I Hope They Really Would.

3K 106 173
                                    

Ricci's POV

"Cci, magha-happy T kami nila Bryce sa Downtown mamaya. Kasama si Prince at Rasheed. Sama ka?"

Naglalakad na kami pabalik ng dorm galing sa Razon.

"Pass muna ako Brenty."

"Wala naman tayo exam ah?"

"Tinatamad ako eh."

"Gago pre, may ipapakilala daw si Bryce satin! Sama ka na!!"

"Tangina graduate na ko diyan sa pakilala pakilala na yan pre hahahaha! Alam mo naman. Kayo na lang! Enjoy na lang kayo!!"

"Puta naman pare eh, lagi mo na lang tinatanggihan offer ko ah. Di mo na talaga ko mahal."

"Hahaha ang bakla mo Brent! Sige na, kayo na lang! May lakad rin kasi ako mamaya eh."

"Ayun naman pala, kaya pala hindi ka sasama ah! Sino kasama mo? Siguro may babae ka na, hindi mo man lang kami iniinform! Ano pre? Naka-move on ka na?"

Inakbayan ako ni Brent.

"Gago, wala bro hahaha. Ako lang mag-isa mamaya."

"Sige ikaw bahala. Basta sabihan mo lang ako kung nagbago na isip mo ah?"

"Sige."

Nung makarating na ko sa dorm, naligo ako agad. Pagkatapos kong maligo, bumaba ako para kumain. Naabutan ko sila Brent na nakaupo.

"Oh, akala ko aalis kayo?"

"Oo nga. Ang tagal ni Rasheed eh."

"Ano Ricci? Hindi ka talaga sasama samin?"

"May lakad yan si Ricci, Prince hahaha!"

"Talaga? San ka punta??"

"Roadtrip lang. hahaha."

"Sus, may kasama ka ata eh.."

"Wala kuya, ako lang."

Nagkibit-balikat lang silang dalawa. Parang timang, ayaw pa maniwala haha.

Pagkatapos kong kumain, nagpaalam na ko na mauuna na kong umalis sa kanila. Sumakay na ko ng kotse at nagdrive papuntang South.

Pagdating ko sa restaurant, nakita ko agad yung table nila.

"Mommy, andito na si Ricci."

Lumapit ako agad kay tita at nag-mano.

"Oh, hi Ricci! How are you? Upo ka."

Ganun pa rin ang mommy ni Patrice.

"Hi kuya!!"

"Hi Tin!"

"Hi Cci, kamusta?"

"Hi ate, okay lang naman hahaha."

"Order what you want to eat! Nagdinner ka na ba?"

"Ay opo tita, tapos na po ako."

"Oh sige, let's have dessert na lang sa Starbucks after. You want soup anak? Magsoup ka man lang sige na."

"Sige po tita."

Umorder ako ng mushroom soup.

"How's mom and dad? Last month ata ang huling usap namin eh. Buti nakapunta ka ngayon Ricci."

"Okay naman po sila, tita. Iniinvite nga po nila kayo next week. Mom and my brothers will be here in Manila po for the whole month of May."

"Sure!! Pupunta kami diyan."

Nagpatuloy lang ang kamustahan at kwentuhan namin nila tita and ng mga sisters ni Pat. Nung matapos kami, lumipat kami sa Starbucks.

"Kamusta ang studies nga pala?"

After All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon