Chapter 48 - Hi's Point Of View

2K 35 0
                                    

  Chapter 48

       (Hi's POV)

  "I'm so proud of you son" naka-ngiting bungad sa akin ni Mommy.

  May bago na naman kasi akong cover sa isang magazine dito sa New York City. 14 years old pa lang ako nagsimula na akong mag model, di sa pagmamayabang isa na ko sa pinaka-sikat na batang male model dito sa New York ' Una balak kong gawin na libangan lang ito hanggang sa tumagal ng tumagal naging propesyon ko na ito and luckyly 19 years old na ko, marami pa rin akong project sa modeling.

  "Thank's Mom" ganting bati ko rin sa kanya.

  "I'm sure your dad will be proud of you too!"

  tss ' imposible, he doesn't even care about me -.-

  "I don't think so" ayoko ng marami pang sabihin dahil panigurado makikipag-debate na naman ako kay Mommy dahil sa pagtatanggol niya sa Daddy ko na ever since hindi ko pa nakikita, i just saw him at the picture yun lang.

  "Why son? If ever na makita ito ng Daddy mo, matutuwa siya for sure"

"Paano ba siya matuwa sa anak niya!?" sarcastic kong tanong.

  Ayokong saktan ang feelings ni Mommy, pero alam ko ang lugar namin sa buhay ng Tatay ko ' my mom is just a mistress, kung hindi pa ko pinanganak sa mundo i'm pretty sure wala na silang connection ng tatay ko na yun ngayon.

  Di nakasagot si Mommy sa tanong ko ' alam niyang may hinanakit ako sa tatay ko, bukod sa hindi niya pinayagan gamitin ko ang epelyido niya, hindi pa niya kami pinupuntahan ' yeah, nagbibigay siya ng suntento para sa akin, pero anong gagawin ko sa pera niya ' Kaya ko ng buhayin ang sarili ko.

  I hate my biological father so much ' he is a womanizer, sa pagkaka-alam ko may dalawa siyang anak na lalaki, at naghiwalay sila ng legal wife niya dahil sa amin ni Mommy, mas okay na yun at least may nawala din sa buhay niya. Nandito kami ni Mommy sa New York dahil tinakot kami ng Lola ko which is Mother ng Father ko, ayaw daw niyang masira ang pamilya niya dahil sa kalandian ng Mommy ko, kaya kahit labag sa loob ni Mommy tinanggap niya ang offer ng matanda na iyon na pera at umalis kami sa Pilipinas.

  "Gray ' intindihin mo na lang ang father mo!" sobrang pag-iintindi na ang ginawa ko sa kanya ' kaya nga in the end sumuko na rin ako, sana ganun din gawin ni Mommy kasi all these years mahal pa rin niya ang tatay ko na kahit katiting na pagmamahal hindi naman naibigay sa Mommy ko.

  "Enough Mom, I'll just take a nap" di ko na hinintay ang sasabihin niya at pumasok na lang sa kwarto ko.

  May sarili akong unit nabili ko ito sa sariling sikap ko sa pag-momodelo, nandito si Mommy para batiin lang ako sa achivement ko.

  Aaminin ko na naghahanap din ako ng aruga galing sa Tatay ko, pero dahil nga ilegitimate child ako wala akong magawa, nalaman ko na mahal na mahal ng tatay ko ang dalawang anak niyang lalaki sa legal na asawa nito, nakaramdam ako ng selos, kaya sinubukan kong makakuha ng impormasyon sa kanila ' kumuha pa ako ng private investigator at yung sustentong ibinibigay ng tatay ko yun ang pinangbabayad ko sa investigator na yun.

  Di naman ako nabigo ' nakakuha ako ng impormasyon sa kanila, pictures nila at kasama na rin ang educational background, activities, personality pati ang personal na buhay nila naungkat ko kasama na ang buhay pag-ibig nila.

   Magkasing edad lang kami ng panganay ng Tatay ko, mas matanda lang siya ng buwan pero yung bunso 2 years ang gap namin.

  Pareho silang di matino, pero mas walang patutunguhan yung bunso, tamad mag-aral, babaero, puro kalokohan ang alam, tss nagmana sa tatay niya.

  I'm sure one day magsasalubong din ang landas namin at sisiguraduhin ko na isa ako sa magiging dahilan ng paghihirap ng isa sa mga kapatid ko, papasukin ko rin ang buhay niyo.

  One day maki-kilala niyo rin ako, maki-kilala niyo din ang kapatid niyo sa labas, pagsisisihan ng tatay natin na mas pinili niya kayo kesa sa amin ni Mommy at pag nangyari yung araw na yun di niyo na ulit maka-kalimutan ang pangalan ko -GRAY YAMSUAN-

____________________________________

  ShennieCarmatine

I Wanna Make You MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon