Chapter 46
(Aya's POV)
Pagka-gising ko sobrang bigat pa rin ng mga mata ko sa kakaiyak kagabi, hinatid ako ni Yassi dito at di ko naisipan pang silipin si Mama, kasi baka di ko mapigilan at maiyak ako sa harapan niya.
Ayokong ipaalam sa kanya na alam ko na, kasi panigurado mag-aalala siya.
"Rise and Shine Aya!" sigaw ko habang nag-uunat ng dalawang kamay ko.
Lumabas na ko sa kwarto at naabutan ko si Mama na nagka-kape, kaya bago lumapit sinubukan ko talagang ngumiti.
"Good Morning Ma!" masigla kong bati kay Mama sabay yakap sa kanya.
"Mukhang maganda ang gising mo ha!" biro niya sa akin.
Ngumiti lang ako at nagsimula ng kumain. Gusto kong alisin muna sa isipan ko lahat ng problema, kasi baka pag inisip ko pa ito ng inisip mabaliw na ko.
Habang kumakain kami ni Mama, narinig na lang namin ang pagkatok sa pinto. Tatayo na sana ako para pagbuksan kung sino man ang kumakatok.
"Ako na ' kumain ka lang dyan" sabi ni Mama kaya hinayaan ko lang siya.
"Thank you" yung lang yung narinig ko tapos pumunta na si Mama dito sa harap ko.
"Ano yun Ma?!"
"Delivery daw" tapos inaabot niya sa akin yung rectangle na box.
"Sa akin!?"
"Oo Aya Santos daw eh!" nagkibit balikat lang ako at kinuha na yung box, dahil halata din kay Mama na-excited din siya sa kung anong laman nun kaya naman binuksan ko na yun.
O__________O
Wow !?!?
"Wow anak, ang ganda naman niyan!?" naka-ngiting sabi ni Mama.
"Sigurado po ba kayong sa pangalan ko naka-deliver ito Ma?!" nagtatakang tanong ko.
"Oo nakita ko yung pangalan mo eh."
"Kanino po galing?!"
"Ewan, tsaka bakit ka nga pala bibigyan ng ganyang damit anong okasyon?!" Oo damit yung naka-lagay doon sa box isa siyang Long gown dress, isang conservative and at the same time sexy dress.
Teka ano nga ba?!
"Ano po ba ngayon!?" tanong ko kay Mama.
"Saturday ngayon"
Saturday?! Oo nga pala bukas ang Party ng pinsan ni Vincent. Baka kay Vincent galing ito?!
"Wait lang Ma. Ha" paalam ko at dinial na ang number ni Vincent.
"Anak may card oh" agad ko namang binaba yung tawag ko habang di pa sinasagot ni Vincent at kinuha yung Card kay Mama.
Aya My Dear :)
Sana nagustuhan mo yung damit ' gusto kasi ni Vincent na yan ang suotin mo bukas, pero sabi niya di ka daw mahilig sa ganyang damit ' pero i hope you will use it tommorow, see you tommorow young lady ^.^
-- Lola Virginia :D
---
Pagka-basa ko nu, napangiti na lang ako ' si Lola pala ni Vincent ang nagpadala nito.
"Anak kanino galing?!" tanong ni Mama.
"Sa Lola po ni Vincent, Birthday po kasi ng pinsan ni Vincent bukas." paliwanag ko.
Tumango-tango na lang si Mama at pumunta na sa salas, ako naman umakyat na sa taas.
Mahal Ko Calling ...
BINABASA MO ANG
I Wanna Make You MINE (COMPLETED)
Fiksi RemajaAng kwentong magtuturo nang kahalagahan nang sakripisyo para sa mga taong mahalaga sayo. All Rights Reserved 2014