin ^.^
Lumapit siya sa akin tapos inakbayan ako kaya kinurot ko naman siya, nakakahiya kasi kay Manang Rosa baka isipin niya PDA kami masyado.
"Nakaka-tuwa kayong tignan ... sabi ko na nga bat magiging kayo rin eh" pahaag nito na tila kinikilig pa.
"Aba syempre manang ... Dito ka na mag dinner ha?" - Vincent
"Oo nga ihja marami akong niluto ngayon" sabat naman ni Manang Rosa.
"Sorry po, di po ako pwede next time na lang ho"
"Ay ganun ba sayang naman" sabi ni Manang Rosa at tumayo na papuntang kusina ata.
"Bakit di ka ba pwede?" tanong naman sa akin ni Vince.
"Diba nga uuwi sila papa ngayon ng maaga para makasama namin siya sa dinner" paliwanag ko.
Minsan kasi inuumaga na si papa galing trabaho ' marami daw ginagawa kaya minsan na lang namin siya makasama.
"Oo nga pala" nalungkot naman na sabi ni Vincent.
"Paawa effect next time na lang okay?"
"May magagawa pa ba ako"
"Wala haha ' Teka Vince anong oras na din matagal pa ba yung mga kuya mo?" anong oras na kasi balak ko pa naman sanang tulungan si mama sa pagluluto ng dinner namin kahit di ako marunong magluto tsaka mukhang matatagalan pa kasi yung kuya at pinsan niya.
"Sige hatid na kita ' mukhang matatagalan pa nga sila" Kaya tumayo na kami at nagpaalam muna kay Manang Rosa at nagsabi siya na sana makadalaw daw ulit ako.
Paglabas namin ng gate nila meron na agad doon na masasakyan.
"Ihahatid na kita"
"Wag na anong oras na din ' kumain ka na lang at magpahinga na"
BINABASA MO ANG
I Wanna Make You MINE (COMPLETED)
Fiksi RemajaAng kwentong magtuturo nang kahalagahan nang sakripisyo para sa mga taong mahalaga sayo. All Rights Reserved 2014