Chapter 23
(Aya's POV)
"Aya is it true?!" biglaang tanong ni Brenda.
Nasa cafeteria kami ngayon at kumakain, malamang break time ' tingin ko naman alam ko na yung itinatanong ni Brenda pero syempre nagtanong pa din ako.
"Na?!" nagtatakang tanong ko.
"that You & Vincent now in a relationship?!"
"What?!"
"When?!"
Sabay na sabi naman nung dalawa, kung maka-react di pa nga ako nakakasagot eh. Kaya kumain na lang ako at di sumagot na kinainis naman nila.
"Hey, what now?!" naaasar na tanong ni Brenda.
"Paano ako sasagot wala pa man din ang dami ng tanong nitong dalawa" turo ko kila Ryza & Yassi.
"you to shut up, okay continue" baling sa akin ni Brenda.
"Okay, isang beses ko lang tong sasabihin, wala ng magtatanong after this" tumango naman sila bilang response "Kahapon lang naging kami, sa mall ko siya sinagot" pagkatapos kong sabihin yun pinagpatuloy ko na ang pagkain.
"Wai--"
"Sabi ko wala ng magtatanong"
"Ito last na to?" tinignan ko lang siya "Paano na yung First Love mo & are you inlove with him? i mean with Vincent? parang masyadong mabilis?" sunod-sunod na tanong ni Ryza.
Ang tagal kong tumahimik sa tanong niya, ano nga bang isasagot ko? masyado nga lang ba akong nagmadali?
"Ewan ko?!" sagot ko yung mga mukha nila naging ganto ⇨ O.O
"See, 2 words lang Aya ang maisasagot mo sa tanong ko, kaya how come na sinagot mo siya agad!"
"Oo ewan ko! Sa First Love ko? 4 years ago na yun, past ko na siya, oo mahal ko pa rin siya, pero imposible na, Di ko alam kung mahal ko si Vincent ... siguro gusto ko lang siya at masyadong mabilis pero anong magagawa ko, pag di siya nagpaparamdam sa akin naaasar ako, pag di ko siya nakikita hinahanap-hanap ko naman siya, pag nagagalit siya sa akin feeling ko galit na rin ako sa sarili ko at natataranta ako kasi di ko alam paano kami magbabati ... mukha bang nagmadali pang talaga ako?!"
Pero di sila umimik at sinimulan na ulit ang pagkain, Seryoso? sa dami ng sinabi ko wala manlang silang sinabi -.-
"Hoy ano na?!"
"Anong ano na?" inosenteng tanong ni Yassi.
"Mukha ba akong nagmadali lang?"
"No" sagot ni Yassi
"I think, you know what you're doing" sabi naman ni Brenda.
"Goodluck :) I'm satisfied!" kumento naman ni Ryza.
Yun lang? Hay ewan -.-
Sinimulan ko na ulit ang pagkain ko pero maya-maya lang may nakakuha ng atensyon ko.
"That jerk" bulong ko.
"Ha?!" tanong ni Ryza.
"Wala, excuse lang sandali ha" sabi ko sa kanila di ko na sila hinyaan makasagot pa at tuloy-tuloy ng naglakad papunta sa hambog na lalaking yun.
Pagkalapit ko sa kanya di niya agad ako napansin kaya naman hinarangan ko yung dinadaanan niya.
"Why?!" Nagtatakang sabi niya.
BINABASA MO ANG
I Wanna Make You MINE (COMPLETED)
Teen FictionAng kwentong magtuturo nang kahalagahan nang sakripisyo para sa mga taong mahalaga sayo. All Rights Reserved 2014