Patrice's POV
Pagpasok ko pa lang ng pinto ng unit ko, tawa agad ni Ryle ang narinig ko. Bryan was kissing his tummy.
"Ryle!! Mommy's home!"
Lumingon silang dalawa sakin.
"Mommy!!"
Bumaba ito mula sa pagkakahiga sa lap ni Bryan at naglakad papunta sakin tapos nagpakarga.
"Kiss mommy! Namiss kita grabe!!"
Kiniss ako ni Ryle at yumakap ng mahigpit. Nakakawala ng pagod at stress sa trabaho kapag ganto ang uuwian mo.
"Kumain ka na?"
"Hindi pa nga eh."
"May pagkain na diyan. Nagluto na ko kanina. Oh mauuna na ko ah? May date pa ko eh hahaha."
Natawa ko.
"Sino nanaman yang naloko mo Bryan? Haha. Sige ingat ah? Thank you sa pag-aalaga kay Ryle."
"Wala yun. Ryle, tito's going home na. Kiss na."
Kiniss niya si Bryan sa cheeks. Naglakad na si Bryan palabas ng unit ko. Dahil kaming dalawa na lang ulit ni Ryle ang nandito, dinala ko muna siya sa kwarto at nilagay sa crib niya para makapagbihis ako. Hindi naman kasi iyakin tong baby ko kaya kahit iwan mo siya saglit, hindi siya iiyak basta may laruan siyang nakikita.
Nagbihis ako agad at binuhat si Ryle papunta sa living area. Binaba ko siya tapos binuksan ko ang TV at nilagay sa Disney Jr. Binitawan niya agad ang hawak niyang laruan at umupo sa may harap ng TV.
Napangiti ako.
Tong batang to, kapag may TV talagang nakabukas, tumatahimik basta cartoons ang palabas. Madali akong kumuha ng pagkain at umupo sa sofa. Bigla na lang pinalipat lipat ni Ryle yung channel. Kinuha pala niya yung remote. Pinabayaan ko lang siya at sumubo. Gutom na gutom na kasi talaga ako.
"Mommy! Daddy?"
Nag-angat ako ng tingin. Si Ryle nasa harap na ng TV....
tinuturo ang daddy niya.
Nilapag ko ang hawak kong plato at kinuha ang remote sa kanya at nilakasan ang volume. Kinarga ko si Ryle at niyakap.
"Daddy??"
Sabay kaming tumitig sa TV.
"Yes Ryle, that's your daddy."
Pinagmasdan ko si Ricci habang iniinterview siya sa CNN Philippines. Meron kasi kami nitong channel na to sa cable namin.
"Hi! Good evening sa lahat ng viewers ng Sports Desk."
"So Ricci, unang tanong. This is your last year in the UAAP. Last season of being the captain, and we all know na isa ka sa mga talagang contributors in the team. Sa tingin mo, ano pa kaya ang pwede mong maicontribute para makuha ng Green Archers ang back to back champioship this season?"
"Umm.. siguro po I would still do my job as the captain ball. Kasi if the leader of the group displays good attitude towards umm.. siguro not just during the game pero kahit sa practices, the whole team will follow you. Tsaka yun nga, yung teammates ko naman, maaasahan talaga sila and they would do anything to get the championship. We still have a lot to improve kasi po umm... learning never stops talaga."
Ang gwapo gwapo niya parin sobra. Mas lalo pa nga ata siyang gumwapo ngayon. Medyo lumaki na rin ang katawan niya. Napahalik ako bigla kay Ryle na hindi inaalis ang tingin sa daddy niyang nasa TV.
"Ang gwapo ni daddy di ba baby? Kamukhang-kamukha mo siya."
"I know you guys are preparing na for season 83 kahit it's only May. How different is the training now compared sa trainings niyo kapag off season. I mean kapag kunyari kakatapos lang ng season syempre medyo lie low muna sa training di ba?"
BINABASA MO ANG
After All This Time
FanfictionIn one's relationship, distance can result into two things: This can either strengthen or end one's love for each other. How will it be for Ricci and Patrice? Will their love for each other survive and deepen despite the distance and longing or wil...