I Could Not Ask For More.

1.9K 65 32
                                    

Patrice's POV

"Here. Happy birthday."

Inabot sakin ni Ricci yung flowers galing sa backseat.

"Thanks, Ricci."

I saw a card at natawa ako.

Happy birthday, Patrice. Thank you for bringing Ryle into this world. Continue to be beautiful, loving, and sweet. May God bless you on your special day.

Love,
Ricci.

"Wow, may card na! Hahaha! Second time mo pa lang magbigay ng flowers na may card ah! Hahaha!"

Natawa rin siya.

"Sorry na! You know I'm not good with words."

"Pero thank you. I appreciate the effort."

"You're welcome. Gutom ka na ba?"

"Not yet. Ang dami kong nakain na lasagna kanina."

"Tara, coffee?"

"Let's go."

Nagdrive si Ricci papunta sa Eastwood. Hindi ko alam kung bakit ang layo pa samantalang may Starbucks naman near our house.

"Let's watch a movie after having coffee. Okay lang?"

"Okay lang basta ba sagot mo eh hahaha! Joke."

"Sus, yun lang pala eh!"

"Wow! Iba na talaga pag model! Hahaha! Baka nakakalimutan mo, nagbayad tayo ng malaki-laki sa ospital kanina bes! Hahaha!"

"Sus! Barya lang yun! Hahaha joke!!"

"Yabang nito! Hahaha! Imaginine mo na lang Cci kung pati yung laboratories niya binayaran din natin. Napakalaking pera nun hahaha. Buti na lang pwede ko gamitin dun yung health card."

"Kayang-kaya ko bayaran yun! Hahaha! Pero kidding aside, kapag nandun na kayo ni Ryle, I can go visit you guys there right? Ngayon pa lang, parang namimiss ko na ang anak ko kahit magkasama pa kami."

My heart broke a little. Kala ko mamimiss niya rin ako, si Ryle lang pala.

I forced a smile.

"Of course. Basta sabihan mo ko kung kelan ka bibisita para mapasundo kita sa airport."

"Okay sige."

After that, hindi na kami nag-usap ulit. It was a peaceful silence. Nasanay na rin siguro kami na hindi nag-uusap masyado pag magkasama kami kaya hindi ganun ka-awkward. Almost 30 minutes lang ang naging biyahe namin dahil gabi na rin at sa skyway dumaan si Ricci para hindi namin madaanan ang EDSA.

Nung makarating kami ng Eastwood, nagpark si Ricci tapos bumaba na kami. Dadalhin ko sana yung flowers kaso sabi niya, iwan ko na lang daw dito sa sasakyan para wala kaming dala at hindi kami mahirapan.

Closed na yung main mall pero open pa yung cinemas pati yung restaurants sa labas. Umakyat kami para bumili ng ticket ng movie na papanoorin namin. We both chose an action comedy. Si Channing Tatum ang bida. Dahil 11:30 pa yung last showing dito at 10:30 pa lang, nagdecide kami na mag-coffee bean muna.

I ordered Caramel Macchiato and a chocolate cake. Si Ricci naman, his favorite Caramel Frappe.

"Sana naman maganda yung movie na napili natin."

"Oo nga. Pero feeling ko naman maganda yun."

"Anyway, how's work nga pala? Everything good?"

"Yeah. I'm planning to expand sa ibang places sa Singapore. Yung madalas na may mga tourists. Mas mataas kasi ang sales kapag nagtayo kami ng shop near a tourist spot."

After All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon