A Fool For Love.

1.8K 76 138
                                    

Patrice's POV

A month has passed since I left the Philippines. Naging okay naman ang buhay ko ever since. Yun nga lang, malungkot na ko kasi Angelica and Bryan decided to go back and stay in the Philippines. Magpapatayo na kasi sila ng bahay dun. Tsaka isa pa, ayoko na silang pigilan sa mga plans nila. I've caused them too much disturbance at ayoko ng madagdagan pa yun. Kumapara dati, mas naging madalang yung phone calls namin ni Ricci ngayon. Ang alam ko kasi busy siya sa studies niya kasi kakatapos lang niya ng midterms nila a week ago at kakastart lang din ng round 2 ng elims exactly 2 weeks ago kaya hindi na kami masyadong nakakapagusap through video calls which I completely understand kasi kahit ako, busy na rin. Ang dami kong mga inaasikaso for the business and at the same time, nagpaplano at nagiipon na rin ako ng pampagawa ng bahay namin ni Ryle sa Pilipinas. Next year ko planong magpagawa ng bahay don at dun na rin mag-stay for good. Siguro naman next year, stable na ang business ko dito. And I think I've trained my staff and workers well enough naman na. Bibista na lang siguro ako dito from time to time. At habang hindi pa tapos ang bahay, syempre kela mommy muna kami magsstay. I've decided na sa Manila pag-aralin si Ryle kasi alam kong mahihirapan siya kung dito. I don't want him to feel left out or something. I know mangyayari at mangyayari yun kasi I have a cousin na dito nag-aral. She stayed for two years pero bumalik lang din siya ng Pilipinas. Iba daw kasi talaga ang education at ang acceptance dito kumpara doon.

Ryle has been really progressing in his sentence constructions pati na rin yung paglakad niya, mas stable na. Alam na niyang sumagot ng yes or no at nasasabi na rin niya kapag may gusto siya. He has been looking for his daddy sometimes pero pinapaliwanag ko naman sa kanya at sinasabing busy ang daddy niya. We watch his games through TV at kitang kita kong nag-eenjoy si Ryle sa panonood sa daddy niya kahit hindi naman niya talaga naiintindihan ito. Hawak niya rin yung ball niya habang nanonood kami ng laro. Kapag naman finofocus si Ricci, lumalapit siya sa tv at kinikiss ito. I know how he loves his dad so much. Kahit bata pa lang si Ryle alam ko at nararamdaman ko. Isa rin yun sa reasons kung bakit gusto ko rin na sa Pilipinas na lang siya mag-aral. Para naman magkikita silang mag-ama ng mas madalas.

I consulted Ricci first bago ako nagdesisyon at pumayag naman siya. Kapag naman tinatanong ko siya about kay Alex, iniiba niya ang usapan. It's like he's hiding something from me kaya si Brent na lang ang tinanong ko. Sabi ni Brent, madalas daw na nagpupunta si Alex sa Taft at nag-eeskandalo dun kapag nakikita niyang magkasama si Ricci at si Eunice. Naexperience na nga daw niyang makalmot ni Alex kasi pinipigilan niya ito sa paglapit kay Eunice. Yung isa naman daw, inaasar pa. Buti na lang daw nandun si Kuya Marco para ialis si Alex dun sa place na yun. Kaya daw puro issues ngayon si Ricci.

"Ryle, let's sit here na sa couch. Malapit na mag-start yung game ni daddy."

Tumakbo si Ryle palapit sakin at umupo sa tabi ko. This will be Ricci's last game in the UAAP if they become champions tonight. 1-0 na kasi ang score sa finals kaya kung mananalo sila nila Aljun, they will be the champs. Maya-maya pa, nagstart na yung game. Tuwang-tuwa si Ryle sa tuwing kay Ricci naka-focus ang camera. Kahit ako napapangiti sa reactions niya. Nakakapanghinayang nga lang na wala kami dun para manood ng live pero andun naman sila mommy kasama sila tita Abi kaya okay na rin.

It's already the 4th quarter at 12 seconds na lang ang natitira. Tie ang score sa 66 pero DLSU possession. Kailangan nilang ubusin ang oras at makashoot at the same time to win this game. A girl who's hands were together and her eyes closed was being focused on the screen.

"That is Eunice Francisco, our MVP Ricci Rivero's girlfriend. Praying for her love and her school to win."

I was taken aback with what the commentator said. Girlfriend? Sila na ni Ricci?

"Mommy, tita Eunice oh."

Napalunok ako. Hindi nabanggit ng kahit sino sakin sa Manila na sila na pala. I was too focused on my thoughts kaya hindi ko namalayan na tapos na pala ang game. I just heard Ryle screaming kaya nawala ako sa pag-iisip. White and Green confetti started to pour out. The Green Archers laid on the floor crying out of happiness. Maya-maya pa, zinoom in na kay Ricci na umiiyak at tumatakbo papunta sa family niya at sa family mo. Mahigpit siyang niyakap nila tita pati na rin nila daddy. The camera never left him. He started to run towards the other side. Niyakap niya ng mahigpit ang umiiyak na si Eunice and gave her a peck on the lips and mouthed thank you and I love you. Sumagot naman ang isa ng I love you. Biglang humarap si Ryle sakin na nakasimangot.

After All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon