More Important Than Our Relationship.

2.3K 81 47
                                    

Ricci's POV

"Shit pare, grabe tong kaba ko."

Andito kami ni Bryan sa isang restaurant sa Greenbelt. Dito niya napiling magpareserve ng isang private dining area for his surprise for Angelica. Nagtulong kaming dalawa para ayusin ang kwarto. Nagkalat ang rose petals sa floor. There were pictures of him and Angelica posted on the wall. A candle was lit on the table and fairy lights were hanging on the wall. It was a very cozy place. I'm sure Angelica would like how this place is set up. May hawak na bouquet si Bryan sa kanang kamay niya.

I lightly tapped his back.

"Wag kang kabahan, pare. Everything will be fine."

"Sinunod ko yung sinabi mo sakin na wag siyang itext or tawagan. Tangina pare, ang hirap nun ah! Hahaha! Nung binyag nga ni Ryle, hirap na hirap ako sa pagpigil sa sarili ko na lapitan siya eh."

Natawa ako. It's so obvious he's so into her.

"You'll thank me later for that, bro."

Biglang may nag-text sa phone ko. I got it out of my pocket.

From: Mrs. Ricci Rivero
7:02 pm

Babe, we're here na ni Anj sa Greenbelt. Naglalakad na kami papunta diyan sa restaurant.

I quickly replied with an okay at tinago ang phone.

"Pare, andito na daw sila. Oh pano? Maiwan na kita ah? Goodluck!"

I gave Bryan a manly hug tapos lumabas na ko ng dining room na yun. I texted Pat that I will be waiting for her sa katabing restaurant. Naglakad na ako kasama si kuya Joseph at Kuya Edwin papunta sa kabilang restaurant. Dito nila ako inaantay sa labas.

Nung makapasok na kami dito sa Cafe Via Mare, umupo na rin sila kuya sa one table away from where we're seating.

"Kuya, we'll just wait for Pat. Dito na rin ho kayo mag-dinner."

Ngiti kong sabi sa kanila. Tumango naman silang dalawa. Maya-maya pa, nakita ko na si Pat and si Angelica na pumasok sa kabilang restaurant.

Patrice's POV

"Nagpa-reserve na ko ng isang dining area Anj. Dito tayo."

Ngumiti ako and guided Angelica towards the room where Bryan reserved. Nung nasa tapat na kami ng door, pinauna ko si Angelica na pumasok.

"Anj, una ka na pumasok. I'll just use the comfort room."

"Okay."

Tumalikod na ko at napangiti when I heard her gasp.

"Pat!!"

I looked back and smiled at her.

"I'm so happy for you girl. Go get your man na."

Hindi ko na siya hinintay sumagot at naglakad na palabas ng restaurant at pumunta sa kabila.

Pagpasok ko, I heard Ricci call me.

"Babe!"

Ngumiti ako at agad na naglakad papunta sa table ni Ricci. Tumayo siya pulled the chair for me.

When we were settled, we ordered food.

"Kuya, paki-assist na rin ang table na yun. I'll be paying the bill for them. Paki-kuha na rin ang order nila."

"Okay po Sir."

Habang kumakain, panay lang ang kwentuhan namin ni Ricci about sa realtionship ni Bryan at Angelica nung nasa Singapore pa kami.

After All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon