The Pain Of Parting.

1.7K 93 26
                                    

Ricci's POV

"Where are you? Papunta na kami sa airport."

"Uhh.. yes yes, hahabol ako. 5 pm pa naman kayo papasok sa boarding area di ba?"

"Oo."

"Okay sige hahabol ako. I just need to attend to something important."

"O-okay sige. Please humabol ka Ricci."

Napalunok ako.

"I will, Pat. I promise."

It's already 1 pm at papunta na ko sa World Trade to watch Eunice's dance performance. Andito na nga ako sa may Heritage Hotel when I pulled up sa gilid to answer Pat's call. Grabe, ngayon pa lang I already know that this day will be so hectic.

Nag-park ako agad and texted Eunice na nandito na ko. She quickly replied and told me na she'll wait for me sa entrance. Inayos ko ng konti ang buhok ko tapos lumabas na ng sasakyan.

When I was near the entrance, I saw Eunice in her military costume. Yun ata ang theme ng sasayawin nila. She was smiling and waving at me kaya binilusan ko na ang paglakad.

"Hey!"

Agad siyang lumapit at nag-beso sakin.

"Thanks for coming, Ricci. It means a lot to me."

Ngumiti ako sa kanya.

"You're welcome. Syempre I wanna be the first one to see kapag nagkalat ka sa stage! Hahaha!"

Hinampas niya ang braso ko.

"Sama mo! Baka nga mamaya ma-inlove ka pa sakin pag nakita mo na kong sumayaw eh! Haha! Just joking! Tara, let's go inside. Ito yung ticket mo."

Inabot niya sakin ang isang maliit na papel. It has my row and seat number. Naglakad na kami papunta sa loob. Inabot ko yung ticket ko sa usher tapos pinakita naman ni Eunice yung ID niya.

"Sir, sa gitnang door po kayo pumasok, row 5, seat 8. May mag-aassist na po sa inyo sa loob."

Tumango ako tapos naglakad nakami papasok.

"Oo nga pala, Eunice. I need to leave at ummm... 3 pm. Meron kasi akong importanteng aasikasuhin."

She suddenly smiled sadly at me.

"I know. Brent told me. Okay lang yun, Ricci. I know mamimiss mo ang baby mo. Sayang hindi ko man lang nakilala si Ryle. Kung aabot lang sana ako, sasama ako eh."

I was taken aback nung binanggit niya ang anak ko.

"Y-you know about my s-son?"

"Yeah. Si Brent rin ang nagsabi sakin hahaha! After ng performance namin, pupuntahan kita ulit para mahatid kita sa car mo."

I smiled at her.

"Okay."

"I'll see you later, pray for me! Haha."

Tumawa kami.

"I will. Good luck!"

I gave her a hug tapos naglakad na siya papunta sa backstage. Ako naman umupo na sa designated seat ko.

Patrice's POV

"Brent, alam mo ba kung saan pupunta si Ricci?"

"Ah... ummm..."

"Nagsabi kasi siya sakin na siya ang maghahatid kaso meron daw siyang important matter na pupuntahan. Pero susunod na lang daw siya. Alam mo ba kung ano yun? He seems in a hurry kanina nung kausap ko."

After All This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon