Chapter 32 - 7/11

2.1K 41 0
                                    

Chapter 32

(Johann's POV)

"Kumain ka muna Sir Vincent" napatingin ako kay Vincent na mukhang paalis na naman. Lagi kasi siyang nasa galaan, sa aming tatlo ni Vlad at Vincent ... Si Vincent lagi ang Happy Go Lucky ' naibibigay kasi lahat ng gusto, di naman sa sinasabi ko na di naibibigay yung gusto namin, pero mas kasi yung kay Vincent lalo na paborito siya ng lola namin.

Ilang araw na rin ang lumipas simula ng naka-Graduate siya sa High School ' pero di pa rin namin nakukumpirma ang hinala namin ni Vlad.

Kaya naman ' kinuha ko agad ang susi ng kotse ko sa kwarto at lumabas, naabutan ko naman si Vincent na pasakay pa lang sa Motor niya. Kaya sumakay din agad ako sa kotse ko para sundan siya.

Siguro ngayon na yung araw na dapat makumpirma ko kung tama ang hinala namin na yung Aya na Girlfriend niya ay ang Ariana ko.

Kahit sinabihan ako ni Vlad na magkasama naming aalamin ang totoo, di ko na siya hinintay wala naman kasi siya ngayon at sayang naman ang pagkakataon.

Sa Rutang tinatahak ni Vincent tingin ko papunta to sa Mall at sigurado ako na kasama niya ngayon yung Girlfriend niya.

At di nga ako nagkamali dahil nasa Parking lot na kami ng Mall.

Sinundan ko na lang si Vincent sa paglalakad niya at sinigurado ko na di niya ako mapapansin, alam kong mali itong ginagawa ko pero ito lang kasi yung way para mapatunayan ko na si Ariana nga ang Girlfriend ni Vincent, naisip ko na din na kung si Ariana mga yun, babawiin ko siya kay Vincent tutal nauna siyang naging akin.

Huminto si Vincent sa tapat ng isang Botique ng mga damit pero di siya pumasok.

"Anong ginagawa niya dyan?" bulong ko sa sarili ko.

Pero maya-maya lang may lumabas na babae at kumapit agad sa braso ni Vincent.

Teka Ayan ba yung Aya na Girlfriend niya? Di siya si Ariana, kelan ko lang ulit nakita si Ariana kaya sigurado ako na di siya yan.

Ang babaeng kasama ni Vincent ngayon ay parang Bata, cute siya pero parang isip bata.

May pinag-uusapan sila at nakangiti lang silang dalawa. So mali yung akala namin ni Vlad about sa girlfriend ni Vincent.

Dahil sa nakita ko na ang Girlfriend ni Vincent naisipan ko nang umalis dun at umuwi na lang.

Saan ba talaga kita mahahanap Ariana Santos =.= !??!

-----

(Vincent's POV)

Nagtext sa akin ang Mahal ko na pumunta raw ako sa Shop ng mama niya dahil andoon din daw ang buong barkada.

Kaya agad naman akong pumunta doon. Pagkarating ko sa Mall sa shop nila Aya. Nakita ko agad sila sa loob kasama sila Kyle, Kiel, Ryza, Brenda, Yassi at syempre ang Girlfriend ko na nagkakatuwaan.

Papasok na sana ako ng biglang lumapit sa akin si Yassi at kumapit pa sa braso ko.

"Bakit?" tanong ko.

"Yang Girlfriend mo inaaway ako!" pagsusumbong niya sa akin.

Sa akin pa siya nagsumbong ' kahit naman ako walang magagawa.

"Kahit ako takot sa kanya, kaya parehas tayong walang magagawa" naka-ngiting sabi ko.

"Oo nga pala ' under ka pala kay Aya" pagkasabi nun ni Yassi nagtawanan na silang lahat.

Lumapit naman sa amin si Aya at kumapit naman sa isang braso ko.

"Di kita inaaway Yas, sabi ko lang tawagan mo yung crush mong si Sky para di ka lonely" asar sa kanya ni Aya.

I Wanna Make You MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon