Chapter 14 - Foundation Day ✔

2.3K 52 0
                                    

Chapter 14

   (Aya's POV)

   "Aya sa table number 6 ito ha" bilin sa akin ni Jesusa yung nagbabantay sa Counter ng Booth namin.

  Oo ! Foundation Day na namin ngayon at nagsisilbi na sa mga customers. Di lang naman Coffee ang ino.offer namin dito meron din kaming cakes, brownies at kung ano-ano pa.

  Maraming Booths ngayon sa school at marami ding Students at pwede rin pumasok yung mga outsiders basta may passes mahirap na baka manggulo lang sila.

  Dinala ko na yung bitbit kong coffee sa table 6 daw at nung makita ko kung sino yung mga nakaupo dun napaatras talaga ako. Kaya lang itong kaibigan kong makulit tinutulak ako palapit sa Table 6.

  "Aya ikaw ba yan? Ang cute mo sa uniform niyo ha" papuri or pang-aasar ni Kyle , Tama ! sila Kyle, Kiel at tong Vincent na to ang nakaupo dun.

  Katulad nga ng sinabi ko pwede ang mga outsiders kaya ayun andito sila -.-

  "Mas bagay to sayo" sabi ko pagkalagay na pagkalagay nung mga in.order nila sa lamesa.

  Diba nga ayaw ko talaga nito sila Ryza lang ang makulit ! Isa sa mga dahilan kung Bakit ayaw ko mga waitress sa Caffe Booth ay dahil sa Uniform nila.

  Pink and White ang color ng uniform namin dito sa Caffe Booth at sobrang ikli -.-

 

  Napatingin naman ako sa direksyon ni Vincent na napangiti sa sinabi ko.

  "Walang nakaka-tuwa" bulong ko na narinig naman nila. bwiset tong lalaki na to kala niya nakalimutan ko na yung ginawa niya sakin. -.-

  "Mukhang magkaaway na naman kayo ha?" tanong ni Kiel.

  "Wala na ba kayong kailangan?" sarcastic na tanong ko. Para makaalis na agad.

  "Ikaw?" sabay sabi naman nitong Vincent na to.

  "Ha?" takang tanong ko, pati sila Kyle at Kiel hinihintay yung sasabihin ni Vincent.

  "Ikaw! Ikaw ang kailangan ko" sabi nito sa seryosong mukha.

  "Boom Panes" dagdag naman ni Kyle sa sinabi ni Vincent.

  "Ewan ko sa inyo" pagkatapos kong sabihin yung bumalik na ko sa loob ng caffe.

  "Oy aya ' naka-ngiti ka dyan?" tanong ni Ryza na nagpupunas ng lamesa.

  "Di ah" di ko kasi namalayan na naka-ngiti na pala ako bwiset talagang Vincent yun -.-

  "Kaw bahala"

  Natapos kami ng buong araw na pagod at latang-lata paano ba naman kasi masyadong maraming tao ang pumunta sa Caffe Booth namin at lagi lang kaming nakatayo. imbis na magsaya sa araw ng foundation iba ang ginawa namin nagsilbi!

  Pagkatapos kong magbihis dumiretcho na ko sa court ng university namin kung san daw kami magkikita-kita nila Yassi pero pagkarating ko doon andun din sila Kyle.

  "Oh kumpleto na tayo ! Gimik?" tanong ni kyle.

  Sumang-ayon naman sila brenda pero ako hindi.

  "Kayo na lang una na ko" paalam ko sa kanila.

"Kj ka talaga Aya" sigaw nito pero di ko na lang pinansin. Pagod talaga ako at gusto ko nang magpahinga bukod dun ayokong kasama si Vincent.

   Habang naglalakad ako may humintong Motor sa harapan ko.

  Tinitigan ko lang siya at ng mapagtanto kung sino ang sakay nun naglakad na lang ulit ako.

   "Hatid na kita" sunod niya sa akin habang nakasakay sa motor niya.

   "Ayoko pang mamatay" sabi ko.

   Pero humarang lang ulit siya sa harapan ko at tinanggal ang helmet niya.

  "Di naman nakakamatay to."

  "Diba minor ka bakit pinapayagan ka ng magulang mo mag drive niyan?"

  Di siya sumagot at inabot na lang sa akin yung isa pa niyang helmet pero napangisi ako ng mapagtanto ang kulay noon. Pink Helmet!

  "Sorry na" sabi niya bakas naman sa mukha niya na sincere siya.

  Bumuntong hininga ako at tinanggap ang inaabot niya.

   "Subukan mo pang ulitin yun ' itutuktok ko sayo itong helmet mong color pink" panakot ko sa kanya.

  Ngumisi lang siya at sumakay na lang ako. Di siya mabilis mag drive sakto lang pero mas maganda na yung nag-iingat.

   Pagkarating namin sa tapat ng bahay ko bumaba agad ako.

   "Oh" abot ko sa kanya ng Helmet niya.

   "Tago muna yan"

   "Iyo to ba't ako ang magtatago"

   "Basta" sabi niya tapos ini.start na yung motor niya pero bago siya umalis may sinabi pa ulit siya. "Liligawan kita sa ayaw o sa gusto mo" pagkatapos niyang sabihin yun pinatakbo niya na ng mabilis yung motor niya.

  "Ingat" bulong ko kahit wala na naman siya.

  -----------------------

   (Kyle's POV)

   Nasa isang bar kami ngayon malapit sa valenzuela dito namin naisipan na gumimik, nakapasok ako dahil di naman halata sa mukha ko na minor pa lang ako.

   Nasa Dance Floor sila Yassi, Ryza at Brenda katabi ko naman dito si Kiel.

  "Susunod daw ba si pareng vincent?" tanong ko kay Kiel.

  "Oo sabi niya" maya-maya "Ayan na pala siya eh" pagkaturo nun ni Kiel lumingon ako at nakita ko na si pareng vincent.

   Umupo siya sa tabi ko ng nakangiti at nilagok agad yung iniinom ko.

  "Nahatid mo?" - Kiel

  "Oo" nakangiti nitong sagot.

  "Mukhang iba na yan ha" pang-aasar ko kay Vincent mukha kasing inlove na kay Aya.

  "Oo nga mukhang iba na" - Kiel

  "Mga sira" - Vincent.

  "Nakalimot ko na ata sa Dare natin? Panalo na ba ako?" tanong ko kay Vincent kahit andyan si Kiel.

  "Anong dare?" - Kiel

  "Tama ba ako Vincent?" tanong ko ulit di kasi umiimik tong kaibigan ko mukhang nag-iisip pa masyado.

  "Panalo ka na nga" suko niya.

  Sabi ko na nga ba eh ' mahuhulog tong kaibigan ko.

   "Wait nga lang di ko kayo nage-gets?" takang sabi ni Kiel.

   "May Dare kasi kami nitong si pareng vincent, nagpustahan kami na kailangan na ligawan niya si Aya at mapasagot ito pero su--"

  "Oh my god … Pinagpustahan niyo si Aya?" sa narinig namin sabay-sabay kaming napalingon nila vincent at nakita namin kung kaninong boses galing yung nagtanong.

  Nakita namin sila Ryza, Yassi at Brenda na nakatayo sa likod namin na gulat na gulat !

  PATAY O.O !!!

  ________________________

  

   ShennieCarmatine

I Wanna Make You MINE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon