Patrice's POV
"Hello Miles? Anong sabi nila tita?"
Andito kami sa condo ni Ricci na dating condo ko hahaha. Ngayon kasi kami naglipat ng gamit namin ni baby. Si Ryle naman, naiwan saglit kela mommy para daw hindi kami maistorbo sa pag-aayos ng gamit at mabilis kaming matapos. Kausap ni Ricci yung pinsan niya para i-confirm kung available sila sa Sunday. Nagpareserve kasi kami sa Josephine's sa Tagaytay kung san ipapakilala kami ni Ricci sa relatives niya. I am fixing my clothes. Mula sa maleta, nilalagay ko ito sa cabinet katabi nung kay Ricci. Kanina pagpasok ko, walang nagbago sa loob ng unit ko. The curtains were still the same. He made sure to bring it to the laundry once every three months. Yung fake plants, andun pa rin kung saan ko sila iniwan. Yung paper towel holder sa kitchen, andun pa rin. As in everything was how it used to be. Ang nagbago lang siguro sa unit na to, yung mga sheets sa bed at wala na rin yung gamit ko. Pero at least ngayon, andito na sila ulit. May nadagdag pa.
"Babe, nag-confirm na sila tita. Pupunta sila sa Sunday."
Ngumiti ako.
"That's good to hear. Yung relatives ko din Cci. Lahat sila pupunta."
Sinara ko ang closet nung mailagay ko na yung huling damit ni Ryle sa loob. Yumakap ako kay Ricci. I felt him kiss the top of my head.
"What do you think about our unit babe?"
"Wala ka talagang binago ah."
"Of course. I just make sure na malinis lagi. Lagi kasing nasa isip ko nun na baka pagbalik mo tapos makita mong magulo, lagot ako. Hahaha."
"Lagot ka talaga!! Pero Ricci, thank you ah. Thank you for waiting and hoping."
He smiled sweetly at me.
"I'll always wait for you, Pat. Kahit mamatay na kong walang asawa."
—
"Namiss ko kumain dito kasama ka."
Andito kami ngayon sa Mary Grace. Of course, ako ang nagdecide na dito kumain kasi favorite ko talaga dito. While waiting for our order, nagkwentuhan lang kami ni Ricci.
"Oo nga pala babe, Marco told me na nandito na raw yung bodyguards from Quezon. We'll meet them tomorrow by lunch."
"Okay sige."
"How's Ryle nga pala? Nakausap mo na ba si tita?"
"Nakausap ko siya kanina. Dinala daw nila si Ryle sa Southmall. They're with dad din. Hindi pa naman daw umiiyak si Ryle."
"Buti na lang kahit ikaw lang ang nakasama niya sa Singapore, hindi ka rin niya hinahanap-hanap when you're not around."
"Oo nga eh. As long as may milk siya and kilala niya yung kasama niya, okay lang sa kanya kahit I'm not around. Tsaka tahimik lang yun si Ryle. Nagtatantrums lang siya pag gutom na siya."
"Parang ikaw babe, Nagiging halimaw bigla pag gutom. Hahaha!"
"Hoy grabe ka naman!!"
"Oh bakit? Remember nung na-late ako nung sinundo kita sa Adamson? Kulang na lang magdikit yang kilay mo sa sobrang inis mo sakin nun dahil gutom na gutom ka na. 15 minutes lang naman ako na-late nun. Tapos nung nakakain na, malambing na siya ulit. Hahaha!!"
Napangiti ako dahil sa tawa niya. Ang gwapo talaga nito ni Ricci eh.
"K-kasi naman, ano... finals naman kasi yun babe."
BINABASA MO ANG
After All This Time
FanfictionIn one's relationship, distance can result into two things: This can either strengthen or end one's love for each other. How will it be for Ricci and Patrice? Will their love for each other survive and deepen despite the distance and longing or wil...