We'll Find Ways.

4K 108 200
                                    

Patrice's POV

"Daddy..."

Ryle extended his arms to his dad. Nakakatuwa dahil kilala niya ito. Dahan dahan namang binuhat ni Ricci si Ryle. Tinitigan mabuti ni Ricci ang anak niya. Ryle suddenly giggled and put his hands on Ricci's cheeks tapos pinanggigilan ito. Napatawa rin si Ricci sa ginagawa ng anak niya sa kanya.

"Ryle, wag. Nasasaktan si daddy oh. Nilalamutak mo mukha niya."

"N-no it's okay."

Ricci smiled at Ryle and kissed him on the cheek. I don't know why but I bursted out. Hindi ko mapigilang hindi maiyak. As in hahulgol talaga.

"Aww... don't cry little sis!"

Lumapit sakin si kuya Rasheed at niyakap ako. Naririnig ko rin ang paghikbi ni tita Abi and ni mommy. Damn, akala ko hindi ako iiyak. Pero seeing Ricci carry our baby like that.. parang kumpleto na ulit.

Kumpleto na ko ulit.

Naramdaman kong may yumakap sa bewang ko sa likod. Rasheed broke the hug and I saw Riley there.

"Don't cry na achi! I missed you."

Nginitian ako nito. I bent down and hugged him tight.

"Allen, Ashton, hug niyo naman si ate oh. Namiss ko kayo eh."

Ngumiti sila at tumakbo papunta samin ni Riley tapos sumama sa yakap.

"Ang lalaki niyo na."

"Kuya naman eh! Mamaya na! Ako muna!!"

I broke the hug and saw kuya Prince trying to get Ryle from Ricci. Lumapit ako and got Ryle from Ricci tapos binaba ko ito.

"Play ka muna anak ha. I love you!"

Naglakad na ito. Agad naman siyang sinundan ng mga tito niya. Nakangiti lang si Ryle. Natutuwa siya for sure kasi ang daming taong nakapaligid sa kanya na pwedeng makipaglaro.

"Halika nga dito."

Hinila ako ni Ricci palapit sa kanya at inakbayan ako.

"Let's go upstairs so we can talk. Habang busy pa si Ryle na nakikipaglaro sa mga tito niya parang timang hahaha."

Nakatingin lang sila mommy sa amin at nakangiti.

"Usap lang po muna kami."

"Sige. Baba na rin kayo maya-maya ha. Malapit na tayo maglunch."

"Opo."

Nung paakyat na kami, biglang sumigaw si Brent.

"Guys, wag muna sundan ah! HAHAHA joke lang!"

Tumawa naman sila kuya Prince. Loko talaga to si Brent kahit kelan. Ricci mouthed a fuck you tapos nagkunwari si Brent na parang nasasaktan. Hay nako! Isa to sa mga namiss ko talaga.

Nung maka-akyat kami, Ricci guided me inside his and Rasheed's room. Ang tanging nagbago lang sa ayos nito ay yung bedsheets. The rest, it's still the same. I don't know why pero bakit parang ang awkward naman ata?

Binuksan ni Ricci yung aircon tapos hinawakan ang kamay ko at pinaupo sa kama niya.

"So... kamusta ka na?"

After All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon