Patrice's POV
Mag-isa ako dito sa bahay ngayon. I was supposed to go to the mall with them kaso marami pa kong mga gamit na kailangan ayusin. Yung ibang mga damit at mga binili kong gamit para kay Ryle, ipapa-ship ko na lang through LBC.
I was busy fixing the contents of the box nung may nag-doorbell. Lumabas ako and found Ricci standing outside.
Shit.
It's been a week since we got back from Isabela. Isang linggo ko na rin siyang hindi nakikita.
Hindi na rin kami nag-usap simula nun. Ang awkward tuloy. Lumapit ako at binuksan yung gate.
"W-wala si Ryle eh. Umalis kasama sila mommy. Pasok ka."
Tumango ito at sumunod na sakin papasok sa loob ng bahay.
"Kanina pa sila umalis nila tita?"
"Oo. Teka tatawagan ko, baka pauwi na."
Lumakad ako diretso sa kwarto at dinampot yung phone ko. I quickly dialled mom's number.
"Hello, Pat."
"Ma, matagal pa kayo?"
"Oo. Hindi pa nga namin nabibili yung mga nilista mo eh."
I made a list of the food to buy na wala dun at meron dito.
"What?"
"Bakit?"
"Andito kasi si Ricci, hinahanap si Ryle."
"Ganun ba? Eh naglalaro pa sila dito sa Timezone eh. Pero sige, yayayain ko na sila para makakain na kami tapos mabili ko na yung pinapabili mo. Sabihin mo na lang kay Ricci, pakihintay na lang niya kami kung hindi siya nagmamadali. Or kung nagmamadali man siya, sunod na lang siya dito sa ATC, sunduin niya si Ryle."
"Sige. Tawagan na lang kita ulit ma."
"Okay."
Binaba ko na ang tawag.
"Anong sabi?"
I got shocked. Lumingon ako and found Ricci leaning on the door.
"Ano ba yan, nagulat naman ako sayo! Umm... okay lang ba sayong maghintay? Baka daw matagalan pa sila eh. Or kung gusto mo, sunod ka sa kanila tapos sunduin mo na lang si Ryle. Sa ATC lang naman sila."
"No, it's fine. Hihintayin ko na lang sila dito. If you don't mind."
"Umm, okay lang naman sakin. Sure ka ah? Baka nagmamadali ka."
"Hindi naman ako nagmamadali so, it's fine."
Hindi na ko sumagot at tumango na lang. Kinuha ko yung mga iba pang damit ko na nakatupi na ng maayos sa kama at nilagay ito sa loob ng maleta. Ricci went closer and sat on the bed, watching me pack my things.
"Ang dami mo naman atang iniimpake."
"Uhh..medyo. Dadalhin ko na kasi halos lahat ng damit ko dun."
"Why? You're not coming back?"
"Syempre babalik. Andito family ko eh. Gusto ko lang silang dalhin."
Tumayo ako at kinuha yung ilang novels sa tabi niya tapos nilagay naman ito dun sa kahon.
"Pati yan?"
"Yup. Para naman may libro ako dun. Para kung magkakatime man ako, makakapagbasa ako. Pero I doubt it. Ang daming trabaho dun eh. Just in case lang naman."
Nagpatuloy ako sa pagiimpake ng gamit hanggang sa maubos lahat ng nakapatong sa kama ko. Halos mapupuno na ang isang maleta ng mga damit ko at ni Ryle tapos yung box, mangangalahati na rin ang laman. Sinara ko na mabuti yung maleta tapos tinayo ito at hinila papunta sa gilid.
BINABASA MO ANG
After All This Time
FanfictionIn one's relationship, distance can result into two things: This can either strengthen or end one's love for each other. How will it be for Ricci and Patrice? Will their love for each other survive and deepen despite the distance and longing or wil...
