Our Own Little Hideout.

1.8K 64 130
                                    

Patrice's POV

"Sumama ka na muna sakin sa training tapos diretso na tayo sa burol after."

"Sa taft?"

"Yeah."

"O-okay."

"Ayaw mo ba?"

"No, no it's fine."

"Ligo na ko ah."

Tumango lang ako. Ricci told mommy about the death of Alex's mom and yung mga plans namin for today. Pumayag naman si mommy at sinabi na ipapasyal na lang niya si Ryle sa mall. Sa totoo lang, I feel guilty kasi wala na kong oras para sa anak ko. Dati sobrang hands on ako sa kanya tsaka kung san ako magpunta andun din dapat siya. Kaso ngayon, hindi lang talaga pwede kasi hindi ko siya pwedeng isama because of some circumstances. Buti na lang talaga naging comfortable na si Ryle kela mommy kaya naiiwan ko na siya sa kanila.

Isa pang iniisip ko, I will be going to La Salle para samahan si Ricci sa training niya. For sure Eunice will be there too so pano kaya yun? Parang hindi ko ata kayang makita na maglandian sila sa harap ko. Baka pagbuhulin ko pa silang dalawa. Pero whatever, kung andun man siya edi okay lang. Wala naman akong magagawa eh. I have no right na.

Nung matapos maligo si Ricci, tapos na rin akong mag-make up. Since we're going to a wake, I wore a black off shoulder dress and a black slip-ons. Nung matapos siyang magbihis at mag-ayos, we went out and drove papuntang Taft.

The familiar Agno street, the busy students, and some fans were all very nostalgic to me. Hindi ko na matandaan kung kelan ako huling pumunta sa lugar na to. It may just be a few months ago pero it feels like years have passed by. Sobrang daming memories ang meron ako sa lugar na to.

Nagpark si Ricci sa loob ng dorm tapos naglakad na lang kami papunta sa Razon. Maraming napapatingin because of the guy who's arm was draped over my shoulder. Hanggang ngayon, ganun parin ang effect niya sa mga taong nakaksalubong niya, mapapalingon talaga ulit sila sa kanya.

Pagdating namin sa tapat ng Razon, may mga lumapit sa kanya at nagpa-picture. Yung iba nakilala ako at kinamusta. Yung iba naman inirapan ako. Kung maka-irap kala mo naman pagmamay-ari nila si Ricci! Dukutin ko mata niyo eh.

Nung matapos na ang photo-op, pumasok na kami at dumiretso sa 9th floor. I can hear balls hitting the floor, laughing, and shouting. Pagpasok namin, lumingon sila.

"Pat!!!"

Nagtakbuhan palapit sakin si Aljun, Andrei, at yung iba pang nakakakilala sakin. They hugged me and told me that they missed me. Nagkwentuhan at nag-kamustahan kami saglit kasi dumating na yung coach nila. Pinaupo ako ni Ricci sa tabi ng bag niya at pinahawak ang cellphone niya sakin. Sagutin ko na lang daw in case may tumawag. Bago na rin yung coach nila. Alam ko assistant coach nila to dati eh. Hindi na daw kasi ni-renew ni coach Aldin yung contract niya with DLSU at lumipat ito sa UST.

The practice went on. Nagkaron rin ng tune-up game kasama yung varsity ng isang university sa Cavite. Habang nanonood ako ng laro, Ricci's phone rang.

Nikki 💃🏻
calling...

Eunice's picture displayed. I was contemplating on answering pero dahil sabi ni Ricci sagutin ko pag may tumawag, I swiped and accepted the call.

"Love!!"

"Umm.. Eunice?"

"Ay, who's this?"

"S-si Pat to. Umm... kasi nasa training si Ricci eh."

"G-ganun ba? Kamusta Pat?"

"Okay naman. M-may ipapasabi ka ba? Sinama na kasi niya ko dito sa practice kasi didiretso kami sa burol nung mom ni Alex."

After All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon